Chapter 19

3 0 0
                                        

Agad na naglakad si ate jayleen sa table kung nasaan ang attendance. Inabot naman sa kanya agad ni Eugene nang makalapit ito. 

"I'll sign sa name na lang ng papa mo ah." paalam niya sakin. 

"You can put your name din ate beside it para may identification pa rin po," I told her. 

Gusto ko nga sanang agawin na muna ang attendance sa kanya at burahin muna ang pangalan ng tatay ko sa listahan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayoko naman ding makita nila ang tampo ko sa papa ko. 

Nang matapos pumirma ay pumasok na siya sa loob ng classroom namin at tumabi sa mama niya. Nakita ko pa ang pagtataka ng mama niya ng bigla siyang pumasok sa loob pero agad itong nagbago pagkatapos siyang bulungan ni ate jayleen. Tumango lamang ito at seryosong nakinig ulit sa meeting. 

tahimik akong bumalik sa upuan ko kung saan nag uusap si eugene at jeff. Habang nag uusap sila ay napansin kong nakatingin si jeff sa akin. 

"bakit? ano nanaman pang asar ang naiisip mo? hindi ba yan makapag hihintay until monday? kailagan ngayon ka na babanat kaya ka nakatingin?" masungit na saad ko sa kanya and the brute just scoff.  

Naku pasalamat ka at wala akong sa wisyong makipag bwisitan sayo. 

akmang magsasalita na sana si eugene pero hindi niya naituloy dahil dumating ang mga kaibigan kong kontrabida. 

Seryosong nakatingin sa akin si lean habang mapang asar naman akong tinititigan nila mark.

"di naman ako nainform na may bago kayong kapamilya jeff." nang aasar na sabi ni rowie.

Tiningnan ko lang sila ng masama at hindi na nag abalang sagutin pa sila dahil paniguradong hahaba lang kapag pinatulan ko pa sila.

Matapos kaming mag ayos ng mga gamit ay tumambay na lang kami sa labas ng classroom namin hanggang sa matapos ang meeting.

Nang maibigay ng Adviser namin ang lahat ng mga cards at natapos lahat ng mga announcement niya ay isa isa nang naglabasan ang mga magulang. Nagpaalam na rin muna sila lean na pupuntahan ang mga magulang nila. Habang ako nama'y inabala ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit.

Habang seryoso kong itinatago ang mga papel na nakakalat sa table ay bigla akong napatigil dahil biglang may nagsalita sa may gilid ko.

"Congrats!" saad ni ate jayleen habang inaabot sa akin ang Card ko.

Nagtataka ko naman itong kinuha. Napansin ata nya dahil bahagya siyang tumawa.

"You did very well this quarter. Ang tataas ng grades mo. I'm sure they will be proud of you." Dugtong ni Ate jayleen

As if naman titingnan to ng parents ko.

Ngumiti at nagpasalamat na lang din ako kay ate jayleen sa pagkuha ng card ko. Magsasalita pa sana ako ulit pero napatigil ako dahil sa paglapit ni jeff kasama ang mama nila.

" Tara na daw ate." simpleng saad ni jeff.

Nginitian ko lang din ang mama nila at akmang magpapaalam na nang bigla itong magsalita.

"Do you want to join us?" tanong niya

"po?"

"kakain kami sa cafe ni jayleen, a little celebration dahil maganda naman ang grades ng kulokoy na to." natatawang saad ng mama ni jeff na ikinasimangot naman ng huli.

"ma naman." nahihiyang reklamo ni jeff na lalong ikinatawa ng mama nya at ng ate nya.

Akmang tatanggi na ako nang biglang magsalita si ate jayleen.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon