I'm tapping my feet while standing here at the gate of our school. Medyo nakayuko na ako dahil pinagtitinginan ako ng bawat taong dumadaan sa harap ko. Kasi nga naman, para akong tangang nakatayo dito. Siguro iniisip nung mga iyon nagpapractice akong maging security guard.
Halos twenty minutes na akong nakatayo dito. Nakasimangot na ako nang biglang may tricycle na tumigil sa harap ko. Bahagya akong yumuko para tingnan kung sino ang nasa loob. Nanalangin na sana si Jeff na ito, pero bigo akong tumayo ng tuwid nang makitang ibang tao iyon.
Ramdam ko na ang pamumuo ng inis sa loob ko dahil sa tagal ng kasama ko at akmang kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya, nang biglang may tumigil ulit na sasakyan sa tapat ko. This time it's a black Toyota fortuner. Kunot noo akong nakatingin dito nang biglang may bumaba sa may passenger's seat. Agad namang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.
"Eugene!" malakas na sambit ko.
"Hi!" nakangiting bati niya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. "ang inet dito ah!" dugtong pa niya.
"sisihin mo yung best friend mong kulot na hambog. Ang tagal tagal. Sabi niya 9:30 kami magkikita dito sa gate hanggang ngayon wala pa." inis na reklamo ko sa kanya.
Tumawa naman siya kaya kunot noo ko siyang tiningnan.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Gagawa rin ng report. Ito rin kasi napagkasunduan namin ng kapartner ko." he said.
"Sino nga kapartner mo?" tanong ko.
"Si Eli." Sagot niya. Tumango tango naman ako.
"Gusto mo doon na natin sila antayin sa library?" tanong niya.
Tiningnan ko lang siya. Nagdadalawang isip, hindi ko alam kung sasama na ako o aantayin lang si Jeff dahil dito namin nagpa usapan magkita. Baka daw kasi hindi siya papasukin kapag walang kasama.
"Jham?" tawag ni Eugene sa akin.
Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ginagawa mo dito pre?" agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Handa na akong singhalan siya ngunit napatigil ako nang makita kung gaano siya kalapit sa akin. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Halos magkasing tangkad lang kami ni Jeff kaya nang humarap ako sa kanya, mukha niya agad ang bumungad sa akin.
Our faces are just inches away from each other. Masyado itong malapit na kahit konting tulak lang ni Eugene sa likod ko ay magdidikit ang labi naming dalawa ni Jeff.
Pero Bakit naman ako itutulak ni Eugene? Jhamila kung ano ano pinag iisip mo.
My eyes blink and were about to step backward when I accidentally stepped on Eugene's foot. Kaya na out of balance ako. I close my eyes and was ready to feel the hot cement in my lower back when I felt an arm wrapped around my waist preventing my fall.
I opened my eyes and met his concerned look. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay mas bumilis pa ngayon. Maging ang mukha ko nararamdaman kong umiinit, kaya naman agad kong itinayo ang sarili at bahagyang lumayo sa kanya.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Eugene sa akin. I nodded at him then shift my gaze again to Jeff.
I cleared my throat before I started talking to him.
"Bakit ngayon ka lang? kanina pa ko nag aantay." Masungit na tanong ko sa kanya.
Nakasimangot akong nakatingin sa kanya pero ang puso ko ang bilis pa rin ng tibok.
BINABASA MO ANG
Denial
Non-FictionJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...