Chapter 9

4 0 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa Food Laboratory, dala dala ang ibang ingredients na gagamitin namin para sa lulutuin namin mamaya nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Gusto mo baa ko na magdala nyan?" tanong niya.

Napalingon naman ako at nakita ang nakangiting si eugene. Bakit hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala siya. Ano ba yan, hindi na ka activitate ang eugene tracker ko. Gosh!

Sasagot na sana ko nang biglang may nagsalita galing sa likod ni eugene.

"Kaya nya na yan! Maton yan eh!" nang aasar na sabat ni jeff sa amin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang epal talaga." Bulong ko.

Tumawa lang din si eugene at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang makarating sa food lab, nakita agad namin sila lean na nakapwesto na sa assigned place namin. Dumiretso na ko dun at padabog na binagsak ang mga dala ko, tama lang na hindi ito masira at malamog. Gulat namang tumingin sa akin ang mga kagrupo.

"Nangyari sayo?" tanong ni lovely.

"Wala, may bwiset lang akong nakita." Malamig na sagot ko sa kanya.

"At mukhang, buong klase mo siyang makikita." Nang aasar na sabi ni lean habang nakatingin sa may likuran ko.

My forehead immediately creased at her statement. I was about to look at the back when someone stand beside me.

"Ayos na ba lahat? Ready na?" masiglang tanong niya.

Nakasimangot naman akong tumingin sa kanya.

"Excited mo ata Jeff?" natatawang tanong ni eli.

Nginitian niya lang si eli pagkatapos ay isa isang sinuri ang mga bagay na nakakalat sa table namin. Ang kaninang nakasimangot kong mukha ay unti unting napaltan ng pagkamangha sa excitement na nakikita sa kanya. Iba ang kislap ng mata niya habang isa isang tinitingnan ang ingredients at kopya ng gagawin namin.

"Hoy! baka naman matunaw." Agad akong napabaling kay lovely nang bumulong siya sa akin.

"Ha?" kunot noo ko siyang tiningnan.

"Ha?" she said, mocking me. "Magmang mangaan ka pa dyan, grabe titig mo dyan kay Jef." Halos mabulunan ako sa sariling laway dahil sa sinabi ni Lovely.

"Huy! Kilabutan ka!" sagot ko naman sa kanya.

"Huy! Kilabutan ka!" she mocked me again.

"Sus! Narinig ko na yan Jham, yung huling nagsabi sa akin ng ganyan, ayun magjowa na." natatawang saad niya. Inirapan ko na lang siya.

It's nonsense kung papatulan ko siya, sasagot at sasagot siya sa akin. Kaya tinalikuran ko na lang siya at pumunta kay lean, na ngayon ay kausap ni Eli. Busy sila sa pagpaplano sa gagawin.

"By four na lang gawin natin, since apat yung gagawin nating dish." Saad ni Lean.

"di ba pwede by pairs na lang? one dish per pair?" sagot naman ni Eli. Pareho silang napatingin sa akin ng bigla akong tumabi sa kanila. Maya maya naramadaman ko na rin ang paglapit ng iba pa naming ka grupo.

"Tingin nyo? Anong mas maganda, we'll be divided by two or by four?" tanong ni Lean sa amin.

" Kapag by two, two dish per group." Dugtong pa niya.

"Anong pinagka iba nun? Ganun pa rin naman." Napatingin kami lahat kay Jeff nang bigla siyang nag salita. Seryoso siyang nakatingin sa amin. His jaw was really defined kapag ganyan siya.

"I mean, even if we are divided by two or four, still, in each group, two will work on one dish." He said.

"Make sense." Nakangiting sagot ni lean.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon