Chapter 12

1 0 0
                                    


"Ha?" tanong ko. Dahil parang mali ata pagkakarinig ko.

"Sabi ko I like you." Ulit niya pa.

"Ay naku! Sorry Jeff ah, pero hindi kita type." Agap na sagot ko sa kanya. Haban umiiling iling pa

Agad namang kumunot ang noo niya.

"Pinagsasabi mo dyan. Sabi ko I like you as a friend. Ang feeling mo naman." sagot niya sa akin.

"eh sa susunod kasi lilinawin mo. Pa ila I like you ka pang nalalaman kasi. Pwede namang sabihin na, friends na tayo." Asar na sagot ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Inirapan ko na lang siya. May sasabihin pa sana si jeff kaso pero inunahan ko na siya.

"Since ayaw mong ipalabas ng laptop ko, itong yellow paper ko na lang." sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa nilapag kong yellow paper.

"anong gagawin natin dyan" tanong niya.

"Mag iisip tayo ng topic, para sa research natin." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Hindi ko alam na sobrang studious mo pala no?" natatawang saad niya sa akin.

Kunot noo ko lang siyang tiningnan bago ko ibinaling ang mga tingin ko sa yellow pad sa harap ko.

Hindi naman kasi totoo yung sinabi niya. Ayoko lang mabakante kaming dalawa dahil feeling ko talaga wala kaming pag uusapang dalawa. Ayoko rin namang bigla na lang kami tumahimik. Sawang sawa na ko sa katahimikan.

"Crush mo talaga si Eugene?" bigla akong napatigil sa pagsusulat sa sinabi niya.

Kunot noo akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Ang random mo!" sagot ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Ang seryoso mo naman kasi! Chill lang." sagot naman niya.

"Hoy! Kung gusto mong bumagsak, wag kang mandamay" seryosong saad ko sa kanya habang nakatutok ang kabilang dulo ng ballpen ko sa kanya.

Tumawa lang siya. May sasabihin pa sana siya ngunit hindi niya na naituloy dahil dumating na ang waiter, dala ang pagkain namin.

"Siguro naman, titigil ka muna, kasi kakain tayo." Sabi ni jeff habang isa isang hinahain yung pagkain sa amin.

"Ate jen, bakit parang ang dami naman po? Yung iba hindi naman namin inorder." Takang tanong ko kay ate Jen.

"Ay naku, yung iba, pinahandan ni Ma'am Jayleen, para sa inyong dalawa" nakangiting sagot niya sa akin, bago nagpaalam na babalik na sa pwesto niya.

Isa isa ko namang pinagmasdan ang mga nakahain sa table namin.

"ang dami!" saad ko.

"Masanay ka na, dahil kilala ka na ni ate for sure kapag pumunta ka dito sa susunod at naabutan mo siya, hahainan ka nun ng marami." Sagot naman ni jeff, bago mag umpisang kumain.

Umiling na lang ako at nagsimula na ring kumain.

"Yan ba favorite mo dito?" tanong ni jeff.

Napatingin ako ulit sa kanya. Bakit parang ang daldal naman ng taong to ngayon?

"ito?" tinuro ko yung kinakain ko.

"Hindi, yung kinakain nung ate dun sa kabilang table" sagot naman niya, kaya bahagya akong napatingin ako sa katabing table namin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jeff kaya tiningan ko siya ng masama.

"Ang panget mo!" sabi ko sa kanya, na lalo niyang ikinatawa.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon