Chapter 1

46 1 0
                                    


Epic Palusot

Maaga akong pumasok dahil maaga naman talaga akong pumapasok charot!

Ang swerte ko lang dahil sa isang linggong pamamalagi nila chinits dito sa kaharian ng isabela, section namin yun! napansin ko na Early bird siya lagi.

Siya yung pinaka maaga sa mga naka sit in dito. Kaya naman, hindi na ko nagulat nang pagpasok ko sa room nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya at seryosong nagbabasa.

Nakita niya din akong pumasok sa room pero hindi niya man lang ako binati. Tumingin lang tapos yumuko ulit. Nakakaloka!!

Sa isang linggo na nandito sila sobrang dalang lang niyang makipag usap samin, mostly boys ang kinakausap niya. Well,hindi na nakakapagtaka kasi nasa boys row sila, malamang sila ang unang makakaclose niya.

Pero napansin ko medyo suplado talaga siya. Hind ka niya kakausapin unless hindi ikaw ang mauuna. Sabi ni Jhon, isa sa mga sit in at kaibigan ni eugene, ganyan daw talaga si Eugene tahimik lang, mahiyain daw kasi, pero kapag nakaclose mo naman makulit din naman daw.

So ayun, ganun lang ang drama namin. Sa isang linggong pananatili nila dito never ko pa talaga siya nakausap. 

Pagdating ng English time, nag announce si ma'am na may activity daw kaming gagawin. By group, kaya maingay sila dahil pinipilit nila na choose your own group kaso syempre, sino pa ba ang masusunod?

"No!" madiing sagot ni ma'am sa mga kaklase ko na patuloy pa rin siyang kino convince. As if naman may magagawa sila and besides unfair naman talaga yun noh!

"count 1 to 5" pinal na sabi ni ma'am at tinuro na yung isa kong kaklase para mag umpisa.

Nag start ang counting sa row ng boys sa unahan papunta sa likod, kaya tinutukan ko para malaman kung anong group si chinits.

"2" simpleng sabi niya.

2? shet! after niya, nagstart na ako magbilang sa isip ko. Since nagstart sa unahan ng boys row alam na, sa unahan ng girls row magtatapos. Nandito ako malapit sa last row.

Nang nasa row na nila Lean pasimple akong nananalangin na sana number 2 ako please, please! 

ayan na si lovely na.

"1" utas ni lovely.

"2!" sunod ko naman.

OMG!!! 2!!!!! we're on the same group!! Shocks! I'm so happy!! pasimple akong ngumiti, nang nasalubong ko yung mga mapang asar na mata nila ivy at lovely.

Ngitian ko naman sila ng pagkalaki laki. Napailing na lang sila sa ginawa ko. Bahala kayo dyan basta masaya ako!! Lord Thank you.

Nang matapos magbilangan ay nag assign na si ma'am ng kaniya kaniyang pwesto ng bawat group at hinayaan na kaming makasama ang mga kagroup namin. Mas mabilis pa ko sa alas kwatrong nakapunta sa place namin ng matapos mag explain si ma'am.

Pagdating ko dun nagform agad kami ng circle na parang mag si spirit of the glass lang. Pagkaupo ko, ay agad kung napansin yung tumabi sakin. OMG!!! birthday ko ba ngayon? myghad!! Tumabi lang naman siya sa akin. Si chinits!!

"So guys lahat tayo magdadala ng picture ha? para makagawa tayo ng collage"simula nya. Siya kasi yung na appoint na leader ng group namin eh.

Pero Gosh! ang pogi naman ng voice nito kinikilig ako.

Habang nag uusap usap sila. Tahimik lang akong nakikinig sa tabi ni chinits, paminsan minsan nag nonotes nga mga suggestions. Yiee ako secretary niya.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon