Chapter 18

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil excited ako. Friday kasi at ngayon ang meeting ng parents sa school. Excited ako dahil for the first time simula ng mag highschool ako, si papa ang attend. Hindi ko man alam kung anong resulta ng grades ko this quarter pero masaya ako na paglalaanan ako ng oras ng tatay ko. Never in my wildest dream i've thought of this though, simula ng maghiwalay ang parents ko.

I mean yes, my dad and i has been seeing each other whenever he wanted to, nakakapunta ako sa bahay nila and sometimes join in their family meals or bond. But he never actually took a time to visit me or atleast attend some of my school activities dahil madalas nagkaka conflict sa schedules nya. Kaya ganun na lang ang saya ko nang sinabi niyang siya ang aattend ngayon.

Nakangiti akong bumaba sa sala namin para mag almusal nang makita ko ang nakapaskil na note ng nanay ko sa ref. As always, nagbilin lang siya. Nagkibit balikat na lang ako at naghanda na ng makakain ko. Habang nakain, naisipan kong tawagan si papa just to remind him about the meeting.

"Hello." Bungad nya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Pa, remind lang kita sa meeting today ah!" Saad ko.

"Oh yeah right. 9am noh?" Sagot naman niya.

"Yup. Text mo na lang po ako if nasa school ka na so i can meet you sa gate or sa parking lot." Sabi ko

"Okay. Okay! I"ll call you later." Nagmamadaling sabi niya at ibinaba na ang tawag. Hindi na niya inantay na makapagsalita pa ako.

Pagkarating ko sa school ngiting ngiti kung binati ang mga kaklase ko na abala na sa mga gawain nila. Wala kaming pasok ngayon at yung officers and some volunteers like me lang ang nandito para tulungan ang adviser namin mag ayos ng classroom.

Habang nagmamasid masid para makahanap ng gagawin, nakita ko si lean na busy mag ayos ng table kaya nilapitan ko na siya para tulungan.

"Oh mars, tulungan na kita dyan. Ano pa bang mga gagawin?" Tanong ko

"Ah, sige nga mars patulong akong ayusin yung attendance, printed naman na yan, palagay na lang sa clip board tapos pwesto mo na dun sa table dun sa pinto. Set up ko lang tong laptop ni ma'am" lean instructed me, i just nodded.

Akmang aalis na ako nang mapatigil ako sa pahabol niyang bilin.

"Ay tsaka okay lang ba, ikaw na din tumulong mag assist sa attendance ng parents?" Tanong niya.

"Sure mars, walang problema." Sagot ko naman at dumiretso na sa table sa labas kung saan iseset up ang attendance.

Sisimulan ko na sana ang pag aayos ng biglang lumapit si Eugene sa akin.

"Ano pang maitutulong ko?" Tanong nya.

"Ah? Dito ka daw?" Takang tanong ko.

"Sabi nila dito ako, tulungan na lang daw kita sa attendance at pag assist sa parents mamaya." Saad naman niya.

Magsasalita pa sana ako, pero naputol ng biglang may umupo sa tabi ko. Kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ko sa kanya.

"Tulong daw ako dito."simpleng sagot naman niya.

"Tutulong? Eh kaya na nang dalawang tao to. Ano pang gagawin mo dito?" Masungit na sagot ko sakanya.

"Sabi nila lean, tumulong ako dito, pag dumagsa yung parents kaya mo ba ihandle yung attendance habang inaassist ni Eugene yung iba? Mapapamigay mo din ba yung evaluation tsaka yung copy ng agenda?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.

Natameme naman ako sa pag enumerate nya ng mga kailangan gawin. So, i just rolled my eyes at him and continued what i'm doing. Habang si eugene naman ay naiiling na lang na tumulong sa amin na isalansan ang attendance at hatiin ang evaluation form at ng agenda leaflets.

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon