"Good Morning sis" bati sakin ni lovely.
"Good morning din sis"Balik na bati ko naman sa kanya. Kakarating ko lang sa room namin at dumiretso na ko sa upuan ko na katabi ng upuan ni lovely.
Medyo marami nang tao sa room nung dumating ako. Late kasi ako ng gising ngayon, pero madalas maaga talaga ako pumasok. Minutes after, dumating na din yung adviser namin.
Pagkapasok niya ay sabay sabay kaming tumayo para batiin siya.
"Good morning ma'am" sabay sabay naming bati. Tiningnan ko naman yung mga katabi ko na mga mukhang tamad na tamad pa at inaantok.
Pagkaupo ay agad na kaming nagready para sa unang subject namin. Trigonometry! Ganun kaswerte ang section namin. Imagine first thing in the morning number ang kaharap namin.
When our adviser settled it all, she started discussing. After 30 minutes ng pagpapanggap na pakikinig, her discussion was cut off by the knock in our front door.
Napatingin kaming lahat dun at nakita ang adviser ng isa pang section. Agad agad naman kaming tumayo at bumati. Ngumiti at bumati lang din siya pabalik sa amin. Pagkatapos ay tumingin na sa aming adviser.
"Okay class! kopyahin nyo muna yung problem sa board then try to answer it. I'll give extra points sa weekly quiz nyo sa makakakuha ng tamang sagot sa problem na ito." our adviser instructed.
"Okay, Ma'am" we answered in chorus then proceeded to copy the problem and try answering.
Habang si ma'am naman ay dumiretso na sa teacher na nag aantay sa may pintuan.
Habang seryoso akong nag susulat at namomroblema kung paano isolve itong "cute" problem na ito bigla akong kinulbit ni lovely.
"ano?" inis na baling ko sakanya.
"ay meron ka? sungit nito" sagot niya sakin.
"ano ba yun?" tanong ko ulit. Tumingin naman siya dun sa may pinto, kung san nag uusap yung mga teachers.
"sis! siguro andyan na yung mga sit in noh?! yung galing sa gigibaing building."saad ni lovely habang nakatingin pa din doon. Kaya napatingin na din ako, at nakita kong may mga students nga sa likod nung teacher na kausap ni ma'am.
Hala Bigla akong naexcite! most of them are boys OMG! baka nandyan na ang forever ko.
i chuckle
"huy!" tawag ni lovely sakin, kaya napatingin ako sakanya.
"anong tinatawa tawa mo dyan? naku! kalandian nanaman yan noh?" pang asar ni lovely sakin.
"Sana may gwapo!" pasimpleng bulong ko kay lovely, sabay tawa ng mahina.
"Landi nito!" simpleng sagot niya sa akin at bumalik na sa pagsosolve.
"okay class!" napatingin kami ng biglang nagsalita ni mikay este ni ma'am pala. Paano kasi wapak ang bangs, kaya ayun ang tinawag namin sa kanya. Our section's inside joke. Di ba ang bait namin? syempre hindi niya alam yun, kami kami lang magkakaklase.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita kaya napatigil kami sa ginagawa namin. Pero syempre may iba na walang pakialam, tuloy lang sila.
"di ba alam nyo naman na yung about sa gigibain na bldg? for renovation." tanong ni ma'am. Kaya sabay sabay naman kaming sumagot. Oh di ba? parang grade 1 lang, hilig ng section namin yan! may unity kami eh.
"Aware naman kayo na madadagdagan kayo dito sa room, since wala nang extra room for them." dugtong pa ni ma'am
Ewan ko ba naman sa school namin, kung kailan malapit na matapos ang school year tsaka magrerenovate. Naapektuhan pa tuloy yung mga students dun sa building na yun.
BINABASA MO ANG
Denial
SaggisticaJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
