Chapter 23

8 0 0
                                        


"so san tayo?" tanong ko sa mga kaibigan ko habang hinihintay namin si Lean na matapos maga ayos ng gamit. 

"Babalik dun sa kabilang gym" sagot naman ni Mark.

"Ha? bakit? anong gagawin natin doon?" kunot noo na tanong ko sa kanila. 

"alam mo grabe na talaga yang galit mo kay jeff para hindi mo man lang malaman na laro na niya ang susunod nating panunuorin. Akala ko pa man din okay na kayo kasi mukhang okay kayo kanina eh habang nanunuod ng laro ni lean." dire diretsong sagot sa akin ni rowie

singimangutan ko lang siya at nilibot ang mata ko sa gym 

May laro siya? pero sumama pa rin siya manuod dito sa amin?  

Bigla na lang siyang nawala hindi man lang nagpaalam. 

Ano ba? Jham? may laro nga di ba? 

"ano tara na?" aya sa amin ni lean na dala dala na yung mga gamit niya.

"pwede bumili muna tayo ng food? nagugutom na ako. Kanina pa tayo nanunuod ng games at palipat lipat ng gymnasium ah!" reklamo naman ni eli 

" oo nga! bakit naman kasi napaka sporty ng mga kaibagan natin." dugto pa ni eveth. 

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon kay Eli at Eveth. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung gutom ba ako o inis lang talaga.

"Okay, bili muna tayo food. Doon na lang tayo kumain sa may tapat ng kabilang gym habang naghihintay magsimula yung game," suhestyon ni Mark.

"pero siguro dapat may ibang dumiresto na sa loob, ibibili na lang namin para maka reserve ng upuan, alam mo naman pag basketball punuan talaga ang mga upuan nyan. " suggestion naman ni lovely na sinang ayunan naman ng lahat. 

Habang naglalakad kami palabas ng gym, hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Rowie.

May laro si Jeff.

Pero bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi man lang siya nagpaalam?

"Hoy, Jham, kanina ka pa tahimik ah, may problema ka ba? " bulong ni Lean habang kasabay kong naglalakad.

Tinignan ko siya  "ha? problema? wala ah! pagod lang to."  sagot ko naman sa kanya. 

Hinawakan niya yung siko kaya napahinto kaming dalawa sa paglalakad. Agad kong tiningnan yung mga kasamahan namin dire diretso lang sila mukhang hindi naman napansin na tumigil kami. 

"Sure ka?" Mariing tanong niya sa akin," You know you can always tell me, Jham, if something's bothering you. I'll try my best to help you," she sincerely added. 

tiningnan ko siya sa mata. 

Kaya ko bang sabihin sayo? Eh hindi ko nga alam kung tama ba tong nararamdaman ko na naiinis ako sayo kapag kasama mo si eugene, kasi kaibigan kita eh. 

" jham?" tawag niya sa akin. 

"Ha? wala noh? ano ka ba. Iniisip ko lang bakit hindi ko alam na may laro yung hambog ngayon. ni hindi man lang niya sinabi sa akin eh magkasama naman kami kanina. Baka ayaw niyang manuod ako. Di kaya? wag na kaya ako sumama?" dire diretsong sabi ko sa kanya 

Nginitian naman ako nang nakakaloko ni lean. 

"bakit ka naiinis?" pang asar na tanong niya. 

"HA?!  AKO NAIINIS? KAILAN KO SINABI YUN?" i said exaggeratedly. 

Lean laughs 

"sa OA ng reaction mo, kahit hindi mo sabihin tumatagos jham!uyyy! ikaw ha. Nakita ko rin kayo kanina during my game, magkasabay kayo dumating, hindi lang kita maasar kanina kasi ang lapit nilang lahat sa akin" sagot niya. 

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon