Chapter 25

7 0 0
                                        


JEFF

Pagkaabot niya sa akin ay iniabot ko na rin ang bayad. Amoy na agad ang matapang na liniment oil—yung tipong amoy na amoy kahit nakasara pa ang takip—kaya halos nasinghot ko pa habang nagmamadali akong naglakad pabalik sa loob ng school.

For sure, masakit ang katawan ng chanak na 'yun, bulong ko sa sarili habang pinapaspasan ang hakbang.

Sa kalagitnaan ng pagmamadali ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Jhon Calling...

"Oh?" mabilis kong sagot.

"Pre, san ka na? Bigla kang nawala," saad niya.

"Pabalik na. Nasaan na kayo?" tanong ko habang lumilinga sa paligid.

"Papunta na sa gymnasium extension, para kay Lean," sagot niya.

Kasama na kaya nila yung chanak?

"Sino-sino kayo?" usisa ko. Sa kabilang linya, narinig ko yung mahinang tawa niya—yung tipong may halong pang-aasar.

"Si Jham, pre. Naiwan pa dun sa kabilang gym, nag-aayos pa ng gamit niya eh," sagot niya.

"Ha? Tinatanong ko kung sino-sino kayo, kung ano-anong sinasabi mo d'yan," balik kong sagot.

"Sus! Kilala na kita. Pasimple ka pa. Gusto mo lang naman malaman kung kasama na namin si Jham," tukso pa niya.

"Ha? Imbento ka na naman. Sige na, susunod ako d'yan," sagot ko at agad binaba ang tawag.

Pagdating ko sa gym, halos wala nang tao. Kakaunti na lang ang mga lumalabas at karamihan ay mukhang papunta na sa kabilang venue o kaya'y sa ibang sports na gusto nilang panoorin. May mga nagsisidatingan pa rin pero halos puro first year at second year lang—dahil may laro pa ang mga team nila ngayon.

Sumandal muna ako sa pader, pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagmamadaling maglabasan. Ilang minuto na akong naghihintay, pero wala pa rin siya.

"Ang tagal naman nun," mahina kong sabi habang nakasilip sa bukana ng gym. Wala naman siyang ibang daanan kundi dito lang.

Siya ba naglilinis ng buong gym? dagdag kong bulong bago muling sumandal, ramdam ang unti-unting pagkainip.

Muli akong sumilip sa bukana, at doon ko siya nakita. Kasama ang mga teammates niya, tawa-tawa pa habang naglalakad palabas. Nang malapit na sila, bigla akong kumabog—kahit wala naman akong ginagawa. Agad akong umatras at sumandal ulit sa pader, kunwari relaxed lang.

"Oh! Mauna na ako ah, see you bukas," narinig kong paalam niya sa mga kasama.

Maya-maya pa ay nakita ko ang likod niya, nakatayo lang malapit sa akin habang may kinukuhang gamit sa bag. Pinagmasdan ko lang siya nang hindi gumagalaw.

"Hoy!" tawag ko.

Halos malaglag yung hawak niya nang bigla siyang mapalingon.

"Ay—kalabaw na cute," saad niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kung paano siya nagulat. Pero agad kong binura yung ngiti ko nang tumama sakin yung tingin niya—nakakunot ang noo, para bang nahuli niya akong may ginagawang kalokohan.

I raised my brows nang tumingin siya sa akin.

"Anong sabi mo? Cute? Ako?" pang-aasar ko muli sa kanya.

"Hindi mo narinig yung kalabaw?" inis na tanong niya. Habang ako naman ay nagpipigil ng ngiti. Sarap talaga asarin ng isang 'to.

"Sabi mo Jeff cute," gatong ko pa na lalong ikinakunot ng noo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon