Kagaya ng ipinangako ni lean sa akin, tinutulungan niya akong mapalapit kay Eugene at gaya ng obserbasyon ko hindi nga siya nahirapan na mapalapit sa lalake dahil magiliw din ito sa kanya. Kasabay ng pagiging malapit ni Lean kay Eugene ay ang pagiging malapit ko din sa kanya. Madalas ko na siyang nakakasama at pa unti unting mas nagiging comportable na rin siya sa akin, na ikinatuwa ko.
"Jham, san si lean?" tanong ni Eugene sa akin.
"Ah lumabas lang saglit may kukunin daw siya sa guard eh." sagot ko naman. Tumango lang siya pero hindi pa rin siya umalis sa tapat ko. Kaya napakunot ako ng noo.
"May kailangan ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Ano yang ginagawa mo?" tanong niya sa akin. Hindi pa nakuntento at umupo pa sa tabi ko.
Agad ko namang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko at ang pag init ng aking pisngi.
"Ah? wala lang, kung ano ano lang" sagot ko naman.
"akala ko hindi mo pa nagagawa yung assignment natin eh. Tutulungan sana kita habang free time pa." pabirong sabi niya sa akin.
Sa ilang linggong nakakausap namin si Eugene isa to sa mga gusto kong natuklasan ko sa kanya. Makulit at palabiro siya kapag comportable na siya sa isang tao. Nalaman ko rin na hindi rin naman pala sa pag aaral umiikot ang mundo niya. So far, i love everything that i discovered about him.
"Hoy! Grabe ka naman! Nagbagong buhay na to noh! di ba sabi mo nga ang assignment ginawa sa bahay." mayabang na sagot ko sa kanya.
"Aba!!Magaling magaling" sagot naman niya.
"Aba! Kayo ba naman araw araw kong kasama at kausap para nahawan nyo na nga ata ako." Sagot ko naman sa kanya.
"Kami naman yung parang biglang tinamid sap ag aaral" pabirong balik niya sa akin.
"Wow, tinatamad pa pala yung halos every night kayo yung nagreremind sa amin ng mga assignment namin." Sagot ko naman. Tumawa lang siya.
Magsasalita pa sana si Eugene pero hindi natuloy dahil may tumawag ng malakas sa pangalan ko. Pareho kaming napalingon sa bandang likod ko, kung saan nangaling yung boses.
Agad namang kumunot ang noo ko ng makita kung sino ang impaktong nang istorbo sa amin ni Eugene.
Nakangiting naglakad papalapit sa amin si Jeff. Nang makarating sa amin ay nakipag fist bomb pa siya kay Eugene na ikinagulat ng huli.
"Ano nanamang nakain mo bakit ang hyper mo?" natatawang tanong ni Eugene kay jeff.
"Turon" simpleng sagot naman ni Jeff at tsaka bumaling ng tingin sa akin.
"Hoy Jham!" medyo malakas na tawag niya sa akin.
"Ano?" masungit na sagot ko sa kanya.
"ang sungit naman nito! Hindi ka ba nagrecess?" sabi niya.
"Paki alam mo?" sagot ko ulit.
Istorbo ka kasi. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero kaharap pa namin si Eugene.
"ang sungit mo gusto mong turon? Meron pa ako dun sa bag ko." alok niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.
"Nagtatago ka ng pagkain sa bag?" tanong ko.
"Turon lang. Favorite ko kasi yun tsaka pampagana ko. alam mo na nakaka antok mga susunod na subjects natin" paliwanag niya.
"As if naman makaka kain ka sa higpit ng mga susunod na mga teacher natin, Goodluck." I scoffed.
"Sus!gagayahin ko na lang technique mo. Nakita kita nung isang araw, ang laki pa nga ng palihim mong pagsubo dun sa burger tapos tinakpan mo na lang ng panyo yung bibig mo para hindi halata yung pag nguya." Natatawang saad ni Jeff, nakitawa rin naman si Eugene.
BINABASA MO ANG
Denial
No FicciónJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...
