Volleyball
Seryosong seryoso ako sa paggawa ng assignment namin para sa last subject nang bigla akong tinawag nila eveth na nagkikwentuhan sa likod."Jham!" ani eveth.
"Oh?" sagot ko naman habang seryoso pa rin sa pagsusulat.
"Hoy!" kulbit naman ni lovely sa akin.
"Oh?" simpleng sagot ko nang hindi pa rin sila nililingon.
"Jham!" sigaw naman ni lean na ikinainis ko kaya napalingon na ko sa kanila.
"ano ba yun?" inis na tanong ko sa kanila.
"wala tawag lang" sagot naman ni eveth kaya sinimangutan ko sila.
Mga bruha kitang busy ako eh.
"mga walangya!" inis na sigaw ko sa kanila habang ang mga bruha tumawa lang.
I just rolled my eyes at them then went back to my business.
"eh bakit ka ba kasi seryoso dyan?" narinig kong tanong ni rowie, pero hindi ko na sila pinansin.
Maya maya naramdaman ko na nagdidilim yung kapaligiran ko, parang may humaharang sa liwanag na nakukuha ko. Kaya naman tumingala ako para makita kung ano yun at ang bumungad sa akin ay ang mukha ng mga bruha kong kaibigan. Pinalibutan na pala ako hindi ko man lang naramdaman. Nakatingin sila sa ginagawa ko.
"Aha!" sigaw ni eli. "ngayon mo lang ginagawa ang assignment natin sa Econ." dugtong pa niya.
" eh nakalimutan ko eh" sagot ko naman, ang mga bruha nagtawanan nanaman tuwang tuwa talaga sila sa akin.
" sige na nga! mamaya ka na namin kukulitin, tapusin mo muna yan at baka magklase ka sa labas kapag wala kang naisubmit kay sir mamaya." sabi ni rowie habang tumatawa tawa pa.
umiling iling lang ako tapos ay bumalik sa pagsusulat para matapos ko na yung assigment, sila naman ay bumalik na sa pwesto nila kanina at nagpatuloy sa pagkikwentuhan dahil break time pa rin. Nilingon ko kung nasan sila at nakita kong kausap na rin nila sila chinits at nagtatawanan pa sila.
Hay! bakit ba naman kasi nakalimutan kong gawin to hindi ko tuloy maenjoy yung break time ko.
Babalik na sana ako sa pagsusulat pero napatigil ako dahil sa lalakeng nakatayo sa harap ng upuan ko,nakatingin siya sa ginagawa ko.
"Problema mo? hambog?" inis na tanong ko sa kanya.
hindi siya nagsalita, tiningnan niya lang yung ginagawa ko tapos tumingin siya sakin at umirap.
bading ata talaga to irap ng irap dukutin ko mata nito eh.
Pagkatapos ay naglakad na siya papunta kila lean. After kasi nung "Bonding" daw sa bahay nila lean mas naging close sila jeff sa barkada ko. Okay lang naman sakin kasi syempre kasama si chinits, kaso myghad! kung pwede lang na hindi na kasama yan si jeff eh pero wala, gustong gusto din ng mga friends ko si jeff kasi nakakatuwa daw. kung para sa kanila nakakatuwa, para sa akin naman nakakasuka.
Yes! kung gaano naging kaclose namin sila chinits at papa bear eh mas tumindi din naman ang pagkainis ko sa hambog na kulot na yun. Simula noon walang araw na hindi kami nagbabangayan at nag iirapan, pang asar kasi.
Pagkaupo niya sa tabi ni eugene ay tumingin pa siya sa akin na parang nang aasar, inirapan ko na lang siya at tsaka nagpatuloy na lang sa ginagawa ko. Pasalamat kang hambog ka busy ako kundi sira araw mo!
Nang matapos ko ang ginagawa ko sakto naman na dumating ang teacher namin sa P.E at sinabihan kami na pumunta na sa gymnasium. Pagadating namin doon agad naman kaming pinapila para sa warm up bago mag start sa volleyball class.

BINABASA MO ANG
Denial
NonfiksiJhamila is a hopeless romantic person, she truly believes in love and a fan of happily ever after. Kaya naman kung tatanungin siya tungkol sa kaniyang ideal man, isa siya sa may mahabang listahan nito. Pero kung may isang ugali na kinaayawan si Jham...