TBC Chapter 20: Revelation, Reconciliation and Revival
Third person POV
Walang imik na napaupo si Jen sa kanyang kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Unti unting bumabalik sa kanya ang mga nangyari kanina at wala siyang nagawa kundi ang tumunganga at tahimik na umiyak. Unti unti na namang dumaloy ang mga panibagong luha sa kanyang pisngi habang tahimik na sinisisi ang sarili sa nangyari kay Leigh.
"Kasalanan ko to. Kasalanan ko na naman." paulit ulit na sambit nito sa sarili. Hindi niya inaasahan ang nangyari at laking gulat niya nang malamang naaksidente si Leigh. Kung hindi sana siya nakipagdeal sa Daybreak. Kung sana pinakinggan niya si Leigh at hindi niya sana ipinusta ang teritoryo nila, hindi na kakailanganin pang lumaban ni Leigh at maaksidente. Kung sana, kung sana mas inalam pa niya ang background ng kalabang grupo hindi na sana ito mangyayari pa.
Walang ibang maisip si Jen kundi puro pagsisisi sa nagawa. Wala siyang ibang paraan para makalimot kundi lunurin ang sarili sa alak.
"Tama.." sambit nito at lumabas ng kwarto at nagpunta sa kusina. Nagbukas ng alak at inubos ito ng isang tunggaan lang.
Nakadalawang bote na siya pero pakiramdam niya katawan lang niya ang namamanhid at walang kapaguran ang mga mata niya na bumuo ng mga panibagong luhang tutulo sa kanyang pisngi.
"Ano bang problema niyo at hindi kayo magtigil dyan?" pagkausap niya sa mga luha niya habang pinupunasan ang kanyang mga mata gamit ang braso.
Nagbukas pa siya ng panibagong bote pero hindi pa niya nakakalahati yun ay ibinato niya ito sa sahig dahilan para mabasag ito at kumalat ang alak sa paligid.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw ng isang babae sa itaas bago ibalot ang robe sa sarili nito at pumaibaba para buksan ang ilaw. Nakita niya ang mga walang lamang bote ng alak pati na rin ang mga bubog sa sahig.
Nagising siya nang marinig ang tunog ng kotseng tumigil sa harapan ng kanilang bahay pati sa mga kalabog nang mga yabag sa kanilang hagdan at lalong naghinala ito nang marinig ang malakas na paghampas at pagkabasag sa kung san man. Sa harapan nya ay nakabaon ang isang mata ni Jen sa sariling palad habang pinupunasan ng isa pang kamay ang bibig nito. "Ano na naman bang problema mo at dito ka umiinom?" dugtong pa nitong tanong pero inismidan lang siya ni Jen at saka naglakad palagpas sa kanya. "Jen, hindi ka pa rin ba talaga magbabago?" malumanay nitong tanong at saka humarap sa nakatalikod nang si Jen.
Nilingon siya nito at tinignan. "Sa tingin mo? Matatanggap ko na lang yun ng ganun na lang?" naniningkit na sagot ni Jen sa babae. "You're not my mother so don't act like one." Pagkasabi niya nun naglakad siya ulit pero sinundan siya agad ng babae at hinawakan sa kamay.
"Lumayo ka sa kin!" sigaw ni Jen at pinilit na itulak papalayo ang babae. Panandaliang lumayo ito at tinitigan ang mga luhaang mata ni Jen. "Don't act like you care dahil hindi nun mababago ang kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko!" paulit ulit na naman nitong sinabi "Kasalanan ko kung bakit namatay si mommy at kasalanan ko na naman kung bakit naaksidente si Leigh!"
Biglang napatigil sa pag-iyak si Jen nang makaramdam ng pamamanhid sa kanyang kaliwang pisngi at napabalik ang tingin sa babaeng asa gilid niya. Napakagat sa babang labi ang babae habang hawak hawak ang kamay na pinangsampal kay Jen. Maluha luha nitong tinignan si Jen.
"Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ng ate! Kaya huwag na huwag mong sinisisi ang sarili mo!"
****
Limang taong gulang pa lang si Jen noon at napakahilig nyang maglaro sa labas ng bakuran nila kaya lagi siyang may kasakasamang bantay.
Isang araw dahil sa kapilyahan niya ay naisipan niyang takasan ang mga nagbabantay sa kanya. Pakunwari pang makikipaglaro ng taguan pero ang plano niya ay iwanan sila at lumabas ng gate.
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...