TBC Chapter 43: A Night With Him

602 18 3
                                    

TBC Chapter 43: A Night With Him

Leigh's POV

"Are you sure?" nagdadalawang isip na tanong nila Jen.

"Uhuh." Tugon ko. "I'll stay for a bit longer."

Mukhang nag-isip naman ang tatlo bago tuluyang magdesisyon.
"If you say so. Uwi ka rin agad." Sabi ni Danielle.

I waved at them until they were out of sight making me feel a little bit dumb. Bat kasi nagwave pa ako e nakatalikod naman na sila.

Muli kong pinulot ang mga bolang nasa sahig at isa isang nishoot sa ball basket.

Kinuha ko ang pinakahuling bola at sinerve iyon. Pasok sa kabila, pero alam kong kulang pa rin itong ginagawa ko. Malapit na yung laro, dalawang linggo na lang at isasalang na kami.

Hindi pwedeng ako ang maging dahilan ng pagkatalo namin. Tss, kung bat naman kasi nawala yung memorya ko. E di sana madali na lang ito para sa akin gaya ng mga sinasabi nila Jen sa akin tungkol sa paraan ko ng paglalaro.

Isang beses pa akong nagserve hanggang sa tumilapon iyon at tumalbog sa labas ng pintuan ng gym.

Nilakad ko ang patungo roon at nagulat sa nakitang anino na unti unting papalapit sa kinaroroonan ko.

Steffi's POV

Nakakailang hakbang pa lang kami palabas ng school ay agad akong napatanong kay Danny.

"Are you sure we're going to leave her alone?"

"Steffi, she got amnesia. But it doesn't mean that she's a disabled person. Hindi siya lumpo, hindi rin siya pipi. Kaya niya ang sarili niya."

"Sa tingin ko may tama si Danielle. Hindi naman natin siya kayang bantayan sa lahat ng oras e. Besides, she's Leigh. Kayang kaya niya sarili niya. Kawawa yung babangga sa kanya."

Nagdalawang isip ako sa sinabi nilang dalawa. Akalain mo yun hindi lang isa ang isip ko kundi nagawa ko pang dalawa! Hahaha!

Naku naman oh bat ba kasi ako nag-aalala sa kanya e, kayang kaya niya ngang pabagsakin yung mamang kalbo dati sa bar, di ba?

Makikisakay na sana ako sa kotse ni Danny nang biglang may tumawag sa maganda kong pangalan.

Napalingon ako at pakiramdam ko ay bigla akong nilipad sa kalangitan at nakakita ng isang greek god!

"Hey babe." He smirked and nodded at my direction.

Napansin ko namang biglang magroll yung eyes ni Jen. Tss, inggit lang siya kasi single pa rin siya hanggang ngayon. Oppps, pati rin pala si Danny single din. Omighad! Mga wala kasing panama sa beauty namin ni Leigh!

Shhh! Secret lang yun huh! Kundi baka umbagan ako ni Jen. Masakit din kaya yun manapak. Kawawa nga ako sa kanya e.

"Uhm, sorry girls, but I think I have a date." Nangingisi kong saad at tinitigan ng mabuti si Jen. Hahaha! Pang-asar lang.

"Tss, umalis na nga kayo niyang syota mo. Ang sakit niyo sa mata e!"

"Inggit ka lang Jen! Bleh!" Ani ko at saka siya binelatan.

"Lumayas ka nga!" Sigaw niya at akmang sasapakin niya na ako.

"Bahay mo? Bahay mo??" Tudyo ko at saka na mabilis na tumakbo at umangkas kay Time. Sa motor niya huh, hindi sa kanya mismo. Huwag kayong ano. Mga utak ng mga to o.

"You're funny baby." Ngiti sa akin ni Time at ako naman ay natunaw sa kilig. "Where do you wanna go?"

"Anywhere as long as I'm with you." Ani ko sabay akap sa kanya mula sa likod.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon