TBC Chapter 9: Not your usual catfight

1.5K 38 1
                                    

TBC Chapter 9: Not your usual catfight

If migraine could kill matagal na siguro akong patay. Kanina pa nanakit ang ulo ko sa ingay eh. Pinipilit ko na ngang makahabol ng tulog eh may pilit naman na gumigising sa akin.

"Leigh! Gumising ka na!" nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na hindi pakinggan yung sigaw ng nanay ko. Ayokong pumasok! Bakit pa kasi ako nag-enrol ulit eh. Eh di sana hindi ko na kailangan pang pumasok araw araw. Lagi naman kami nagcucutting ng klase eh. Minsan lang napasok pag natripan ng LD. So anong pinagkaiba pag hindi ako pumasok ngayon?

"Leigh tatayo ka dyan o hahambalusin kita ng electric fan?" ah yun na nga yung rason.. Wala sa wisyo akong bumangon at nagkamot ng ulo habang natingin sa paligid ng kwarto ko. Walang tao. Ibig sabihin asa labas si nanay sa lakas ng boses niyang yun?

"Ano!? Hindi ka pa din babangon?" Kinalampag ni nanay yung pinto. Grabe ang sadista talaga ng nanay ko. Wala talagang patawad kahit kelan!

"Nakabangon na!" sigaw ko pabalik habang pupungas pungas pa. Naglakad na ako papasok ng banyo at ginawa yung mga dapat gawin hanggang sa makapagsuot na ako ng uniform. Bumaba ako pagkatapos habang sukbit yung bag ko sa isang balikat.

"Oh kumain ka na Leigh." sabi ni nanay na kasalukuyang nakaupo na sa harap ng hapagkainan. Wala na naman si tatay. Minsan hindi ko alam kung saan nagpupunta yun eh. Ang sabi lang nila sa akin madami daw siyang inaasikaso at ginagawa niya yun para mapanatili ang estado namin sa buhay. Yeah I get it. Mahirap nang imaintain ang stocks ngayon at mahirap nang ipagkatiwala ang investments sa market kaya hindi na nakapagtatakang tutukan niya yun.

"Good morning mam." bati sa akin nung isang katulong habang pinagsasalinan ako ng orange juice sa baso ko.

"Aba bilis bilisan mo nang kumain. Malilate ka na. Kumain ka ng madami. Nangangayayat ka na oh." mahal na mahal talaga ako ng nanay ko.. Feeeel na feeel!

Kinuha ko yung tinidor at marahas na itinusok sa pancake na nakalahad sa harapan ko at isinubo iyon. Walang gana akong ngumuya nang ngumuya. Napukaw naman yung atensyon ko ng biglang umubo si nanay.

"So, uhhh,... Kumusta ka na." iniangat ko ang mukha ko at nakita siyang pasulyap sulyap sa akin.

"Hindi bagay sayo nay!" sabi ko at binato lang naman niya ako ng buong tasty bread na nasalo ko naman agad saka kinagatan.

"Umalis ka na ngang bata ka!" namumulang mukhang hirit niya.

"Haha. Sabi niyo eh." hindi niya talaga alam iexpress ng mabuti yung sarili niya pagdating sa akin. Pagkatalikod ko sa kanya, nawala yung ngiti sa labi ko. Kumusta na nga ba ako?

Naglakad ako palabas ng bahay papunta sa gate at nakita doon ang isang lalaking nakasandal sa isang motorbike.

Nakasuot siya ng isang gray blazer na may white polo sa loob na nakabukas ang tatlong butones sa taas at nakahang loose yung striped red neck tie niya.

"Anong ginagawa mo dito?" agad kong tanong. Pero binato niya lang yung helmet sa akin na nasalo ko naman. Napatingin ako doon.

"What does it look like?" sumakay na siya sa motorbike niya at tinignan ako pabalik. "Hop in."

"Ayoko" binato ko pabalik yung helmet sa kanya at tumayo sa gilid ng gate kung saan ako naghihintay ng taxing nadaan at nagcrossarms. Panigurado namang iiwanan niya na naman ako sa intersection at paglalakarin papuntang school. So ano pang dahilan para sundin yung sinasabi niya eh magaling lang naman yan sa salita?

"Just... Hop in!" sabi niya habang nakalingon sa akin at mukhang irritable na naman.

"No." deretso lang akong tumingin sa harapan ko.

"Hop the effin in stupid bitch!"

"Did you just call me stupid bitch!?" tinignan ko siya ng masama.

"Yeah? Does it matter?"

"Hell yeah it matters! You mongoloid gorilla!"  Sinipa ko yung gulong ng motorbike niya.

"What did you call me?" he hissed. "And did you just kicked my gear?"

"Yeah? Does it matter?" pag uulit ko sa sinabi niya sa akin kanina. Bumuntung hininga siya at tinanggal yung helmet sa ulo niya.

"If you don't get your arse in this bike by the count of three, I'll surely without a doubt upload your video."


"1"



"2"

Napatingin siya sa akin.

"What? Step on it. Chop chop!" sabi ko nang makaangkas ako. Nakita ko naman siyang magsmirk sa side mirror. Tss. Kung hindi lang sa walang hiyang video na yan eh.

Hindi ko ibinalot ang mga braso ko sa kanya ngayon. Hindi naman siya nagreklamo at hinarurot na lang yung motorbike. Mabuti naman.

Ilang sandali din kaming hindi nag-imikan dahil wala naman talaga kaming pag-uusapan at dahil dun naalala ko lang yung sinabi niya kahapon.


"I don't know what kind of bond you two share. All I can say is you better stay away from him" ano naman ang ibig niyang sabihin dito? Tsk siguro bading to tapos may lihim na pagtingin siya kay Cloudy at pinagseselosan ako. Kaya pala ang hilig pumatol sa babae. Not that binawian niya na ako ng sapak or anything? Basta ang gulo niya. Bigla bigla na lang nanghihimasok ng relasyon na hindi naman niya dapat panghimasukan. Not that may relasyon kami ni Cloudy pero ano bang pakialam niya sa aming dalawa? Hindi ko naman sila pinapakialamanan ahh..

Napansin kong malapit na pala kami sa intersection. Nagready na ako sa sigaw niyang 'Get down!' or 'Get your arse off my bike!’ pero nagtaka ako nung nagderederetso siya hanggang sa malampasan namin yung intersection.

"Hoy akala ko ba ibababa mo ako dun?" medyo inilig niya yung ulo niya sa kanan pero hindi siya nagsalita at ibinalik na lang niya yung tingin sa kalsada. Hindi ko din naman makita yung ekspresyon ng mukha niya dahil tinted na itim yung salamin ng helmet niya.

So nanahimik na lang ako. Baka pababain at paglakarin na naman niya ako tulad kahapon. Peste kasi paglakarin ba naman ako pauwi? Paano naman kasing hindi ako maglalakad? Eh elite yung kinakatayuan nung Silver High? Aasahan mo nang halos walang nadaan dun na pampublikong sasakyan dahil lahat ng pumapasok dun may sari sariling magagarang kotse. Kinailangan ko pang maglakad at maghintay sa intersection para hintayin yung kotse ni Jen na sunduin ako dahil ayokong malaman na galing akong Silver High.

"Uy girls! Tignan niyo yun oh!"

"May naghatid kay Ashleigh! Sino kaya yan!?"

"Tindig palang mukha nang yummy!"

Bigla akong narevive ng nagkahalong tilian at bulungan ng mga babae sa paligid at pagkatingin ko. Crimson Academy. Asa school ko na ako.

Nabalik yung tingin ko sa lalaking asa harapan ko nang tinanggal niya yung helmet niya at parang sinabi nang direktor, mas malakas ang naging tilian ng mga kababaihan sa paligid.

"Kyaahh! Gwapo nga!"

"Sayang taken na pala si Ashleigh." huh? San galing yun?

"Are you planning to sit there the whole f.ckin day?" nakataas na kilay na tanong ni Rhaven sa akin. Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig at agad na bumaba.

I was too preoccopied by my thoughts I didn't notice that we're here in front of my school's gates already.

"Uhh" magsasalita pa sana ako pero bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.

"I'm gonna be here at exactly 5pm. Don't think of making me wait. Don't even think of running away. Got that?"

"Yeah whatever." I rolled my eyes. Makapagsalita to akala mo kung sino ang inuutusan.

"And uhh, don't let anyone beat you up."

He even speaks like my mother. "Uhh yeah, like that's gonna happen?" I said mused. I've never been beaten in a fight.

Pagkatapos nun sinuot niya ulit yung helmet niya at humarurot na ulit paalis. I didn't bother watching him disappear. Ano kayang mahihita ko pag ginawa ko yun di ba? Sinukbit ko na yung bag ko at maglalakad na sana ako papasok ng school ng biglang mahagip ng mata ko ang LD na nakatayo sa mismong gitna ng gate.

Jen had her arms crossed over her chest.

Steffi is currently pouting her lips while batting her eyelashes.

Danielle is eyeing me amused while moving her expensive looking new eye glasses.
 
Ano na naman bang meron?

Pagkalapit ko sa kanila nag-umpisa na agad silang nagsalita.

"Napag-usapan naming agahan ang pagpasok para hintayin ka dito sa harap." panimula ni Danielle.

"At nakita namin ang nangyari kanina lamang." Pagpapatuloy ni Jen.

"Nagkiss kayo di ba?" todo ngiting sabi ni Steffi.

Napataas ako bigla ng kilay. Anong pinagsasabi nitong nagkiss? "Akala ko ba nakita niyo yung nangyari? Panong may nasamang kiss?" nagpatuloy ako ng paglalakad at nilagpasan silang tatlo.

"Ayy! Sina Darylle at Melissa pala yung pinapanood ko kanina! Haha.. Mistakes!" I rolled my eyes. Yan ang nakukuha ng lumilipad ang utak. Kaya siguro nakapout to nung makita ko.

"Uhm, nag-aalala lang naman kami sayo, kasi hindi ka pumasok kahapon at busy ako kahapon kaya driver ko na lang pinapunta ko para sunduin ka." saad ni Jen habang sinasabayan akong maglakad. Kelan pa naging busy si Jen? That's new?

Danielle nudged my shoulder playfully. "So? Spill! Dapat pala hindi kami nag-alala sayo, may naghahatid na pala sayo eh."

"Naman Leigh! Lumalablayp!" maingay na tugon ni Jen.

"Di ba galing yun sa Silver High?" napatingin ako kay Steffi na may nakalagay na forefinger sa baba niya at parang nag-iisip.

Nangunot ang noo ko sa narinig ko. Akala ko ba iba ang tinitignan nito kanina? Eh paano niya nalaman yun? "Oo nga no? Anong ginagawa mo kasama ang isang tagaSilver High ha Leigh? Hmm?" Hmm what to say? Aminin ko na lang kaya yung problemang napasukan ko? Hindi pwede.


I was still deep in thought about the idea of either telling them or not when someone called me by my surname. "Hey Takei! Long time no see!" napatingin naman ako sa tumawag sa apelyido ko at nakitang nakatayo doon ang isang grupo ng kababaihan na bilang ko ay umaabot sa pito. "Oh ano? Bat hindi ka magsalita? Nagandahan ka sa akin no?" tapos tumawa na siya. Panong natatagalan nung mga katabi niya yung tinis ng tawa niya? Ang sakit sa tenga.

"Sino ka nga ulit?" tanong ko tapos parang biglang parang naubusan ng dugo yung mukha niya. Eh hindi ko nga siya kilala eh anong magagawa ko?

"You don't remember me?” sabi niya na mukha daw shock. “How dare you! Itong mukhang to hindi mo maalala??" tapos naglagay siya ng kamay sa may baba niya making her point.

"Umm, dapat ba kilala kita?" sabi ko tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"You two fight na nga! Ang dami niyo pang fussing ehh!" biglang may lumabas na bubwit. Ay hindi, kanina pa pala siya andun pero hindi ko lang masyadong napansin kasi masyado siyang maliit. "Yeah it's me! I told you magbabayad ka!" tapos nagsmirk din siya. Parang familiar yung pagkaconyo niya. Nakakabwisit pakinggan.

"Who are you again?" nakataas na kilay kong tanong. "Really how many people do I have to deal with today?" iritable kong tanong. Parang habang tumatagal padami ng padami ang ekstra dito eh. Nakikisingit din tong bubwit na to.

"My name's Tiffany! Really you can't alaala me pretty face?"

Bigla naman siyang hinawi nung babaeng matinis ang boses at nagstep forward.

"Leave her to me sister! You don't really remember us?"

Nakakunot na yung noo ko habang unti unting umiiling iling. Naramdaman ko namang may bumulong sa akin at si Jen pala yun.

"Yung maliit siya yung sinampal mo ng malakas sa may lounge--first year pa lang yan. Yung conyo remember? Yung matangkad naman, yun yung ate niya, si Jessica. Siya yung tenacious bitch dito sa school na lagi kang kinakalaban, yung feelingerang pusit na lagi mong minumurder ang mukha. I think actually pangatlong face surgery na niya yan." matawa tawang sabi ni Jen bago humiwalay sa akin.

Ah so yun pala yun.. Kaya pala hindi ko siya mamukhaan.

"So it's Jessica!" nakangiti kong sinabi at nagwave. Ngumiti naman with pride yung Jessica dahil siguro finally inacknowledge ko siya. Pero pagkatapos kong mag wave I wore my poker face. "Bye." I said bluntly and then turned right as I walked past them. Ramdam ko namang nakasunod ang LD sa likod ko.

"Wait? That's it? Ain't we going to the battlegrounds?" Ramdam ko ang pagtataka sa boses ni Danielle habang binibilisan nila yung lakad para makasabay sa akin.

"Kaya nga. You know Leigh you've totally changed--a lot?" dugtong ni Jen.

Yeah, maliban sa ibang nakakapansin dun, ako ang higit na nakakaalam niyan. I've totally changed from head to toe. I changed my ways and I think I'm turning back again into that Leigh before. Unti unti, bumabalik yung dating ako bago ako umalis ng Pinas dahil sa mga gulong iniwan ko dito at pati sa reputasyong pinangalagaan ko ng tatlong taon. May pinangakuan akong magbabago ako at hindi na babalik sa mga nakagawian ko dati pero ngayon, ang hirap. It's too hard to keep a promise that you know will never bring back the things you lost. It's too late, it's too late to bring back my light.

"Hoy! Takei! Bastos ka pa rin no!?" I felt something hit me in my back. Lumingon ako pabalik at nakitang magform ng v shape yung grupo nila with Jessica at the center. Tinitigan ko yung isang bagay na nahulog sa sahig na siyang tumama sa akin at dinampot yun. Isang libro ng calculus.

"Funny, nagdadala pa pala ng ganitong libro ang isang bobong katulad mo?" I smirked. I held on the book at tinatap tap yun sa gilid ng ulo ko making my point. I felt the LD make a step forward.

"Sinong bobo!?" Jessica shrieked.

"You amaze me, I didn't know someone could get dumber with every minute!" I tried to hold onto my promise but it's too difficult when you're provoked.

"You two, enough with the satsat! Big sissy! Why won't you pakita to me what you've always gawa to her. You make sabi to me that you always talo her in fights! Now show me!"

"That's what she told you?" biglang tumawa si Jen. "You got it all wrong bitch!"

"Seshh! Let's just fight shall we?" tinalikuran ko sila at naglakad papuntang battlegrounds. Actually it's just a plain rooftop with weapons. They're not actual weapons, they're actually just junks, metal pipes, wooden blocks, wires, iron, things you just see around the place. You just need to be creative.

"May laban! May laban sa rooftop! Makikipaglaban na ulit si Ashleigh!"

"Err.. nababalutan na naman siya ng aura na yun."

"Nakakatakot sila."

"Tumabi kayo! Tabi!"

Sa pagdaan namin sa may corridor, samu't saring opinyon at takot yung nakikita at nararamdaman ko na nanggagaling sa mga estudyante. Ganito nga ba talaga ang naiwan ko dito? Habang nagtatagal mas nadadagdagan yung mga estudyanteng sumusunod sa amin.

"Sikat talaga tayo no?" natutuwang sabi ni Steffi sa akin. Kahit kelan talaga oo. Parang bata.


Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon