TBC Chapter 10: Shades of the Devil
Sometimes, the path you’ve taken becomes too blurry that you have to go back to the place where you’ve started. Kung wala nang rason para tahakin mo ang daan na yun, ang pwede na lang gawin ay bumalik sa dati—dating gawain, dating paraan ng pamumuhay at dating pagkatao.
I never renounced myself as the school bully, but once I did something totally opposite of being ruthless. For once, I did a good thing in my life but now, the situation is calling out for my old nature.
Kicking ass and making people regret they’ve even crossed me.
"Walang makikialam. Laban namin to!" sigaw ni Jessica sa mga kasama niya.
"Hmm, aren't we going to fight too?" nalulungkot na tanong ni Jen..
I took a heads up and looked at the little devils. "Don't worry, you'll get your turn." nakangiting sabi ko. I can now remember how Jessica does in some of our fights and I can guarantee a fight for all of us.
"Ano bang pinagbubulungan niyo dyan? Mind sharing?" singit ni Jessica.
"You really a gossip brat are you?" sita ni Danielle na halatang nabobore na sa nangyayari.
"Tss.” Jessica glared at her “Are we going to fight or what?" umaktong nahihikab si Jessica sa harapan ko habang nanonood ang mga estudyante sa amin sa di kalayuan dito sa rooftop.
I shrugged. "I want to give you the benefit of the doubt." Napataas siya ng kilay. I smiled astonished. "Are you planning to bore us to death? Come on fight me!" I threw the calculus book away na narealized kong hawak hawak ko pala gang dito. I held my hands in front of me and tweaked my fingers back and forth inviting her in.
Pagkasabi ko nun, hindi na siya nagdalawang isip pa at tumakbo papunta sa akin. Ow she's pissed alright. Inantabayanan ko ang unang atake niya at hindi nga ako nagkamali, she was aiming for my face.
"Are you that desperate to hit me there?" I said in between breaths while dodging her attacks.
"Yaah!" umikot siya at saka sisisipain na sana ako kaya hinarang ko agad yung mga braso ko sa harap ng mukha ko pero wala akong naramdamang atake kaya tinanggal ko yung mga braso ko na nakatakip sa mukha ko. Laking gulat ko na lang ng malaman kong fake yung pagsipa niya sa akin at susuntukin niya na pala talaga ako. Too late to make any blocks. I clenched my teeth as I wait for her punch and man! It hurt!
"Ano ka ngayon?" rinig kong sabi niya nang makalayo siya.
I shook my head to set aside the weird feeling.
"I've been training boxing simula nung umalis ka dito and it's paying off quite well!" tuwang tuwa niyang sabi.
Jen
Sh.t! Mukhang nahilo si Leigh sa suntok na yun ah. Mukhang nag-improve na nga tong si Jessica mula nung magtake siya ng boxing trainings. Nakalimutan kong sabihin kay Leigh kanina. Tsk.
Parang talagang may iba kay Leigh ngayon eh. Hindi na siya masyadong mainitin ang ulo at mas relax na siya kumpara nung huli namin siyang nakita which was two years ago pa at sa tingin ko nakakaapekto yun sa fighting style niya. She was so agile before. Sobrang bilis niyang umatake, as in yung parang talagang iisipin mo na lang na hindi niya pinag-iisipan yung mga atakeng ginagawa niya sa sobrang bilis niyang gumalaw at bumawi ng suntok. Isa pang nakapagtataka ay binigyan niya ng chance si Jessica na unang tumira. Dati kasi hindi yan nagpapatalo, siya lagi ang unang umaatake at hindi talaga nakakasunod yung kalaban niya. Miminsan lang siya natatamaan at puro light injuries lang yung nakukuha niya. Sa palagay ko may nangyari sa kanya nung mga taong nawala siya dito na dahilan para magbago siya ng ganito kalaki. She even wears ponytail now samantalang dati hindi siya nagsusuot ng kung ano ano sa buhok niya kaya nga pag nakikipaglaban siya para siyang may kung anong aura sa kanya kaya nga tinawag siyang demonyo at siya ang dahilan kung bakit tinawag kaming Little Devils.
"Yaah!" nakita kong nag-attempt si Jessica na sipain si Leigh pero nasangga lang yun ni Leigh ng isang kamay. Ilang beses na ganun ang ginawa ni Jessica pero paulit ulit na nasasangga ni Leigh ang bawat atake niya pero panay din ang atras ni Leigh dahil sa tindi ng impact ng sipa ni Jessica.
Pero tama ba tong nakikita ko?
"Hala yung ngiti niya!" napatingin ako kay Steffi na kasalukuyang tulalang nanonood sa kanila. Tama nga yung nakita ko at hindi ako namamalikmata. Ngumiti si Leigh. Yung trademark niyang ngiti na yun. Unang kita ko dun nung mismong ako yung nginitian niya ng ganun habang naglalaban kami dati at siya ang dahilan kung bakit nagpatransfer ako dito.
***
I was a rebel. Wala akong kaibigan. Wala akong pakialam kung sino ang makabangga ko. Wala akong pakialam kung may maratay na teacher sa stretcher at itakbo sa ospital ng dahil sa akin. Hindi ako nabubuhay para iplease ang ibang tao. Hindi ako nabubuhay para sumunod sa rules ng iba. Ako ang gumagawa ng batas para sa lahat. Kaya dapat ako yung sinusunod nila. Ako lang.
"Ilang suspensions na lang makikick out ka na! Ano bang plano mo sa buhay mo ha!? Kaya ka nga lang nananatili sa school na yan dahil pinagtatakpan ng salapi natin yung mga kagaguhan mo!"
"Stop spitting on my face old hag! I didn't ask you to fill up my studies! Why won't you just dieee---" napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman kong may dumapong mabigat na bagay dun. Sinampal niya ako. Pinanood ko siya habang umiiyak at matakip sa bibig niya ang nanginginig niyang mga kamay.
"Why don't you just beat me up?? Stop pretending like you care!" aalis na sana ako pero naramdaman kong humawak siya sa kamay ko. Lumingon ako sa kanya at tinitigan ng masama ang mga basa niyang mata.
"S-sorry Jenmarie. Hi-hindi ko sinasadya anak." marahas kong inalis yung kamay niya sa braso ko at saka siya itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"Don't call me Jenmarie! You're not my mother!" dali dali akong tumakbo paalis at saka pumunta sa isang underground hub. First year high school pa lang ako pero hinayaan akong makapasok. Walang edad edad sa lugar na tulad nito. Sa lugar na yun nabibilang ang ilang gang. Nagkakapustahan sila at nakikipaglaban sa isa't isa. It's either win or die.
Sa di kalayuan may kasalukuyang nagaganap na laban sa pagitan ng isang lalaking sa tantsa ko eh bente anyos na at isang batang babaeng halos kasing edad ko lang. Maganda siya, maputi at may singkit na mga mata. Mukha siyang haponesa.
"Psshh! Matatalo yang batang yan." masyado kasi siyang maganda at mukha siyang lampa.
"Manood ka na lang baka mabago yung tingin mo bata~" napatingin ako sa isang lalaking may tattoo sa leeg pero hindi ko siya masyadong pinansin. Naramdaman ko na lang na umismid siya. Sinunod ko yung sinabi niya at pinanood ng mabuti yung laban nila.
Medyo maliit pa yung batang babae at halos gang beywang lang siya nung kalaban niya. Imposibleng matalo--
"Imposible~" wala sa sarili kong sinabi.
"Di ba sabi ko naman sayo?" singit nung katabi ko. Hindi ako makapaniwalang natalo niya yung lalaking halos doble ang laki at tangkad sa kanya. Hindi na gumagalaw yung lalaki. "Wag kang mag-alala, dahil bata pa siya hindi siya pumapatay."
Pinanood kong bigyan ng pera yung batang babae at patalon talon pang humayo palabas ng podium. Sinundan ko siya palabas ng underground hub pero pagkalabas ko wala na siya dun. Nagpaikot-ikot ako dun sa labas pero wala na talaga siya.
"Sabi ko na nga ba susundan mo ko eh." napalingon ako dun sa nagsalita at siya yung batang babae kanina. Nakasandal siya sa isang matabang poste sa gilid ng kalsada. "Gusto mo makipaglaro?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Hindi ako nakikipaglaro sa bata." pakiwari ko kasi mas matanda pa ako ng hindi hamak sa kanya.
"Talaga?" naglakad siya papalapit sa akin at laking gulat ko na lang ng humawak siya sa magkabilang balikat ko.
"Owww! Nakakaamoy ako ng takot!" tuwang tuwa niyang sinabi. Napahawak na lang ako bigla sa sikmura ko ng bigla niya akong sikmuraan.
"Ano bang problema mong bata ka!?" tumalon siya patalikod habang nakaharap pa din siya sa akin. Nakita ko siyang nagpout.
"Hindi na ko bata!" pinakita niya sa akin yung perang napanalunan niya kanina. "Ibibigay ko to sayo pag nanalo ka sa laro natin. Game?"
Umismid ako. "Paniguradong pagsisisihan mo yang sinabi mo." tumayo ako at sinundan ko siya kung san man siya patungo. Hindi siya bumalik sa underground hub bagkus ay lumiko siya sa likod.
Inilagay niya yung pera sa loob ng sling bag niya at tinapon yun sa paanan ng punong katabi niya.
Laking gulat ko na lang nung bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at bigla akong atakihin. Parang hindi siya bata gumalaw. Puro ilag na lang ako sa ginagawa niya hanggang sa hindi ko inaasahan. Napaupo siya at iniangkla yung paa niya sa binti ko dahilan para mapahiga ako. Agad siyang pumaibabaw sa akin at susuntukin na sana niya ako pero hindi niya tinuloy kaya naman inunahan ko na siya at sinampal sya saka tinulak palayo.
Tumayo ako agad at pinanood siya. Umatake ulit siya papalapit sa akin pero nasangga ko. Sunod sunod lahat ng ginagawa niya at parang wala siyang kapaguran.
"Ughh!" hindi ko nakita ang isang yun ah! Hindi pa man din ako nakabawi ay pinagsusunod niya yung ginagawa niyang pagsuntok hanggang sa sipain niya ako sa sikmura. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya habang hawak hawak yung sikmura ko.
Nakangiti siya. Yung ngiti niyang yun ang pinakanakakatakot na nakita ko buong buhay ko. Ngiti na parang natutuwa sa nakikita niyang paghihirap ng kalaban niya. Ngiting mukhang uhaw sa dugo. Sinugod niya ulit ako at pinagsusuntok hanggang sa pagsawaan niya. Para siyang sinapian ng demonyo. Hindi man lang ako nakakita ng tsansa para makabawi ng suntok.
Nagpasandal na lang ako sa puno habang pinupunasan ko yung dugo na siyang humaharang sa paningin ko.
"Kelangan mo pang magpractice ng opensa mo." isinuot niya yung bag niya at binuksan ito. Sunod na nakita ko ay ang pagbagsak ng pera sa paanan ko. "Magpagamot ka ha! Tapos maglaban tayo ulit!" saka siya tumakbo paalis.
"Mommy may new prospect ako" ngiti ko sa kanya habang nakaupo sa damuhan. Hindi siya sumagot. "Ang lakas niyang sumuntok ma! Astig nga eh. Kita mo tong mga pasa at sugat ko sa mukha? Siya lahat gumawa nito!" tuwang tuwa kong pagmamalaki sa kanya. "Sa wakas ma nakahanap na ako ng pwede kong tapatan!" Dumapa ako habang nakapangalumbaba at tinatanggal yung mga dumi sa puntod niya saka ako tuluyang nahiga at tumingin sa kulay orange na langit nang biglang humangin. "Sana andito ka para makita mo kung gaano siya kaastig!"
***
Yun yung dahilan kung kaya ako nagpalipat dito sa Crimson. Sinundan ko talaga si Leigh dito para hamunin ulit ng laban pero instead she offered me to be her friend.
"You bitch!" Jessica shrieked. Leigh was on top of her. Nabaliktad na agad yung sitwasyon! Pinagsusuntok siya ni Leigh and everybody's cheering for Leigh to finish her off. Duguan na yung mukha ni Jessica at halatang natatakot na siya sa pinapakitang karahasan ni Leigh. Kelan pa kasi siya magtatanda?? Nakatatlong face surgery na siya di ba? Gusto pa ba niyang paabutin sa apat? "Save... uhh!.. me from... sh.t!... this monster!" sinasabi niya yun sa pagitan ng mga bugbog ni Leigh sa kanya.
Kawawa na talaga yung itsura niya at halos garalgal na rin ang pagsasalita niya dahil sa dugo sa kanyang bibig.
Pagkakita ko sa mukha ni Leigh, ay nakangiti pa rin siya. Nanlalaki yung mga mata niya na para bang pinapahiwatig nitong nag-eenjoy siya sa ginagawa niya at walang kahit na sino pang makakapigil sa kanya. Damang dama dito sa kinatatayuan naming ang panggigigil niya.
Sa kabila ng lahat ng nangyayari, mga estudyanteng nagchicheer para kay Leigh at ang ibang halos ay magtakip na ng mga mata sa sobrang kabrutalan niya ay hindi namin inaasahang may biglang lilitaw sa likuran ni Leigh at akmang papaluin na siya ng tabla sa likuran niya.
Isa sa mga kasama ni Jessica.
"Leigh!"
***
(c) lyra_shin
Guys any comment? :)
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...