TBC Chapter 31: They're Here

971 29 3
                                    

TBC Chapter 31: They're Here


Leigh

"Great! Alam mo bang nahirapan ako sa spelling ng name mo nun?" napangiti ako habang nakatingin sa tablet ni Steffi. Tinuturuan niya ako sa spelling ng pangalan ko at hindi lang pala yun isang simpleng A.S.H.L.E.Y kundi A.S.H.L.E.I.G.H at ang apelyido kong T.A.K.E.I. Ang sabi pa niya Daddy ko daw yung Japanese tapos full blooded Filipino daw ang nanay ko. 17 years old na daw ako at ang birthday ko daw ay sa February 16. Saka mag-apat na taon na daw kaming magkakaibigan nila Steffi, Jen at Danielle. Nalaman ko ding parepareho kaming may lahing Japanese ni Jen at Chinese naman sila Steffi at Danielle. Nalaman ko ding ang tawag sa grupo namin ay LD initials ng Little Devils. Pinakitaan pa nga nila ako ng pictures namin noon. Nakita kong yung dating ako, ay hindi mahilig ngumiti. Sabi naman sa akin ni Steffi, cool daw kasi ako kaya ganun.

"Kaya ka lang nahirapan kasi mahilig kang mag-assume." napatingin ako kay Jen na siyang nakaupo sa tabi ko. Magkakatabi kasi kami nila Jen at Steffi tapos si Danielle asa dulo ng kama nakaupo habang nagbabalat ng mansanas.

"Hindi kaya."

"Stop you two. Baka dyan pa kayo magsabunutan dalawa. Kawawa si Leigh." narinig kong sabi ni Danielle kaya napatingin ako sa kanya. Sinabi niya yun nang hindi inaalis yung tingin niya sa binabalatan niya.

"Teka nga asan si Rhaven?" Tanong sa akin ni Jen bago siya sumandal sa unan ko.

"Eh, sabi niya uuwi daw muna siya."

"Ganun? Hindi tayo nagkakasamang lima hindi tuloy namin mainterrogate."

"Mabait naman siya sa akin. Tapos maalaga pa." sabi ko at naramdaman kong mapabangon bigla si Jen.

"Ganun!? Hindi halata ah. Mabackground check nga yun mamaya."

"Leigh alam mo bang mahilig kang makipaglaban dati?" napatingin ako kay Danielle at patapos na niyang hati hatiin sa maliliit na cubes yung mansanas. "You like drag racing too. You're even coined as the Night Phantom for being the best." Napakunot yung noo ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Uy Danny, don't you think it's a bit early to tell her that? Ikaw na nagsabi. Make her remember bit by bit." -Steffi

"I know that. But I think this is the right time to tell her most of the important facts of her life."

"Teka, ano ba yang sinasabi niyo? What about the important facts of my life?" tinitigan ko si Danielle dahil nararamdaman kong siya lang yung makakasagot sa mga katanungan ko.

"Leigh, duck." seryoso niyang sabi.

"What?" napakunot yung noo ko. Nagulat na lang ako ng bigla niyang ibato sa direksyon ko yung kutsilyong hawak hawak niya.

"What the F Danielle!?" napahawak ako sa tapat ng puso ko. Ang bilis bilis ng kabog nito parang kunti na lang isusuka ko na. "Anong iniisip mo ha? Paano kung tinamaan mo siya?" naramdaman kong tumayo si Jen at ramdam ko ang paghimas ni Steffi sa likuran ko pero hindi ko pa rin magawang kumalma. Nanatili lang akong nakatingin sa baba habang humihinga ng sobrang lakas at bilis.

"Bakit mo yun ginawa Danny? Paano kung hindi siya nakaiwas sa atake mo? Anong gagawin natin?" rinig kong sabi ni Steffi sa tapat ng tenga ko.

"But she did dodge the attack right?"

"Paano nga kung hindi!? That's the point!" rinig kong sigaw ni Jen.

"Calm down Jen. People with amnesia only forgets cinematic records of their lives, not their logic, ability to speak, also their physical activities. You can forget your name but not the years of training you've done. Like Leigh, we know she's been practicing mixed martial arts and acrobatics? Yun yung sinasabi ko. Hindi nya pupwedeng makalimutan ang mga bagay na napag-aralan na ng katawan niya because her body can act voluntarily even without her thinking too much. Also, the instincts and the thought of surviving are the most crucial points. That's why I was confident enough that she could avoid the knife." unti unting nagsubside yung mabilis kong paghinga at unti unti na ring lumuwag yung pakiramdam ko. Napatingin ako kay Danielle at nakitang ginagalaw niya yung salamin niya.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon