TBC Chapter 29: Steffi Got Her Time Back

972 24 4
                                    

TBC Chapter 29: Steffi Got Her Time Back


Steffi

Naramdaman kong pinaandar niya na yung bike at nag-umpisa na itong umabante.

"Si Leigh nga, nagiging excited pag nakakakita ng motor eh." Napatingin ako sa likod ng ulo niya. Tama nga yung sinabi niya, tama lang yung bilis ng pagpapatakbo niya.

"Si Leigh? I thought it's the cars." ang pakakaalam ko eh ang gusto niya mga kotse lang.

"Hmm? Gusto niya rin ng bikes. Yun lang hindi siya nagpapatakbo ng mga ganito. Mahilig siyang magstroll gamit ang bike nung asa L.A kami tapos ako yung driver niya." I heard him chuckle at the thought.

"Mukhang malapit kayo ha?" napayuko ako.

"Oo, she's one of a kind you know?" sa pagkakasabi niya nun, hindi ko na nagawang sumagot. She's really one of a kind. How can I compete? Teka ano ba tong kabaliwang pinagsasabi ko? Kung ano ano na yung naiisip ko. "So where is this coffee shop you're talking about?"

"Uhm ikaliwa mo lang."

"So anong order mo?" nakarating na kami sa DropCafe at tinatanong ko siya kung anong gusto niyang orderin.

"I like sweet coffee." napatingin ako sa waitress at napansing kay Cloud lang siya nakatingin. Inisip ko yung gusto kong order. Yung paborito kong inoorder dito. White caramel tea at saka choco vanilla cake. Ibinalik ko ang tingin ko dun sa waitress at sinubukang tawagin yung pansin niya para makapagorder na rin ako. Aba't. Tinawag ko yung pansin niya pero parang nahypnotize na siya sa kacutan ni Cloud. Sa sobrang kawalan ko ng pasensya, napahampas ako ng kamay sa mesa. Nakita ko namang nagulat siya sa ginawa ko pati si Cloud.

"Mam?" tanong niya at alangang napangiti sa akin.

"I was just talking about our orders. But you seemed to be out of it. I think you should slow down with the coffee." I smiled sweetly at mabilis na sinabi yung mga orders namin. Sinundan ko ng tingin yung waitress hanggang sa makalayo na siya.

"Well that's a surprise?" napalingon ako kay Cloud matapos kong sundan ng tingin yung waitress.

"Ang alin?" binawi ko agad yung kamay kong nakapatong sa mesa mula sa paghampas ko dun kanina.

"Na mukha ka pa ring sweet matapos mong pagalitan yung waitress."

"Ah eh," nakakahiya yung ginawa ko. Hindi ko kasi mapigilan. Halos matunaw na si Cloud sa titig nung babaeng yun kanina eh. Anong magagawa ko?

"You don't need to be shy about it. It's cute." Teka, sana malamig na tubig na lang yung inorder ko. Masyado nang umiinit dito. Napapaypay ako sa sarili ko.

"Teka mainit ba?" Napalingon siya sa paligid. "Tama lang naman yung temperature.. Malamig nga eh." napabalik siya ng tingin sa akin. Binawi ko agad yung kamay ko.

"Hindi may langaw kasi." Napapikit ako. Ano bang klaseng reasoning yan?

"Ahh." Teka.. Namilog yung mga mata kong napatingin sa kanya. Naniwala siya sa sinabi ko?

"Ma'am sir. Here's your order. Fall in love only at DropCafe." Ano bang pinagsasabi ng waiter na to? Pero buti na lang lalaki na yung nagserve sa amin. Napatingin ako kay Cloud at nakitang nakangiti lang siya ulit as usual. Hindi ba nananakit yung pisngi niya sa kakangiti? Hinintay kong umalis yung waiter bago tanungin si Cloud. I leaned forward and whispered.

"Hindi pa nananakit yung pisngi mo?" Pero mukha siyang naguluhan sa sinabi ko.

"Bakit?"

"Eh kasi lagi kang nakangiti."

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon