TBC Chapter 44: Seething Yet Still Cool

561 11 0
                                    

TBC Chapter 44: Seething Yet Still Cool

Roue's POV

"Hey darling. Wanna date?" Tanong sa akin ng isang babaeng tumabi sa akin sa may helera ng bar stools.

Tinitigan ko ito mula baba hanggang sa kanyang mukha.

Maganda ang pangangatawan. Makinis din at maputi. Halos iluwa na ng kanyang damit ang malalaki at malulusog niyang dibdib. Hapit na hapit yung damit niya sa katawan at sobrang iksi ng suot na palda.

Kita ko na halos ang lacy niyang panty.

Nginitian ko siya at bilang reaksyon ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Lumapad ang ngiti sa mga labi niyang mukha binabad sa pulang pintura.

Inayos niya ang kulot kulot at mahabang buhok.

"Inaaya mo ba ako ng date?" Hindi sa paninigurado kung tama nga ako ng rinig. Kundi dahil gusto ko lang tignan ang susunod niyang reaksyon.

"Yeah? Pwede ka ba?"

Napailing ako. "Tss, hindi ako kalendaryo miss para tanungin mo ng date. At saka kung gusto mo ng date, bili ka ng dater, tatakan mo noo mo ng receive at ibalandra mo sa iba. Hindi kasi ako fan ng mga katulad mo eh." Napaismid ako at ini-straight ang iniinom kong gin.

Nagsitawanan naman ang mga baliw na malapit lang sa amin at nakarinig sa mga salitang sinambit ko.

Halatang nairita o masasabi ko sigurong gumuhit ang pagkadismaya sa mukha nung babae.

"Ano ka ba Roue! Lalaki ka ba o ano? Napaghahalataan ka na namin e!" Pang aalaska ni Trip.

"Sinayang mo naman yung chikabebe! Pinamigay mo na lang sana sa akin!" Ani Sol na may kaakbay na dalawang babae sa magkabila niyang braso. Panay ang hagikhik ng dalawang babae at di alintana na fling lang ang tingin sa kanila ni Sol.

Tss.

"Asan yung kambal mo!?" Tanong ko sa kanya. Lagi kasing magkadikit tong kambal e. Mahirap paghiwalayin.

"Upstairs. Currently banging? Why?" Oy nag english na ang loko.

"Himala. Di kayo share?" Sabat ni Blake at tumawa ng malakas.

"Huh? I think he's already learned a lot from his master." Turo niya sa kanyang sarili. "Besides, little bro's old enough, yeah?" He smirked at hinalikan ng mapusok ang asa kanan niyang babae at sinunod yung kabila.

"Pota ka Sol! Umalis ka nga dito! Nakakadiri ka!" Sabat ni Gin na halatang lasing na lasing na. At di pa nagpaawat at tumungga na naman ng isang bote ng beer.

"Inggit ka lang Gin. Ligawan mo na kasi yung si, Janet ba yun o Jane?" Tanong ni Blake.

"Jen yun pre." Sagot naman ni Case.

"P-pakialamero na naman kayo eh, manahimik kayong mga p-puta kayo! Sumasakit ulo ko e. P-p-punyeta." Ika niya habang nabubulol pa sa bawat mura niya.

Tss. Tanga talaga tong isang to. Napaghahalataan masyado e.

"Hey babe. Want me to pour you another shot?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Idagdag mo na si Gin na sumisinok sinok pa sa kalasingan at halos itampal ang mukha sa may lamesa.

Hindi maingay sa bar na kinaroroonan namin. Sa totoo nga riyan ay kung hindi classical ang pinapatugtog ay puro violin or piano demo ang maririnig kaya naman ay nahuli agad ng pandinig namin yung sinabi nung isang babae sa likuran namin.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon