TBC Chapter 11: Don't even think we're going on a date

1.3K 42 1
                                    

TBC Chapter 11: Don't even think we're going on a date

Biglang may sumigaw sa pangalan ko at pagkalingon ko may lumilipad na tubo sa aking direksyon. Specifically sa likod ko. Napatigil ako sa pambubugbog kay Jessica at napatingin sa likod. Tinamaan nung tubo ang isang babaeng may hawak hawak na kahoy. Agad niya iyong nabitawan at napahiga sa sahig. Tinignan ko ang pinangggalingan ng tubo at nakatayo dun si Jen.

"Told you." I mouthed her. Inaasahan ko nang mangyayari ito dahil kahit kelan hindi naging patas ang paglaban ni Jessica. Tatawag at tatawag siya ng back up kung siya na yung dehado sa laban. Ngumiti si Jen at tumakbo ang LD papalapit sa akin kasabay ng paglusob ng kabilang grupo.


****

"Naku kayong mga bata kayo, nagsuot na naman kayo sa laban no?" komento nung nurse na siyang gumamot sa aming apat kanina. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may kama at nag-aayos ng gamit para makauwi na. "Pabalik balik na lang kayo lagi dito sa clinic. Ikaw Leigh ha, kababalik mo lang dito sa atin balik gawi ka na naman."

"Hindi maiwasan eh, sila naman yung nag-uumpisa." sagot ko at pumanhik na sa may pinto at sumunod naman yung tatlo.

"Anong nangyari kay Jessica?" inosenteng tanong ni Steffi.

"Ano pa nga ba di tinakbo sa hospital. Ilang tahi din yun ah." tugon ni Jen habang kinikilabutan pa. Puro kami may band aid sa mukha.

"Eh yung kapatid niya?" tanong ko

"Si Tiffany? Wala na yun, bago pa man magkagulo hindi ko na nakita sa rooftop kanina." sagot ulit ni Jen.

"Ano na? What are we going to do now?" singit ni Danielle. Napatingin ako sa langit at papalubog na yung araw.

"Di uuwi na." sagot ko. Nitong mga nakaraang araw puro away at basag ulo na lang yung napasukan ko wala nang pinagbago. Minsan naiisip ko ganito ba talaga ang nakasanayan ko dati dito sa school na to? Hindi naman din nangingialam ang mga opisyal dito sa trip naming apat at kung may masobrahan man sa bugbog nagpapatawag na lang ng ambulansya para dalhin yung kung sinuman nabasagan ng mukha o nakalasan ng buto. Siguro sanay na talaga sila. Nasanay sila sa ipinatupad kong batas dito.

"Ano ba naman tong mga babaeng to." pailing iling na reklamo ni Jen na siya namang dahilan para mapatingin din ako sa tinitignan niya. Naglalakad kami palabas ng campus at may mga nagkukumpulang mga babae na nakaharang sa labasan, sa may gate ng school. Parang lahat sila naggigitgitan para makita yung asa harapan. May ibang nagtitiptoe pa at patalon talon.

Nung mapalapit kami dun may babaeng sobrang lapad ang ngiti na napatingin sa akin at nung magtama yung mga mata namin awtomatiko na siyang napatungo at agad na tumabi ng daan. Ganun ang ginawa ng lahat ng mga kababaihang nadaanan ko. Problema ng mga to?

"Wow, they're really terrified of you now. " natutuwang sabi ni Jen habang nakapamulsa ang mga kamay sa vest niya.

"Oo nga! Bumalik na kasi ang dating Leigh!" dagdag pa ni Steffi.

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi nilang dalawa at mas pinagtuunan ng pansin ang pinagkakaguluhan ng mga estudyanteng babae dito sa harapan. Humihithit siya ng sigarilyo habang nakakalahating upo sa motorbike niya. Basang basa yung buhok niya ganun din ang ilang bahagi ng kanyang white long sleeves. Nakasalampay ang blazer niya sa isang balikat at may isang babaeng nakatayo sa tabi niya.

Laking gulat ko na lang ng biglang sipain niya yung babae with just enough force para mapaupo ito sa aspaltong daanan.

"Stay away from me you creep!" singhal niya "You better not touch me again or I'll break your bones!" pinanood kong tumayo yung babae habang naiyak at tumakbo lagpas sa akin. Nakatayo ako sa mismong harapan nila nung mangyari yun at nung iangat niya ang ulo niya biglang nagtama ang mga mata naming dalawa. Binitiwan niya yung sigarilyong hawak hawak niya at hinayaang mahulog sa semento bago tumayo ng maayos at apakan yun.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon