TBC Chapter 30: He did what?
Leigh
Napatitig ako kay Rhaven.
"Kaya kong kumain mag-isa." kanina niya pa kasi ako sinusubuan. Medyo hindi ako sanay. "Ginagawa mo ba to dati?" biglang napatigil yung pagsubo niya sa akin at binawi niya yun pabalik sa hawak niyang mangkok bago tuluyang ilapag sa maliit na tray na nakatayo sa magkabilang gilid ko.
"No. I'm trying to be sweet here. Just try to appreciate will you?" medyo napatawa ako ng kunti.
"What's funny?"
"I can see being sweet is not your specialty. Bakit hindi ka na lang kasi magpakatotoo sa akin tulad kung paano mo ko tratuhin dati?"
"You don't know how fake I was with you before."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing. Just finish your soup." pagkasabi niya nun, tinitigan ko yung mangkok na nilapag niya sa tray. Sa totoo lang ayoko nung lasa niya. Para ngang hindi pagkain ng normal na tao eh.
"Uhm, pwede humingi ng pabor?"
"Sure."
"Pwede mo ba kong ilabas?" I know that's the stupidest thing to ask right now. I can't even move my legs. Hindi ako makaalis ng walang tulong ng nurse o kung hindi ako isasakay ng wheelchair. They say I need therapy to walk again, that's why I asked them to do it immediately. Gusto ko nang lumabas dito. Ayoko nang makulong at mapaligiran ng apat na puting pader. Pare pareho na lang yung nakikita ko. Buti nga dumadalaw sila Steffi, Jen at Danielle sa akin. Una kong nalaman yung pangalan ni Steffi nung dinalaw niya ako dito nung isang araw. Tapos nasundan na silang tatlo naman yung magkakasama.
Si Jen yung babaeng may mahaba ding buhok at medyo singkit. Sa totoo lang parepareho din naman talaga silang singkit eh at pareparehong magaganda. Si Danielle naman yung nakasalamin. Mukhang ang tali talino niyang babae.
Nakita kong close na close silang tatlo sa isa't isa at nararamdaman kong namimiss na nila ang dating Leigh. Yun yung laging sinasabi ni Steffi sa akin. Lagi din niya akong niyayakap. Si Jen naman lagi niyang inaaway si Steffi at si Danielle ang umaawat sa kanilang dalawa pero ang nakakatawa, sa huli si Danielle at Steffi yung nag-aaway. Pero siguro ganun lang talaga sila kung maglambingan.
"Where do you wanna go?" nagulat ako nung walang pagdadalawang isip nyang tinanong kung saan ko gusto pumunta. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan. Wala din akong alam na lugar sa labas na dati kong pinupuntahan. Hindi ko alam kung saan magandang pumunta at bisitahin.
"Kahit sa garden lang." sabi ko. Nalaman ko kasing may garden sa likod ng hospital. "Gusto kong dun muna magpunta."
***
"Okay just a little bit more. You can do it." napatingin ako sa doctor. Hawak hawak niya ang magkabila kong braso habang tinutulungan akong tumayo. Unang araw ito ng therapy ko at disidido akong mag-aral maglakad ulit. Masakit. Hindi ko inaasahang ganito kasakit ang pagtayo pa lang. Napakunot yung noo ko. Unti unti kong naitataas ang pwet ko mula sa upuan. "There you go." pagkasabi niya nung napapikit ako. Bigla na lang akong napasalampak pabalik sa upuan.
"Hindi ko kaya." I felt something prick the back of my eyes. "Hindi ko kaya..." naramdaman kong unti unting nanginginig yung mga labi ko at kunti na lang may tutulo nang luha sa mga mata ko. Ang hirap ng ganito.
"Hey, hey," nakaramdam ako ng paghawak sa pisngi ko at pagpunas sa mata ko. Pagmulat ko nakita ko agad ang mukha ni Rhaven. Nakaluhod siya sa may gilid ko. "The Leigh that I know isn't a quitter. Maybe you can't do it the first try. So what huh? So what? You can walk again if you won't just quit."
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...