TBC Chapter 28: Steffi's Predicament
Roue
"Damn man! I win!" -Kris
"You just got lucky Kris. By the way, where's Cloud?" Si Cloud? Eh halos hindi na rin nagpapakita dito sa club house yun eh. Hindi nagpapasabi kung saan nagpupupunta. Lulubog lilitaw lang kung kelan lang ata niya gusto.
"Wala siya dito. Bat hindi mo ibigay sa kanya yung pangalan mo para naman magkaron siya ng TIME, na sumama sa mga ganito?" -Dev
"Whatever. Let's have another round!"
"Another one? Huhowww man you gonna make me rich!" pinanood kong bumalasa ng baraha si Kris. Tsk. Kelan pa ba sila titigil sa pakikipaglaro sa kanya? Puro talo nahihita nila eh. Hindi na sila nasanay.
"Hoy Time. Magkano na ba pinapatalo mo dyan?" -Xhemiel
"Uhm, I guess 100k? Next bet will be my condo at the Lines."
"Yeah baby! Few minutes and I'm gonna have a new condo!" -Kris
"Tsk. Tsk. Seryoso ka? Yung asa Lines? Masyadong malalaki pinupusta mo tol!" -Arfel
"You know the game.. If you wanna win big, you gotta play it big." -Time
"Tama!" -Meo
"Anong tama? Nanonood ka lang naman eh!" -Yang
"Tama!" -Meo
Loko loko talaga tong isang to.
"Putapete, di kayo nagsasawa? Ako gutom na!" -Gin
"Hoy Gin, asan yung mga pinsan mo? Hindi na sila naglalaro dito. Hindi nila makikita pano matalo si Time! Hahaha!" -Dev
"I'm gonna win this time. You'll see." -Time
"Narinig mo sabi mo? Bat kasi time pangalan mo. Hahaha!" -Dev
"Ask in hell Devilino."
"Oy, Dev lang! Haha."
"Whatever."
"Ano? Kelangan mo pa ng sagot? Bilis bilisan mo nagugutom na ko." -Gin
"Haha.. Oo nga pala muntik ko na makalimutan. San sina Seth At Sol?"
"Baka asa club. Pinanganak na makakati mamatay ng makati. Nasagot ko na."
"Hahaha.. Babaerong kambal. Hoy! Dalhan mo din ako dito! Saka isang beer."
"Kumuha ka mag-isa mo! Ano ko utusan?" -Gin
"Hindi inumin. Gin ka di ba? Hahaha!"
"Sapakin kita?" -Gin
"Ayan na nga eh oh. Ang hot mo eh."
"Thanks" -Gin
"Hoy ako lang hot dito!" -Dev
Patawa pakinggan mag-usap tong mga to. Para silang mga ewan lahat. Kanya kanyang grupo din sila.
"Out na ko! Ubos na dala kong pera." -Spike
"Hmm, we need one more player here! Roue! You game?" napatingin ako sa kanila mula sa tv. Maganda kasi palabas. Hunter x Hunter. Tapos lahat sila hinihintay yung sagot ko. Nangibit balikat ako.
"Yoko!" hindi ako mahilig sumugal eh. May prinsipyo kasi ang sugal. Papanalunin ka sa una pero pag nahulog ka na sa laro, sunod sunod nang talo ang susunod. Kaya ayaw kong subukin ang swerte ko sa ganyan lang. Next time na lang pag buhay ko na ang nakataya.
"Ang boring mo talaga Roue!" -Case
"Di bale nang boring! Hindi naman namumulubi! Di ba Time?" pang-aasar ko.
"Whatever. I still got a yacht."
Yaman talaga ng isang to. Kakabalik lang eh, pagsusugal agad ang inaatupag.
"Teka nga mga dude! Asan na ba si Rhaven?" -Blake
"Sya nga. Asan na yun? Ilang linggo nang hindi nagpapakita.." Reid
"Baka kasama ng girlfriend niya? She's been in the hospital aight?" - Trent
"Seryoso na ba siya talaga dun? Akala ko allergic sa girls si boss?" -Trip
Nangibit balikat lang si Trent at bumalik sa nilalaro niyang psp.
"Are you guys missing me already?" sabay sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng boses at dumapo ang tingin namin sa lalaking kasalukuyang nakatayo doon.
"Ay p.tang ina!" nalipat yung tingin ko sa kusina. May nahulog si Gin na plato. Galing din umagaw ng atensyon eh. Napabalik ang tingin ko kila Reid na nakatingin kay Rhaven. Di nagtagal binawi nila agad yung tingin nila at bumalik sa kani kanilang ginagawa.
"Di ah." -Reid
"Pshh." -Trip
"Balik na sa laro." -Blake
Muntik na akong mabuwal sa drama ng mga to. Kanina lang pinagtatanong si Rhaven tapos ngayong andito na siya kunwari pang walang pakialam.
"Musta na si Leigh?" tanong ko.
"Yun ba yung tinapon natin dati sa basurahan?" -Case
"Sut!" -Trip
"Ah wala pala." -Case
"Yeah? But she's also the Night Phantom right?" -Kris
"Di nga?" sabay sabay nilang tanong. Hindi na naman sila makapaniwala. Mga fans kasi sila ng Night Phantom. All this time akala nila lalaki ang Night Phantom. Kaya hindi ko sila masisisi kung pati sila hindi makapaniwala. At wala rin silang alam kung bakit namin kinalaban ang Daybreak.
"Musta na si Leigh?" pag-uulit ko sa tanong ko.
"Kung siya ang Night Phantom, bat siya naospital. Imposibleh!" -Trip
Napailing ako. Ang kulit ng mga to eh.
"Tama!" -Meo
"Tsk. Tsk. Masyado siyang astig para dun tol." -Arfel
"Kinatalo siya ng Daybreak okay na?" sagot ko sa kanila para tumahimik na sila pero mas lalo naman silang umingay.
"That's why we went for Daybreak!" para namang nakasagot ng malaking case itong si Trent kung makareact pero hindi ko na iyon masyadong pinansin.
"Mga nguyang ngina ngala ngyang Nyey Ngrek nge! Ngalingan ngayen!" -Gin
"Ano??" sabay sabay naming sigaw kay Gin. Pagkatingin ko ang daming nakasaksak sa bibig niyang pagkain. Hinintay pa namin siyang lumunok bago niya ulitin yung sinasabi niya.
"Sabi ko mga p.tang ina yang DayBreak. Balikan natin!"
"Ahh."
"She's woken up." Napalingon ako kay Rhaven. Nakaupo na siya ngayon sa sofa habang nakasandal at nakapikit. Ang laki ng iniba ng itsura niya. Pumayat at mukhang hindi nakakatulog. Napakalayo sa huli kong natatandaang itsura niya. Hindi lang panlabas na anyo niya ang nag-iba. Palagay ko ang laki din ng pinagbago niya sa sarili niya mismo. "She lost her memory."
"Aw!" -Reid
"Sakit naman nun.. Anong plano mo?" rinig kong tanong ni Xhemiel. Itatanong ko din sana sa kanya. Anong plano niya ngayon kay Leigh? Ang hirap nun panigurado. Sa totoo lang hindi ko naman ganun kakilala si Leigh. Nakita ko na rin siya ng ilang beses pero hindi naman yun sapat para makilala mo ang isang tao. At base sa kinikilos nitong si Rhaven, tinamaan na ng kidlat. May gusto na ata to eh. Kita mo nakangiti habang nakapikit.
"Ibigay natin si Time para makaalaala siya.. haha" Baliw talaga tong si Dev, laging inaasar yung pangalan ni Time. Kung bakit naman kasi ganun yun eh.
"Yeah, I wanna see what the Night Phantom's like." -Time
Yun na nga. Nagpumilit na ang mga loko.
Steffi
I stared down the basket full of yellow flowers that I've freshly picked from our greenhouse. I sighed out of exasperation as I gaze up to my mom.
"Don't do that honey. I know flowers love any air that the human body expels but it's not good to sigh every 2 minutes. I feel something's been bothering you. You can always talk to me." nakakita ako ng isang hint ng ngiti sa mga labi niya bago siya tumingin sa akin mula sa mga inaayos niyang bulaklak sa vase sa gitna ng malaking dining table namin.
Kumuha ako ng isang bulaklak mula sa basket ko at tinitigan iyon ng mabuti. Pinaplano kong dalhin ito kay Leigh mamaya dahil sabi ni mommy nakakatulong ito para mabilis na lumakas ang katawan ng tao at maghilom ang mga damaged internal organs.
"Mommy, do you know about our deal with the dean?" nilingon ko siya. "He's going to kick us out if we don't play volleyball." Deretsahan kong sinabi. Napakunot naman yung noo niya bago hilahin yung upuan sa tabi ko at umupo paharap sa akin.
"No. But, you like playing that game right? So what's the matter?" I sighed for the millionth time possible. Yes, I like the game. I like playing it with my friends especially if all of us is there and we're physically capable of doing it? Pero si Leigh. Is it possible for her to recover that fast? Tinanong ko na si mommy about an antedote that can make you remember, that can cover up amnesia but sadly she told me that that isn't possible. Nagkaconduct pa sila ng tests for it's probability and it's a long run process.
"Yes, but you know Leigh's condition? She's not capable of playing. And the dean told us that if we lose the game, all of us will be kicked out and that isn't good for Danny, you know?" may pinapangalagaan siyang record sa school. Her grades are so farfetched. Kaya hindi pwede sa kanya ang magkarun ng expulsion record sa report card niya. Saka, kahit naman na lagi siyang nagaabsent kasama namin, her dad covers for her absences of course. Pero ngayon, our dads denied of helping us with this for the very first time. Kung gusto ni Danny na makapasok sa isang magandang university like what she's been telling me when we were kids at magkaron ng magandang record, we need to win, not 2nd place but as champions.
"Well that's a problem." tumango ako at pinanood si mommy sandali habang nakatingin sa malayo. Mukha siyang nag-iisip. "Have you talked to your dad? You know he's very capable on tapping on your account?"
"That's the point mom, he's totally given up on me." namilog yung mga mata ni mommy nung marinig niya yung sinabi ko. Kaya nga pati ako hindi rin ako makapaniwala. Daddy's been giving me everything that I ask from him. Kaya nagulat na lang ako nung sabihin ng dean na hindi na makikialam ang mga daddy namin from now on.
"We'll I bet he's thinking of something. He's a really reasonable man you know?"
"Yeah, I know that."
"So, what time will Danielle pick you up?" Tumayo ako. Muntik ko nang makalimutan dadalawin ko nga pala si Leigh ngayon. Yun lang, hindi ko kasama sila Danny papunta dun. Danny's having her advance subjects today while Jen is really trying her best to talk to her dad, I guess. The two of them really aren't that much of close. Kaya nahihirapan siyang magreach out especially, umf family matters?
"I'm gonna have the driver take me." Binitbit ko na yung basket ko at hinalikan si mommy sa magkabilang pisngi bago ako tumalikod. Pero naramdaman ko na lang yung paghawak niya sa wrist ko kaya napalingon ako ulit sa kanya.
"Whatever Rick's decision, you know it's for the good." Nginitian ko na lang si mommy at tumango bago magpatuloy sa paglalakad ko palabas.
Nung makarating na ako sa harapan ng hospital, unang nakapukaw sa atensyon ko yung isang lalaking nakatayo sa gilid ng pinto at may hawak na cellphone. Napangiti ako at tumakbo papalapit sa kanya habang bitbit bitbit ko sa kanang braso yung basket na puno ng bulaklak.
"Hi! Dinalaw mo si Leigh?" bati ko agad sa kanya. Nakita kong iangat niya yung mukha niya mula sa cellphone niya at tumingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas, siguro mga 2 seconds yun. Agad na gumuhit sa mukha niya ang pinakamagandang ngiting nakita ko sa buong buhay ko. Ayiih, Steffi stop grinning like an idiot in front of him! Nakakahiya ka! Napaehem ako bago lumunok ng laway para matigil sa kakangiti pero pagkatapos kong gawin yun ay napangiti na naman ako ulit. Ahy ano ba yan.
"Uhm, kakadalaw ko lang sa kanya." agad niyang binulsa yung cellphone niya at pinanatili dun yung kamay niya sa front pocket ng pantalon niya.
"Ahh, ang lungkot no? She got amnesia." napaseryoso yung mukha niya bago alangang ngumiti.
"Yeah." tipid naman nitong sumagot. "I see you got something for her." bumaba yung tingin niya sa dala dala ko.
"Ah ito? Oo, makakabuti to para sa kanya." tinaas kong bahagya yung basket na bitbit ko. "Uhm, gusto mo sumama pabalik kay Leigh? Sa tingin ko makakatulong sa kanya pag lagi natin siyang kinakausap at pinapaalala yung mga nakaraan niya kasama tayo."
"Hindi na.. Tulog kasi siya nung dinatnan ko siya. Naisip kong kailangan niyang magpahinga." Aww ang bait bait naman ni Cloud.
"Ah sige. Ihatid ko muna sa kanya tong bulaklak tapos..." Napahinto ako sandali. Tama ba tong gagawin ko? Ako ang unang gagawa ng move? Hindi ko naman siya liligawan agad eh. Ahy ano ba tong pinag-iisip ko. Nasa modern time naman na tayo eh. Saka ano bang masama sa gagawin namin kong sakaling pumayag siya sa sasabihin ko. Di ko naman siya kakainin eh. Tikim lang. Aheee.. Eraaase!
"Hmm." sabay na tumaas yung dalawang kilay niya. Napalunok ako ng laway.
"Uhm. Tanong ko lang kung gusto mo magtea kasama ko." Napayuko ako. Nakakahiya! "Pero kung ayaw mo okay lang sa akin! Okay na okay lang talaga!"
"Okay.."
"Kung napipilitan ka, wag na lang ayoko kasi na mapilitan ka lang samahan ako. Ayos lang sa akin kung ayaw mo."
"Hey, I said it's fine.." nagulat ako nung iangat niya yung mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa chin ko. Hmp. Hindi ako makahinga. Huwag ka munang magblush Steffi!
"Uhm." Napalayo ako ng unti. "Okay. Hintayin mo na lang ako dito ha?" hindi ko na siya hinintay na sumagot. Naglakad na lang ako ng mabilis papunta sa elevator at pinindot yung floor ni Leigh.
"Heart magtigil ka nga dyan. Alam kong nacucutan ka sa kanya. Pero huwag mo naman masyadong iparinig. Ang lakas mong dumugdugdug eh." napahinga ako ng malalim at tumingin sa taas para makita kung anong floor na. Pagkabukas ng pinto, pumasok ako agad.
Mabuti na lang at pagkadating ko sa tapat ng pintuan ni Leigh ay medyo humina na yung kabog ng dibdib ko kundi siguro maibalibag ko na yung pinto sa sobrang excited para mamaya.
Nakasarado yung pintuan ni Leigh kaya kinailangan ko pang pihitin yung knob para ibukas.
Pagkabukas ko, sumilip muna ako sa loob. Kasalukuyang nakaupo si Leigh at may kung anong kinakalikot.
"Hi Leigh!" Tumalon ako papasok at halatang nagulat siya dahil napatayo yung balikat niya. Napansin kong itinago niya agad yung hawak niya kanina sa ilalim ng unan niya pero hindi ko na iyon pinansin at tumalon talon ako papalapit sa kanya at inilapag yung basket sa mesa katabi ng kama niya. Napansin kong inalis na yung mga machines na nakapalibot sa kanya dati. Siguro maayos na siya. "Kumusta ka?"
"Ayos lang, pero kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang itanong kung sino ka?" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na tanungin niya ng ganyan tapos masyado pa siyang magalang.
"Ako ang bestfriend mo! Ang pangalan ko Steffi Ho! Ang galang ng apelyido ko di ba?" Mas nagulat ako nung mapangiti siya.
"Oh may sinabi ba akong nakakatuwa?" pero umiling lang siya.
"Ikaw kasi masyado kang energetic. Kaya siguro kita nagustuhan at naging bestfriend." Hindi ko alam pero parang kinurot yung heart ko sa sinabi niya. Parang gusto ko na naman umiyak kasi nakita ko na siyang ngumiti at dahil na rin sa mga sinabi niya.
"Leigh namiss talaga kita alam mo ba yun?"
"Siguro kung nakakaalala lang ako ngayon, siguro yun din sasabihin ko sayo." Mula sa pagkakayuko ay inaangat niya yung mukha niya at tinitigan ako sa mata. Mas lalong lumapad yung ngiti niya. Ang Leigh dati kahit kelan hindi niya ako sasabihan ng namiss niya ako. Pero niyayakap niya ako at hinahalikan sa ulo. Sa palagay ko turn ko na para ako naman ang gumawa nun sa kanya.
Binitiwan ko ang pagkakahawak sa basket at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Teka, uhh, wag masyadong mahigpit." napahiwalay ako sa kanya ng unti pero hawak hawak ko pa rin siya bago tignan yung mukha niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hinalikan ko siya sa noo at pagkahiwalay ko, napansin kong namilog yung mga mata niya.
"The Leigh before really isn't going to say she misses me even if I tell her how much I missed her she won't say it anyway. But you know what? She hugs me and kisses me. I guess she's not that showy to tell you the truth. She acts base on impulse." Napahiwalay ako sa kanya at pinunasan yung gilid ng mata ko. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako pero buti na lang napigilan ko. Isinalin ko yung mga bulaklak sa glass vase gaya ng sabi ni Danny dati.
"Steffi," napatingin ako sa kanya at parang ang lungkot ng mukha niya but eventually the blank expression turned into a bright smile. She doesn't usually smile at everybody. More like she doesn't do it at all simula nung makilala ko siya. Pero I'm happy she shares it with me today kahit na hindi niya ako maalala. "Thank you."
Napangiti lang ako. Baka kasi kung magdrama pa ako dito maging best actress na ako kakaiyak ko. Nakakapagod din kayang umiyak ng umiyak pero mas pipiliin kong umiyak dahil sa saya kesa naman humagulgol ako dahil sa lungkot.
"Nga pala, dinalaw ka ni Cloud. Di mo rin ba siya maalala?" I turned to her pero mukhang naguguluhan siya sa sinabi ko. "Oh bakit? Siya yung may kulay puting buhok at cute." Napatakip ako ng bibig. I shouldn't have said that? Baka mamaya naaalala niya pala si Cloud tapos sinabi kong cute yung kaibigan niya tapos tutuksuhin niya na ako niyan.
"Sinong Cloud? Ikaw pa lang yung dumalaw sa akin ngayon."
"Ganun? Ah kaya nga. Tulog ka daw kasi nung pinuntahan ka niya."
"Tulog?” Umiling iling siya. “Kanina pa ako gising." Well that's odd.
"Ang sabi niya kasi dinalaw ka niya kanina pero natutulog ka daw? Anyway, if you see him, he's the one with the white hair." Baka naconfused lang siya. "Get well Leigh. The outside world misses you already. Binulong nila sa akin kanina na gusto ka na daw nilang makita." Napatawa siya bigla.
"You're funny."
"Yes. Yes I am." I smirked while bobbing my head. "Anyways, I have to go." Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at bumulong. "I have a date!"
"Well, I'm happy that you're happy. Visit me soon?"
"Kahit hindi mo sabihin. You can't get me off your tail." I smiled. Iniwan ko muna yung basket.
"Take care Steffi!" Nung malapit na ako sa pinto nilingon ko siya.
"You too! I'm gonna visit you A.S.A.P!" at binigyan ko siya ng flying kiss.
On my way down tinawagan ko na yung driver ko na mauna na pauwi. Finally, nakuha ko na yung number ng driver ko at pwede ko na siyang tawagan kahit kelan ko gusto. I'm just hoping Cloud's got a car.
Nung nakababa na ako, nung makita ko siya, tumakbo ako agad papalapit muntik na nga akong madulas, basa pala yung sahig. Kaya pala may nakalagay na slippery dun. Buti na lang at nakatalikod siya. Hindi niya nakita yung kahihiyan ko. Hmmmm. Nung malapit na ako sa kanya, binagalan ko na yung takbo hanggang sa mabagal na lang na paglalakad.
I poked at his arm. Nung mapalingon siya sa akin, automatic ngumiti agad siya.
"Sorry natagalan ako."
"No worries. I didn't mind waiting."
"So tara?" napakagat ako sa labi ko. Hindi ba nakakahiya itong ginagawa ko? Ako yung nag-aaya at dagdag pa na pangalawang beses pa lang naming pagkikita to.
"San mo ba gusto pumunta?" Magkatabi kaming naglalakad papuntang parking lot ng hospital.
"May alam akong coffee shop?"
"So, uhm do you ride bikes?"
Napatigil ako sa paglalakad nung humarap siya sa akin at napatingin ako sa kanya na may nakakunot na noo. Aanhin ko ang bike?
"Huh?"
"Ah, I brought my bike with me today." mula sa kanya bumaba yung tingin ko dun sa katabi niyang puting big bike na kasalukuyang hawak hawak niya sa may steering. Ang taas taas niyan tapos nakadress lang ako. Pano ako sasakay diyan? "You can ride at one side if you want?" Uhm paano niyang nabasa yung iniisip ko? Sumakay siya dun at inabante yung bike hanggang sa makatapat ko na yun.
"Wala ka bang helmet?" mas lalong lumapad yung ngiti niya.
"We don't need that. I don't drive that fast."
"Oh."
"So you gonna hop in or what?" paano ako makakasakay kung panay ang ngiti mo sa akin? I think my knees are getting wobbly by just looking at you. Teka. Erase.. Napatingin ako dun sa natirang space sa upuan at naglakad papalapit dun. Tumalikod ako at sinunod yung sinabi niya kanina. Medyo nahirapan nga lang ako ng kunti sa pag-akyat. Just when I'm getting comfortable, I felt his hand hold mine as he pulls it down his abdomen. Gosh! He's so hot! Ahy ano ba yan. Nararamdaman ko yung tigas ng abs niya. "See? It's not bad once you get used to it." Yung paghawak ko ba sa abdomen niya ang tinutukoy niya o yung pagsakay ko sa bike niya? Pwedeng piliin yung nauna?(c) lyra_shin

BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
БоевикCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...