Sino dito ang nakamiss sa Little Devils at sa grupo ni Rhaven na wala pang pangalan?(っ˘̩╭╮˘̩)っ Hihi. Namimiss ko mag update yun nga lang walang maisip i-update. Gulo ko no? Haha. Anyways, thank you sa mga patuloy na nag-aadd nito sa library pati sa mga nagvovote at comment. (ノ´ヮ´)ノ Mabuhay!
Here goes..
TBC Chapter 34: Getting to Know Each Other Again
Leigh
Ito ang araw na pinakahihintay ko. Yung araw na makakalabas na ako dito sa ospital.
They say it was a miracle. Sa tingin ko naman ay tama sila. Gaya ng sabi nila ay matindi ang sinapit ng katawan ko. Halos malasog nga daw ang mga binti ko dahil sa pagpupumilit kong maprenuhan ang sinasakyan kong kotse nung gabi ng aksidente. Pero heto ako at nagagawa kong makapaglakad.
Sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil sa pangalawang buhay na ibinigay niya sa akin. Kung hindi rin dahil sa mga kaibigan ko ay marahil matagal na akong sumukong mabuhay.
"Are you ready?" Mula sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari sa akin sa loob ng ospital ay tumingin ako sa kinatatayuan ni Rhaven. Yung kaisa isang lalaking hindi ako iniwanan sa loob ng isang buwang pamamalagi ko sa ospital.
Ang aliwalas lang ng mukha niya. Hindi ko alam kung ganito siya kagwapo sa paningin ko noong hindi pa nawawala ang memorya ko pero, sa sarili ko ngayon na siyang nakakakita sa kanya, masasabi kong isa siya sa mga pinakagwapong lalaking nakita ko.
Mula sa ngiting nakapinta sa kanyang labi ay biglang gumuhit ang kunot sa kanyang noo. "Is something wrong? Are you alright?"
Hahakbang na sana siya palapit sa akin pero agad ko siyang pinigilan. "Okay lang ako." I smiled at him to assure him.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na makapasok bago niya ako pagsarhan at pumasok sa kabilang pinto ng kotse.
"Leigh, everything is going to be fine." Paninigurado nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at tinanguan siya. "I know."
"Ito na ba yung street namin?" Tanong ko sa kanya. I looked to my side of the window at tinanaw ang bawat dako ng kalye.
I'm fascinated to know that this is where I used to live but nothing here rings a bell for me.
Ilang sandali ay tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay na mukhang isang ancestral house.
Bukas ang gate nito. Pinagbuksan akong muli ni Rhaven at inalalayang lumabas. May mga maids na sumalubong sa amin at inutusan ni Rhaven na kumuha ng mga gamit ko sa kotse.
Well, mukhang may kaya pala kami sa buhay.
Nahagip ang paningin ko sa isang malaking bintana sa may harapan ng bahay.
"Bat may hagdan dun sa bintana?" Nagtataka kong tanong at narinig kong mapaismid si Rhaven.
"Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ko rito.
"Because that ladder you were talking about? That is where you usually escape."
"Ganun ba ako kaadventurous dati?" I asked innocently.
"Well, let's just say that's just a small part of who you really are before." He smirked.
Naguluhan ako sa sinabi niya sa akin. What am I? Really? Sino ba talaga ako noon?
Pumasok kami sa loob at sinabihan niya na akong umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga.
Ramdam ko na rin naman talaga ang pagod mula sa biyahe. Simula noong naaksidente ako ay wala na ata akong ginawa kundi matulog ng matulog. Sobrang dali kong mapagod kahit sa mga simpleng bagay lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/21126510-288-k416952.jpg)
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...