TBC Chapter 23: Curiosities
Jen
"Can I slap her now?" nangangating tanong ni Steffi.
Kanina niya pa yan tinatanong. Baka daw kasi biglang gumising si Leigh at bumawi sa kanya. Naabutan kasi namin siyang walang kasama dito. Pero nagtaka ako nung hawakan ko yung kamay niya kanina. Ang init init kasi. Plano ko nga sanang magcamping kami dito para naman lagi siyang may kasama at magbantay sa kanya. Hindi naman kasi kami kailangan pumasok sa school. Wala kaming pinapangalagaang grades, so ayos lang na umabsent lalo na ngayon at mas kailangang mabantayan namin si Leigh.
Umangat ang tingin ko kay Steffi na kasalukuyang nakatingin kay Leigh with dead expression at nakatulala. "Kung ako sumapak sayo? Gusto mo?" nagpout naman siya at naupo sa tabi ni Leigh at kinuha yung cellphone niya. Ano naman kayang plano nitong gawin? Pinanood ko lang siyang kalikutin yung phone niya hanggang itaas niya ito.
"Say cheese!" ngumiti siya ng pagkalapad lapad at nagpeace sign sa itaas ng ulo ni Leigh. Narinig ko na lang yung click sound ng camera niya.
"Do you really have to do that?" I stared at her my arms crossed.
"Yeah. Gusto ko makita ni Leigh itsura niya habang tulog. Buti nga siya hindi siya naglalaway eh. Amaaazing!" tapos bumalik na yung tingin niya sa cellphone niya habang nakangiti. "Leigh I've downloaded some books. You like?" itinutok niya yung phone niya sa mukha ni Leigh kaya naliwanagan yun ng unti.
"Steffi, ilayo mo yan. Just read something for her."
"Ow, Okie. Hmm."
"Nga pala asan si Danielle, hindi ba siya pupunta ngayon?"
"Hmm, may exam siya sa advance class niya." hmm, oo nga pala nagtitake siya ng advance classes, mga subjects na hindi ko alam na nageexist pala. Matalino kasi talaga yun, minsan kinakati pag hindi nagsosolve ng problems. Problema na nga mas lalong pinoproblema. Hayy..
Pinakinggan ko lang si Steffi na magbasa.
"Teka, ano yang binabasa mo?" medyo nagtataka kong tanong. May pagka ano kasi. Napatingala naman siya sa akin tapos napakainosenteng sinagot ang tanong ko.
"Fifty Shades of Grey." muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa sinabi niya.
"Bat yan ang binabasa mo??" nangibit balikat siya.
"Maganda daw to!"
"Anong maganda?? Ang bastos niyan! Wag yan ang basahin mo kay Leigh!"
"Bakit nabasa mo na?" napataas yung kilay niya at naglean forward sa akin.
"Hindi kaya!"
"Oohh, Leigh, si Jen oh nabasa niya na.."
"Hindi nga sabi!"
"Wala na. Huli ka na Jen." napatayo ako at gusto kong sapukin sa labi tong si Steffi. Hindi ko naman binasa eh. Hindi ko kaya natapos. Tss. Hindi pa man din ako nakakatayo eh tumakbo na agad siya. Naupo na lang ulit ako habang siya tumatakbo pa rin. Pinanood ko siyang tumakbo gang lumingon siya sa akin.
"I thought you're gonna ..." napatigil siya.
"I'd rather watch you wear yourself off." I smirked and shrugged.
"You sne--" hindi niya na natapos yung sasabihin niya nang may marinig kaming katok.
Napatingin kami sa pinto at nakita ang isang lalaking may kulay puting buhok at may hawak na basket na puno ng bulaklak.
"I hope I'm not interrupting something?" ngumiti siya at parang signal yun para mapatayo ako.
"Sino ka?" pagkatapos kong tanungin yun basta basta na lang siyang humakbang at pumasok sa loob. Aba't ang kupal din nito ah.
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...