TBC Chapter 53: End

516 9 3
                                    

TBC Chapter 53: End

Third Person POV

5:30AM

Hindi nagpalagpas ng kahit isang segundo si Jen at agad niyang kinuha ang baril sa ilalim ng kanyang unan at walang ano anong itinutok ito sa isang hulma sa gilid ng kanyang kama matapos makarinig ng kaluskos mula dito.

"Miss." Bigkas ng isang mahinahon ngunit matalas na boses mula sa dilim. Tanging liwanag lamang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kuwarto.

Bumuntong-hininga si Jen bago maisapo ang kamay sa isa nitong mata.

May mangilan ngilang salita ang binibigkas ni Jen bago ituon ang buong diwa nito kay Haruna.

Kasalukuyan itong nakayukod sa isang tuhod habang nakatingin sa baba.

"May balita na ba?" Tanong ni Jen dito.

"Based on my intel, there has been a flight to Tokyo, Japan." Umpisa ni Haruna at ang mga sumunod pa nitong sinabi ang nagpawala sa pakiramdam ni Jen. "Miss Takei was one of the passengers together with a Kaishi Fukuara."

"So she was kidnapped after all."

"She was drugged." Nilingon agad ni Jen si Haruna at kasabay noon ang pagsalubong nito sa mga tingin ni Haruna.

Si Haruna ay mayroong peklat sa kanang mata nito na naging dahilan upang magmukhang matapang at may edad ito kumpara kay Jen. Pero kung tutuusin ay tatlong taon lamang ang tanda nito sa dalaga.

"She looked weak and was being held based from the footages." Dagdag pa ni Haruna.

Natahimik si Jen. Bigla siyang nanlumo sa kanyang nalaman. Iniisip niya kung anong sumagi sa isipan ni Leigh, kung paano ito naisahan ng ganoong kasimpleng bagay.

Sure she's got amnesia but what the hell Leigh!?

Anong mayroon si Kai at ganoon na lamang ang tiwala mo sa kanya? Red string of fate? Fuck.

Nabuburyong si Jen kakaisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. Masaya sila dati. Silang apat nila Leigh, Danielle at Steffi. Masaya sila kahit na puro kalokohan lang ang ginagawa nila hanggang sa mangibang bansa si Leigh at muling bumalik ng Pilipinas. Bakit parang biglang nag-iba? Pakiramdam niya ay nagkakanya kanya at nagsosolo na ang mga ito.

Anong marapat niyang gawin? Mataas ang tingin niya kay Leigh. Fuck she looked up on her. Combat skills, driving adeptness, charm, and a picture perfect family. Things she'll kill to have especially the latter.

Napatakip siya sa kanyang mukha habang hinahayaang tumakip dito ang ilang hibla ng kanyang buhok.

"Book me a flight."

"Yes Miss."

***

Ho Household.

Kasalukuyang nasa labas ng bakuran si Steffi at nagtatanim ng panibagong halaman sa isang bagong kalaykay na lupa. Nakasuot ito ng isang puting bestida at isang straw hat na humaharang sa mainit na araw. Pinunasan niya ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo gamit ang kanyang palapulsuhan, habang iniiwasang dumampi ang suot niyang guwantes sa kanyang mukha.

"Anak, halika na muna at magmeryenda."

"Andyan na mommy." Ani nito habang suot suot ang malambing nitong ngiti.

Pahakbang na sana siya ng biglang humangin ng malakas. Agad nitong hinawakan ang straw hat na suot suot nito upang hindi ito liparin.

Hindi niya alam pero bigla niyang naramdaman ang kagustuhan nitong tumingala sa kalangitan at doon nakita niya ang isang eroplanong nang-iiwan ng bakas nito sa kalangitan.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon