TBC Chapter 15: Unconsciously Falling Apart

1.3K 39 3
                                    

TBC Chapter 15: Unconsciously Falling Apart

Hindi ko na naitanong kay Rhaven kung ano dapat yung itatanong niya sa akin kagabi dahil nauna na daw siyang lumabas at hindi nagpaalam kung saan pupunta kaya ipinahatid na lang ako ng mommy niya sa driver nila pauwi ng bahay.

Mag-aalas nueve na rin nung makarating kami sa street namin at hindi pa man masyadong nakakalapit sa mismong kinatatayuan ng bahay ay may naaninag na akong kung anong nakapark sa harapan ng gate namin.

Isang motorbike at may kasalukuyang nakasakay doon at parang nakaubob sa may stirring nito kaya hindi ko masyadong makilala at hindi ko makita yung ulo.

"Mam, andito na po tayo." tumigil kami sa mismong likuran nung motorbike at parang unti unti kong nakikilala kung sino yung nakasakay doon. Nagpasalamat ako sa driver sa paghahatid niya sa akin sa bahay at agad na bumaba kasama yung paperbag na pinaglagyan ko ng uniform at dress pati na rin yung bagpack ko.

Naglakad ako papalapit at tumigil sa may gilid nung bike.

Napangiti ako ng sobrang lapad.

"Hi." bati ko sa kanya at sinukbit ng mas maayos yung dala kong bagpack.

Unti unti niyang iniangat yung ulo niya mula sa pagkapatong nito sa mga braso niya at mabagal na napatingin sa akin. Nakita ko ang unti unting pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Hi." Matipid na tugon niya sa akin bago maupo ng maayos. Napatingin ako sa porma niya at nakawhite semi fitted t-shirt lang siya at faded jeans.

"Anong ginagawa mo dito Cloudy?"

He smiled and shoved a hand in his pocket.. "Uhm, date tayo.."

Sinapak ko nga ng isa.

Natawa siya bigla nung makabawi siya sa ginawa ko. Talagang sinapak ko siya eh pero hindi naman ganun kalakas na matutumba siya sa motorbike niya.

"Ikaw naman kinilig ka agad." matawa tawang sabi niya. "Bilis na. I want to bring you somewhere."

"Sige na sabi mo eh."

Nagpaalam muna akong maliligo at magpapalit ng damit since itong suot suot ko ngayon ay bigay ng mommy ni Rhaven at dahil na rin sa kailangan kong itago sa isang safe na lugar yung nakuha kong ebidensya para hindi mawala pero ang adik na si Cloudy sabihan ba naman akong hindi ko na daw siya kelangan pag-alayan ng oras para magpaganda? Tss, kalokohan.


"San ba kasi tayo pupunta at pano mo nalaman kung asan yung bahay namin?" Tanong ko sa kanya habang nakaangkas sa motor niya. Wala naman kasi akong natatandaang sinabi ko sa kanya yung address ko eh at sa L.A lang kami nagkakilala at ngayon lang talaga siya nakapunta sa amin.

"Hmm?" napatingin siya sa side mirror at ngumiti. "Tinanong ko si manang bago ako bumalik dito sa Pilipinas." ah kaya pala.

Hindi tulad namin ni Rhaven ay maayos kaming nagkkwentuhan ni Cloudy habang nagkasakay sa motor niya. I asked him how he's doing in school at ang napakagandang sagot.

"We don't usually go to class." kapareho lang pala namin sila. Puro cutting ang ginagawa. "Nga pala may itatanong sana ako sayo." seryoso yung boses niya pagkasabi nun.

"Shoot" sabi ko.

"Kasama mo ba si Rhaven kagabi?"

"Yeah, why?" I exhaled. Nakasandal ako habang nakapikit sa likod niya pero hindi ako nakayakap sa kanya. Paanong hindi ako nahuhulog? Years of training. Nah, I dunno.. Works of resistance maybe? Hindi naman kasi siya mabilis magpatakbo ng motor eh.

Pagkatapos kong sumagot hindi ko na siya ulit narinig na magsalita. Naramdaman ko lang yung paggalaw ng likod niya sa may pisngi ko na parang napabuntong hininga siya. Hindi na lang ako umimik dahil wala akong maisip sabihin hanggang sa narinig ko na lang na mamatay yung makina at tumigil na kami sa pag-andar.

"We're here." pagkasabi niya nun minulat ko na yung mata ko at nakita ang buong paligid.

"Highlands?" tanong ko. Tumigil kami sa isang baseball pit kung saan automated yung pitcher at nasa iyo yung pagpalo sa bola. Halos wala pang masyadong naglalaro dito. Siguro mga tatlo lang mga ganun. Kitang kita kasi yung bawat station sa kinatirikan ng motor.

Bumaba ako na sinundan din naman niya. Naalala kong ito pala ang pampalipas oras ni Cloudy dati pag wala na talaga siyang magawa.

Hinawakan niya yung kamay ko na ikinagulat ko dahil kasalukuyan akong tumitingin ng magandang station na pwedeng mapaglaruan. Aba, kung maglalaro siya, dapat ako din. Besides, we always play side by side before in L.A then keep track of each other's points. Since asa Highlands kami, pangalan na kinuha sa prefecture nitong kinaroronan namin which is mataas ngang lupa compared sa subdivisions sa baba namin, gusto kong piliin yung station na may view ng buong suburbs.

Napatingin ako sa kanya at idinulas niya yung kamay niya sa may buhok ko. Seryoso yung itsura ng mukha niya.

"Nagpakulay ka ba ng buhok?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. Yun lang pala, akala ko naman kung ano na yung sasabihin niya. Bumaba yung tingin ko sa buhok ko. Oo nga pala bumalik na ito sa pagkaunat pero andun pa din yung highlights na nilagay.

"Matatanggal din yan." walang pakialam kong sagot coz eventually it would come off naturally.

Moments of silence at naramdaman kong tinanggal na niya yung pagkakahawak sa buhok ko. "It suits you..." sabi niya. What's up? Pakiramdam ko parang naeewan ako ngayon sa presence ni Cloudy. Magseseryoso, magloloko tapos balik seryoso na ulit. Nakakain ba to ng kung anong abnormal na pagkain?

Just when I was about to get serious and thank him.. "Halika na baka lumaki yang ulo mo." tapos hinila na niya ako at ipinasok sa isang station at sinaraduhan. Pumasok naman siya sa kabila at kinuha agad yung isang baseball bat.

"Anong sinasabi mong baka lumaki yung ulo ko?" nakasimangot kong sigaw sa kanya. Pero tumawa lang siya bago sumeryoso yung mukha. See? Madness!

"Baka kasi pag sinabi kong gumanda ka, hindi ka na makapag-isip ng maayos!"


Kahit magkaiba kami ng station, makikita pa rin yung bawat galaw ng isa't isa dahil parang ilang patong lang naman ng chicken wire yung nagsisilbing pagitan ng bawat station kaya nakikita ko pa rin yung mga facial expression na ginagawa niya. "Like what I've said.. Now, you're looking like a shy tomato."

"Anong pinagsasabi mo? I look nothing near to a shy tomato!" I crossed my arms and turned my back to him. Mukha ba talaga akong kamatis? Hindi kaya ako affected.

"Anyway, maganda ka." ano bang pinagsasabi nitong Cloudy na to. Nilingon ko siya at nakitang nakaporma na siya nang titira "First 1 to get 50 points gets to be treated to lunch" 

Ngumisi ako at kumuha na rin ng sariling bat at pinaikot yun bago ko ituro sa kanya.

"Game on!"



Roue

Napaisod ako ng unti para makuha yung phone sa may likod ng pantalon ko. Nagvibrate kasi.

Tinignan ko yung screen at nakitang tumatawag si Rhaven. Ano kayang kelangan nito? Sinagot ko na lang at tinapat sa tenga ko.

"Oh, Rhaven!"

[Clubhouse, Now..]

Napatitig na lang ako sa screen ng phone ko dahil pinatay niya agad. Tumawag pa siya para sabihin yung dalawang salitang yun. Binalik ko na yung phone sa bulsa ko at umangkas na ng motor. Medyo napangiwi na lang ako nang makita sa side mirror ko yung isang papaakyat na puting motor. Pataas kasi yung kalsada dito sa pinagparkingan ko eh kaya mabilis mapansin kung may paparating na sasakyan.

Tignan mo to, mas rebelde pa pala sa amin to eh. Hindi na naman kasi siya nagsuot ng helmet. Lilingunin ko na sana para batiin kaya lang napatigil ako ng makitang may angkas siya. Mukhang babae. Uy, ngayon ko lang nakitang mag-angkas ng babae tong si Cloud ah. Mukha pang masaya siya. Aguy, umiibig ang walang hiya.

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang paningin sa babaeng inangkas niya nung mapadaan sila sa harapan ko. Mukha namang hindi ako napansin ni Cloud dahil nakatingin lang siya ng deretso sa kalsada.

Nakapikit yung babae habang nakasandal sa likod ni Cloud. Mukhang pamilyar yung mukha niya.

Teka yun ba yung girlfriend ni Rhaven?

Hindi naman siguro malabo yung mata ko di ba para hindi siya makilala?

Pinaandar ko na yung motor at niliko pabalik ng Silver High.


"Oy Rhaven, keaga aga nakabusangot ka na naman!"

"Hindi ka na ba nasanay Spike? Dati pa naman ganyan yan eh."

Pagkapasok ko yan agad yung nadatnan ko. Nakabusangot nga si Rhaven habang yakap yakap yung isang binti niya na nakataas na naman sa sopa. Mukhang malalim yung iniisip niya kaya hindi niya napapansing pinagtsitsismisan siya nung dalawang baliw na kasama niya.

Napaangat siya ng ulo at parang biglang bumaon yung mata niya sa balat ko. Kung makatitig talaga to parang papatay.

"Sit down Roue." kung makapang utos din. Hayy, mabuti na lang talaga mabait ako. Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo di kalayuan sa kinauupuan niya.

"Trip, Spike labas muna kayo." utos ko sa dalawa.

"Hanu ba yan! Di pa namin tapos yung nilalaro namin,. Kayo na lang lumabas. Mag-uusap lang naman kayo." sagot ni Trip.

"Kung basagin ko sa pagmumukha niyo yang tako? Ano?"

"Sabi ko nga sayo Trip ha, umalis na tayo di ba?" panggatong ni Spike tapos hinila na niya si Trip palabas ng club house.

Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin kay Rhaven. Nakalagay yung dulo ng hinlalaki niya sa pambabang labi niya at ang talas talas ng pagkakatingin sa kawawang langgam na tumatawid sa ibabaw ng tuhod niya.

"Bat ka biglang nagpatawag?" kako pero hindi siya umimik.

Minsan akala ko may pagkabingi to si Rhaven eh kasi hindi sasagot tapos pag siya yung magtatanong dapat sasagot ka agad kundi uumbagan ka niya. Natulala na lang ako nung bigla niyang pitikin yung kawawang langgam sa tuhod niya. Nangalumbaba siya at pinatong yung kanyang siko sa tuhod niya nung magpalit siya ng posisyon at nagcrosslegs. Wala na naman siyang suot na sapatos.

Napatingin siya sa malayo at biglang bumuntong hininga.

"How would you know if you like someone?"

Kung kanina natulala ako, ngayon parang gustong bumagsak ng panga ko sa sahig sa narinig ko.

"Teka," napaharap na ako sa kanya at ipinahinga yung isang binti ko sa sopa para mas makaharap ako ng maayos. "Anong sabi mo? Sandali, seryoso ka na ba talaga sa girlfriend mo?" medyo hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Bigla naman kumunot yung noo niya at tinignan ako.

"What girlfriend?" kukutusan ko to eh. Nag-announce announce na may girlfriend tapos hindi alam?

"Si, Leigh ba yun? Yung dinala mo dito? Speaking, nakita kong kasama siya kanina ni Cloud ah." tapos parang kidlat sa bilis na napatayo siya. Mukhang wrong move ah. Pero bumalik din agad siya ng upo at ipinatong yung mga siko niya sa magkabilang tuhod. Parang ang lalim na naman ng iniisip.

Hindi ko talaga maintindihan tong si Rhaven. Para siyang may topak. Ngayon ko nga lang to nakitang magkaganito eh. Yun bang akala mo susugod tapos parang aatras? Eh sa totoo lang basta niya na lang ginagawa yung gusto niya ng hindi na pinag-iisipan kung makakabuti pa ba yun o hindi sa grupo. Pero hayaan na nga. Bahala siyang buruhin yung utak niya dito.

"What to do?" rinig kong bulong niya. Nakalagay na naman yung dulo ng hinlalaki niya sa ibabang labi niya at parang ang lalim ng iniisip.

Bigla akong napasnap ng daliri "Teka? Tinamaan ka no?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya pero yung mukha niya parang hindi niya naintindihan yung sinabi ko. Ay tanga. Oo nga pala walang alam sa pag-ibig ang isang to.


Leigh

Napahigop ako ng ramen ng wala sa oras. Di bale masarap naman eh.

"Kuya isa pa nga pong order dito!" tawag ko dun sa isang waiter na nagpupunas ng mesa sa tabi bago tuluyang ubusin yung isang bowl ng inorder ko kanina.

"Hey, wag masyadong madami. Mauubusan ako ng pera eh." nakangiwing sabi ni Cloudy. Napaismid na lang ako. Siya mauubusan ng pera? Imposibleng mangyari yun. Mayaman kaya siya.

"Bakit kasi ikaw pa nagpresentang manlibre. I was the one who lost the game right?" nung matapos yung round, ang final score ay 61-22. In favor kay Cloudy.. Alam ko, hindi ako gaanong kagaling sa pagpalo ng bola. Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya yung nanlilibre ngayon eh.

"Hindi ko hinahayaang ang babae ang gumastos sa first date namin." napaangat naman ako ng tingin sa kanya at nakitang seryoso yung mukha niya.

"Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong.

Napapfft lang siya bago sabihing, "I can joke right?" natatawang saad niya pero sumeryoso ulit yung mukha niya bago itabi yung pinagkainan niya at maglean sa mesa. "Seriously..Have you moved on?" 


Nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong..

Move on.. Dalawang salitang sa tingin ko eh hindi ko na ata magagawa. Bakit ba niya biglang inungkat ang tungkol doon? Di ba nga matagal na yun at kelangan nang binabaon sa limot at hindi na dapat pang pinag-uusapan?

I remained silent until he broke it. "Sorry, hindi ko alam bakit ko biglang nasabi yun. Kaya lang kasi, mukha ka nang masaya. I thought, you've forgotten and you're already with Rhaven so..."

I looked up at him and gave him a wry smile while wrapping my hands around myself.

"I could never forget Cloudy... I can only pretend..."

(c) lyra_shin

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon