TBC Chapter 52: We Wait
Jen's POV
"Ano na?"
"Wala daw siya eh. Hindi nauwi kagabi."
"Hala, baka nakidnap na siya!"
"Tumahimik ka nga Steffi."
"Alam niyo girls, hindi ba kinidnap na siya dati ni Rhaven?"
Steffi actually made a point for the firts time.
"Oh baka kinidnap ulit siya ni Rhaven?" sabi ko naman.
Steffi actually rolled her eyes on me. Seryoso?
"Bakit niya kikidnapin si Leigh, eh di ba galit siya kay Leigh kasi nga nagjejelly last time?"
"Eh ano ba kasi ang gusto mong sabihin?"
Bumuntong hininga si Steffi na para bang ang slow ko. Siya pa talaga may karapatang mangganyan ha.
"What I'm trying to say ay hindi yun imposible sa kinakaharap natin ngayon. Daybreak is on to her na hindi man lang natin alam kung kailan sila ulit aatake, Shiori wants to crush her in the volleyball court and Kai's real identity." Agad na napatakip ng bibig si Steffi gamit ang dalawa niyang kamay.
"Ano yung sinabi mo?" Nanliit ang mga mata niya and she's currently staring on her nose.
"What about?" ipit ang boses nito kaya mas lalong halata na may itinatago siya.
"About Kai! Ano pa nga ba?"
Minsan talaga ang galing tumiming ni Steffi. Kung kailan mo kailangan ng honesty niya doon naman siya nagmamatigas.
"Alam niyo this is not the time to talk about nonsense." Nilingon ko si Danielle ng marinig ko iyon.
"Anong nonsense? May alam si Steffi na hindi niya sinasabi sa atin teka, baka naman pati ikaw alam mo din?"
"Okay! Sasabihin ko na!" Pikit matang sabi ni Steffi.
Napansin ko namang mapairap at umiling na lang si Danielle nang marinig ang sinabi ni Steffi.
"Secret talaga! Aray!" Binatukan ko nga ng isa.
"Alam mo Steffi matagal na akong nagtitimpi sayo eh. Hindi ito ang panahon para sa ganyan mo."
"Sorry naman." Ani niya habang hinihimas yung parte ng ulo niya na binatukan ko.
"Ang totoo niyan, si Kai ang ex ni Leigh."
Natameme ako sa sinabi ni Steffi. May naging boyfriend siya dati? Bakit parang ngayon ko lang nalaman ito? Akala ko ba matalik kaming magkaibigan? Pati sa lahat ng tao kung kanino ko malalaman bakit kay Steffi pa? Ibig sabihin ba nun ay mas pinagkakatiwalaan ni Leigh si Steffi sa mga ganoong klase ng bagay? Dahil ba iyon sa may boyfriend na din si Steffi? Ibig sabihin ba nito napag-iiwanan na ako?
Arrgh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bat ako nag-iisip ng mga ganitong bagay? Hindi ako ito! Hindi ako!
"Huy, nakikinig ka ba Jen?" Winagayway ni Steffi ang kamay sa harap ng mukha ko kung kaya agad ko iyong hinampas palayo.
"You guys, we should find somewhere safe to discuss that." Pagsasatinig naman ni Danielle.
Kasalukuyan kasi kaming nakatayo dito sa harap ng bahay ng mga Takei matapos kong tanungin yung maid nila kung asa bahay si Leigh. Plano sana namin siyang imbitahan na umalis, maglagalag ba. Tulad ng mga ginagawa namin dati, gusto lang namin ibalik yung bonding namin. Simula kasi nung nagka-amnesia siya at dumating yung Kai na yun eh naging mailap siya sa amin. Yung tipong na andyan siya pero yung wala iyong pakiramdam na magkaibigan pa kayo? Sa tingin ko ay mas lumayo ang loob niya sa amin. He's been hanging out with that Kai more than us coz there's a deeper reason to that.
Mayroon silang red strings of fate. Pwe. Iyong pulang lubid na nagkokonekta sa dalawang tao ika nga. Kahit na saan sila pumunta ay babalik at babalik sila sa isa't isa. Akala ko cliche masyado yun pero pupwede pa rin palang mangyari.
"So, si Kai at Philip ay iisa." Pag-uulit ko sa sinabi ni Steffi.
Andito kami sa dati naming tinatambayan sa tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa amnesia ni Leigh. Binabalik balikan ko kasi yung coffee jelly dito eh.
"Uhuh. Pano mo naman nalaman ang tungkol diyan?"
Pagkatanong ko pa lang ay biglang namula ang mukha ni Steffi sabay napayuko.
"Kay Time?" Tanong ko naman. Kay Time lang naman yan nangangamatis ng ganyan eh.
"Hindi."
"Eh kanino?"
"Sek-re-to."
"Sasabihin mo o maliligo ka ng milktea?"
"Ihhh! Sasabihin ko na. Sasabihin ko na!" Ibinaba ko yung baso at saka bumalik na sa pagkakasandal ko.
Itong babaeng ito kailangan pang tinautakot bago magsalita eh.
"Si Cloud nagsabi sa akin. Nung mga panahong asa hospital pa si Leigh. Huhu."
Yeah right. That mysterious guy. Sino pa nga ba? Mukhang madami siyang nalalaman kumapara sa amin ah.
"Simula noong kinuwento niya sa akin ang tungkol sa love story nila ni Leigh at Philip, pinaimbestigan ko sila okay. Naintriga kasi ako eh. Alam niyo namang ayokong nahuhuli sa mga balita tungkol kay Leigh eh." Mahaba niyang litanya sabay iyak.
Narinig ko namang mapabuntong hininga si Danielle. So she knows huh. Yep, paanong hindi niya malalaman agad eh close na close sila ni Steffi simula pa naman nung bago sila pumasok sa grupo namin. Ako na lang ata talaga ang napag-iiwanan.
"Are we done with the story telling?" pagsasaboses ni Danielle. Kanina pa siya ganyan. Hindi ko mapinpoint kung bored na bored na ba siya or may lakad eh. Kanina pa siya mukhang nagmamadali.
"Do you have something in mind?"
"Nothing much. Sa tingin ko ay kailangan na nating tawagan si Rhaven."
"Bakit?" With our connections, we can easily trace Leigh kahit asan man siya. I can call Haruna and put an end to this.
"Hindi natin ito pwedeng iasa sa officials. This is our fight. We just need extra hands to do the dirty work and based on Rhaven's personality, it will not be as hard as we thought it would be."
Tss. If you guys only know, my hands were dirty ever since. I shook my head internally.
Kinuha ni Steffi ang number ni Rhaven mula kay Time.
Nakailang tawag kami bago tuluyang sagutin ni Rhaven ang telepono.
"Si Leigh. Nawawala si Leigh. Kung saan saan na kami naghanap. Hindi niya sinasagot ang phone niya."
Teka, huminahon ka.
"Leigh has been kidnapped."
"Okay."
Binaba ko na ang tawag at saka tumingin kila Danielle.
"Kailangan ko ba talagang sabihin na nakidnap siya? Ni wala nga tayong proweba na nakidnap nga siya eh."
"Tama lang yun. Para naman gumalaw galaw si Rhaven, aba napag-iiwanan na siya no. Bumalik na ang ex ni Leigh. He's already a few steps behind." Ani Steffi. Kailan pa naging expert sa love ang babaeng to?
"Anyway, ano nang plano?"
Inayos ni Danielle ang kanyang salamin at saka tumingin sa akin. "We wait."
But I'm Jen, I don't wait. I texted Haruna and ordered him to make a full scale search on Leigh. Hopefully matapos siya before the daybreaks.
***
A/N
A couple of chapters or so, I'll be cutting this story, PERO, hindi po iyon ang ending. It can be an ending if you feel to stop reading na.
Anyway, ramdam niyo naman na ang crappy ng mga updates. T_T
Kaya naman I feel na dapat tapusin na to at some point pero I'm planning on opening Part 2 for this. Let me know what you think about it. Thanks!
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
AcciónCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...