TBC Chapter 1: The Devil's Back

6.5K 92 4
                                    

TBC Chapter 1: The Devil's Back

Kahit na inaantok ka paniguradong magigising ka sa sobrang ingay ng tatlong to.

"We're so happy you're back in the Philippines. Buo na ulit ang LD!"

"Oo nga!"

"Let’s put it in!”

"1,2,3"

"Jen!"

"Steffi!"

"Danielle!"

..At dali dali silang nagpose ng mga seductive poses nila habang sinisigaw ang mga pangalan nila. Well si Steffi lang naman ang may feel gumawa nun tapos pinapanood lang siya nung dalawa habang tumatawa.

Buti na lang talaga wala nang natirang tao dito sa classroom kundi nakakahiya itong tatlong to. Pinalayas kasi nila silang lahat para makapag alone time daw kami. Hindi ko din naman masisi kasi ngayon lang ulit kami nagkita kita.

"Uy ikaw na!" siniko ako ni Jen at nakita kong yung mukha niya ay parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Napapikit na lang ako sunod ng pagbuntong hininga.  

"Ashleigh." walang buhay kong sinabi

"Napakawalangbuhay mo naman Leigh. Ano bang nangyari sayo? Itago mo nga yang cp mo, kanina mo pa yan hawak hawak eh." Biglang hinablot ni Jen yung cp na kanina ko pa tinititigan. Hindi kasi ako mapakali eh, may gusto akong marinig ang boses pero alam kong imposible nang mangyari.

"Give me it." seryoso ko siyang tinitigan habang nakalahad yung kamay ko sa kanyang harapan. Tinignan niya din ako ng ilang segundo kaya napataas ako ng kilay at pagkatapos nun ibinalik din niya agad yung cp ko.

"Bakit ba kasi biglang lipad mo dito sa Pinas?" tanong niya habang nakacross arms.

"Ayokong pag-"

Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay pinutol na agad ni Steffi. "Girl's gawin na natin yung dapat na kanina pa natin ginagawa" biglang siyang tumayo at agad na lumabas ng classroom na sinundan naman nila Jen at Danielle.

Tignan mo to, sa dalawang taon na ipinamalagi ko sa ibang bansa hindi pa rin nagbabago babaeng to. Ang hilig pa ring sumingit. Pero actually maganda na rin yun. I don't wanna talk about it. Just thinking about it, it's like I'm gonna go crazy or something.
 
Nagulat na lang ako nung bigla akong balikan at hilahin nila Jen.

"San ba tayo pupunta?" walang gana kong tanong sa kanila. Inaantok pa kasi ako. May jetlag pa ata ako. It took me a month pagkarating ko dito. Isang buwan bago ako ulit mag-enrol dito sa academy at makipagkita sa mga kaibigan ko.

"San pa ba?" nagcross arms si Jen at pinandidilatan ako ng mata. Aba malay ko ba sa mga to.

Umabresyete sa akin sila Danielle at Steffi hanggang sa makababa kami ng hagdan at dumeretso sa lounge. Ito ay isang lugar kung saan may mga mesa at upuan na gawa sa mga kahoy at natatamnan ng mga nagsisilakihan at nagsisitaasang mga puno.

Tumigil sa paglalakad sina Danielle at Steffi kaya pati ako napatigil din since hawak nila ako.

Nanguna si Jen sa paglalakad.

May ibang tinitignan sina Danielle at Steffi habang nakangiti. Alam ko tong ganitong itsura nila eh. Mukhang may pinaplanong na naman silang hindi maganda. Sumenyas si Jen na parang ang ibig sabihin ay 'go' at nabigla na lang ako ng malakas  akong tinulak nila Steffi at muntik na akong matapilok. Buti na lang may pumigil ng pagbagsak ko.

"What the F!?" medyo nagpantig yung tenga ko sa malakas na sigaw na yun.  "Can't  you see I'm making lakad here and then you're making sunggab sunggab to me? You wanna make me sakal you??"

Umangat ang tingin ko at isang bata lang pala ang nakabangga ko. Isang bata na pinaglihi sa clown at mukhang naghahanap siya ng away. Pero dahil good girl na ako ay papalampasin ko na lang ang kawalan niya ng galang.

Wala akong ganang makipag-away ngayon okay? Umiwas ako at tumalikod para sana bumalik sa kinatatayuan nila Danielle which was sa likod ng punong acacia. Narinig ko silang mag-gasp sa di kalayuan. Natigil na lang ako sa paglalakad ng may humawak sa akin at hilahin ako paharap sa kanya.

"Don't be bastos nga! I'm making kausap to you then you make talikod to me!" she shrieked. "Why are your eyes so nanlilisik?" Pinamewangan niya ako at pinagtaasan ng kilay. "Why is everybody so inggit ba? Am I that so maganda?" nagflip pa siya ng hair at inismidan ako. All that and I just stared at her.

Umayos ako ng tayo at hanggang balikat ko lang pala siya. "Sana naman kumain ka muna ng konting manners bago ka pumasok dito bata."

"Ooh, here she comes" rinig ko ang excitement sa boses ni Jen

"She's gonna blow!" wika naman ni Danielle na muntikan ko nang hindi maintindihan dahil sa malayo silang dalawa ni Steffi sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na lang pinansin yung pinagsasabi nilang dalawa at patuloy na nakipag-usap sa bata batutang asa harapan ko na may kasamang dalawang alipores sa likod niya.

"And  for what is worth , speak  straight english  midget. You're so conyo it hurts my ears. You know," I smirked . "You should have just shut that big mouth of yours." Nilapit ko yung mukha ko sa kanya pagkatapos kong lumebel sa tangkad niya at sinabi ko ang mga sumunod na salita habang mabagal na umiling.  "You don't belong here. So, you better drop it before you get to my nerves."

After that, mukha namang hindi natinag ang batang kaharap ko and I’m gonna give that to her. Mukha talagang clueless siya sa binabangga niya."Why? Who are you ba? And, and why are you talking to me like that? You're so kapal!" nagcross arms siya habang sinusuri ako mula ulo gang paa. Bigla siyang hinila palayo nung isang kasama niya at nagbulungan. Pinanood ko lang silang bumuo ng isang maliit na circle habang nagbubulungan.

Yes, they may be whispering but I can still make out of the things they’re saying.

"Hindi mo ba siya kilala?" sabi nung babaeng nakabob cut na palihim na tumingin sa akin pero binawi niya agad ito.

"The hell I care!" sigaw ni midget girl kasabay ng pagflip ng kulot niyang buhok.

Mukhang clueless din yung kasama din nilang isa at umiiling iling pa bago sabihin ang… "Ako din hindi." She kinda remind me of Steffi.

I shoved the thought away when I heard the midget girl snap at the bob cut girl. "Stop na nga! If you want to stay sa group. Don't make hila hila to me when I'm nakikipag-usap. Okay?" tapos tinulak niya siya.

Tss. Anong klase na baa ng mga kabataan ngayon? Mukha silang mga losers na nagsusunud sunuran sa isang bitch na akala eh sisikat din sila pag ginawa nila yun.

Nung natapos sila, naglakad si midget girl papalapit sa akin. "So who are you ba?"

"Tiffany, wag ka makipag-away sa kanya" bulong nung bob cut girl habang nakahawak sa balikat ni midget girl pero mabilis niya iyong hinawi at sinigawan ang kawawang alipores niya.

"Don't make pakialam nga!" pagkatapos nun ay muli niya akong nilapitan. Mukhang hindi siya magtatanda hanggang hindi sya nasasaktan pero dahil mabait ako, siyempre pagsasabihan ko na lang muna.

Nginitian ko siya at bumulong "I'm the resident devil midget. I own this place, I rule this school and all of you are my slaves. So if you don't show respect, you're gonna see what it's like in hell. Got...it?" Humiwalay ako at nginitian ulit siya then nakita ko yung bibig niya ay nagform into a perfect "o" habang nakakunot yung kilay niya.

"You!" Turo niya sa akin. "How dare you!" akmang sasampalin niya na sana ako pero nahawakan ko agad yung kamay niya.

"Too slow!" I said and then slapped her hard with my other hand. Sa sobrang lakas nakuha lahat ng atensyon ng mga taong kumakain sa di kalayuan. Biglang tumahimik ang paligid at humangin.

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya pero she’s just too weak and I’m gripping real hard on her wrist. This might leave a mark like that red palm evident on her right cheek.

Hinintay ko yung oras na ibigay niya ang todo niya para makawala sa pagkakahawak ko at nung dumating yun binitiwan ko agad siya dahilan para mapaupo siya sa lupa. Biglang umalingawngaw ang tawanan sa paligid dahilan para mas mamula pa yung pisngi niya sobra pa sa dulot ng suot niyang blush on at ng sampal na tinaggap niya sa akin. Medyo pumantay nga eh.

"Uggh! This is so nakakainis! ...Girls!" itinaas niya ang dalawa niyang kamay and as if on cue nilapitan nila agad siya at itinayo. Pagkatayo niya medyo lumilingon lingon siya.

"Aww, you gonna cry?" I pouted my lips as I gave her the puppy dog eyes and an evil grin hiding on the corner of my lips.

"You!" halos pumiyok na siya sa sigaw niya. "I hate you na! Oh you're so gonna pay! Tara na nga girls!" padabog siyang umalis kasama yung mga alipores niya. Pero bago makaalis yung nakabob cut na babae, yumuko muna siya sa akin at tinanguan ko lang siya saka niya hinabol yung unanong leader nila. 

"Yeyy Leigh!" narinig kong sigaw sigaw na papalapit sa akin at naramdaman ko na lang yung biglang pagyakap ni Steffi sa gilid ko.

"Ahh! Hindi pa rin nagbabago yung sampal mo! Naramdaman ko hanggang sa kinatatayuan ko kanina! Lakas!" Sinundan ko lang ng tingin si Jen habang nakacross arms siyang palapit sa amin.

Nahagip ng paningin ko ang pagtitig sa akin ni Danielle na para bang pinagdududahan niya ang kinikilos ko. "I know right. Pero muntikan mo na siyang hayaan nung una. Bakit parang may iba sayo?" tugon niya.

Yeah. It has been a long time already. Hindi ko na gawain  ang mang-away, hindi ko na gawain ang manapak. I just hate conyos that much so medyo pinatulan ko yung bata.

Pero dahil mas gusto kong wala silang alam ay hinayaan ko na lang ang komento niya. "Bakit niyo ba ko kasi tinulak?" pag-iiba ko ng usapan.

"Eh kasi we hate that beyotch kasi. Nagrereynareynahan dito since nung makaapak dito and we know you hate conyo so... Thanks Leigh!" sabi ni Steffi at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Tinulak ko siya palayo, may balak atang patayin ako eh.

"You should have taken care of her since"

"Eh, tinatamad kasi kami eh. Hihi" hagikhik ni Steffi.

I just rolled my eyes. Why did I even bother coming back here? Yeah, I had something I wanted to forget and coming back here is the only way to do that. My last six months in L.A was a living hell I almost wanted to die. Seesh that's so emo. Pero ang totoo nung sandaling umapak ako sa bahay namin, alam na agad ni nanay na may problema. That six months? Wala silang kaalam alam kung anong nangyayari sa akin dun. I’ve cut all kinds of communications here in the Philippines at nagulat na lang sila nung makita nila ako sa may gate at may dala dalang mga maleta.
Sabi niya gagawa siya ng paraan para bumalik ako sa dati. Sabi niya iibahin niya ang takbo ng buhay ko at sinong nakakaalam baka heto na daw yung destiny ko. Ha! My mum and her mind boggling riddles.

"Magcutting tayo!" sigaw ni Jen out of the blue. Si Jen ang reyna ng cutting classes simula pa noon at hanggang ngayon hindi pa rin pala siya nagbabago.

The three girls thrust their right hands in and shouted. "LD Unite!" tapos sabay sabay nilang binato yung kamay nila sa langit. Nakitag along na lang ako. Wala din akong maisip na magandang gawin eh.


Pumunta kami ng mall at kumain muna kami sa Shakey's.

"I'm bored guys. Gusto ko ng aksyon! You know what I mean?" sabi ni Jen habang nag-iinat inat sa upuan niya habang nahikab

"Punchies?" mapaglarong tinaas ni Danielle ang kilay niya habang nainom sa pineapple juice niya.

"Tara Leigh!" bigla akong hinila ni Jen palabas ng Shakey's habang nakasunod yung dalawa. Ugh.. Here we go again...

Dumeretso kami sa sentro ng mall. Mga sadista talaga. Kaya nga ang tawag sa'min eh LD group for Little Devils dahil hindi kami umaalis ng isang lugar na walang ginagawang gulo...dati. Hanggang ngayon din pala gawain pa rin nila.

Tumayo kami dito sa kalagitnaan ng mall kung saan nakapwesto ako sa likuran nila. Wala kasi akong ganang makisali sa larong to ngayon eh. Mas mabuti pang panoorin silang mambiktima ng mga lalaki.

"Uy Leigh anong ginagawa mo dyan sa likod! Halika nga dito"- hinila ako ni Jen sa may pinakaharapan. Seriously? Nakailang hila na ba silang tatlo sa akin ngayong araw? Gusto ata nilang tamaan sa akin eh.

"Wag ka ngang kj dyan. Here's the deal. Since ikaw naman ang gumawa ng larong to, at kababalik mo lang dito sa Pinas, treat this as our welcoming activity. Ikaw na ang mauna." sabi ni Danielle at tinulak ako papuntang pinakaharapan. Nakakailang tulak na sila ah, kung kayo kaya ang biktimahin ko? Nilingon ko sila at nakita ang excited na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Tuwang tuwa si Steffi at mukhang kinikilig pa sa mangyayari. "Ako magbibilang huh!" pagboboluntaryo niya.

"First five guys!" paninigurado ni Jen kay Steffi na sinagot naman nito ng isang ngiti at tango.

"Pag sinabi kong 'GO!'" sigaw ni Steffi tapos nagsisitakbo na sila palayo at naiwan na lang ako dito sa gitna. Ayun nagtago pa sa likod ng stage. May nakasalang kasing maliit na stage sa bandang likod ng center ground ng mall at nakita ko ngang nagthumbs up pa silang tatlo.

I wanna go home already. Napaangat ako ng ulo nung makita ko ang isang lalaki. Ang tangkad at sobrang laki ng katawan.

Walang signal.
Phew buti na lang. Mukhang bouncer kasi yung nadaan. Baka patulan ako. Nanatili akong nakatayo. Wala pa bang first five?? Ang tagal naman! Naiinip na ako!

"Go! Leigh!" -LD

Ikinuyom ko yung kamao ko at hinalikan yung singsing kong may ruby crystal sa ibabaw. Seesh. Pasensyahan na lang sa swerteng masusuntok ko. Mas lalo kong ikinuyom ng mariin ang kamao ko at sinuntok yung lalaking nadaan sa harapan ko.

"F.ck! That was awesome!" Sigaw ko.. I almost forgot how this felt. Napatalon ako habang sinishake yung kamay na pinangsuntok ko. Sumakto kasi sa cheekbones niya.

"Shit woman! You freakin' bitch!" nanlilisik akong tinignan nung lalaki habang hawak hawak yung pisngi niya na nasuntok ko.

"You wanna?" pinakita ko sa kanya yung kaliwang pisngi ko at pinoint gamit ang isa kong daliri. Pero parang nagtaka yung lalaki sa ginawa ko. What? Yun yung isang consequence ng game. It's either he punch back or ...

"What are you? Some kinda mental?" I smiled at him devilishly

"Wrong answer" I punched him again on his other cheek "They look good on you. Para kang nagblush on!" Then I turned around and ran as fast as I could. Hindi na ako nagbother na maglook back sa kanya coz I know he's effin pissed. Who wouldn’t be? Some random chick crazy enough to punch the fifth guy who’s had the luckiest timing to pass her way. That’s idiotic but effin fun!

I tracked back sa harap ng mall kasi alam kong wala na sila dun sa loob at nagsitakbuhan na ang mga yun panigurado palabas. Hindi naman ako nagkamali at nakita sila Jen sa loob ng isang magarang black 2014 Lamborghini Aventador.

Holy sh.t! This is so expensive! San  nila to kinuha?? Ni hindi nga kami sumakay ng kotse papunta dito eh.

After gaping and drooling at the smokin’ hot four wheels, my eyes were momentarily fixed with Jen before checking out the freakin’ sports car. "Where did you get this?"

"We stole it! Yeyy!" tuwang tuwang sambit ni Steffi sa likod katabi si Danielle

Mas naunang nabuo ang isang perfect ‘o’ sa bibig ko bago kumawala ang isang malutong na "What??" Kaylan pa sila natutong gumawa ng ganito and how?

"We stole it! Yeyy!" ulit ni Steffi. Sabay kaming nagroll ng mata nila Jen at Danielle.

I was about to say something when Jen cut me off. "Faster Leigh! Andyan na yung sinapak mo!" Napalingon naman ako at tama nga ang sinabi ni Jen na papatakbo na papalapit yung lalaki sa kinaroroonan ko. Sumakay agad ako ng kotse at mabilis na itong hinarurot ni Jen.



"Wow Leigh! Ang lakas mo pa ring sumapak! Wala pa ring pinagbago!" as always energetic si Jen.

Dumeretso kami sa bahay ko at kasalukuyang naglalaro ng computer games sina Steffi at Danielle sa kama ko at kami ni Jen ay nakaupo sa may couch sa corner.
 

"Opps. Leigh may pop up message ka." sabi ni Danielle habang hindi pa rin naalis yung mata niya sa screen ng laptop.

"Ihhh! Ibalik mo na sa nilalaro natin." pilit na kinakalikot ni Steffi yung mouse pero hinahawi lang ni Danielle yung kamay niya. Isip bata talaga to.

"Teka nga, wow cool! Leigh tignan mo to!" tawag sa akin ni Danielle at ano pa nga bang choice ko? I was curious enough to obey.

Lumapit ako sa kanila at tinignan yung screen.

*Unknown says: I'm gonna kill you. Watch out*

Dumeretso ako ng tayo at bumalik sa kinauupuan kong couch kanina. "Psh. Yaan niyo yan. Another amateur threat" To think of it madalang na lang ako magkarun ng death threats since nung ipadala nila ako ng L.A. dahil aksidenteng nakabasa si nanay ng death threat. She freaks out easily kaya yun. Wala namang kwenta yang mga taong nagpapadala niyan eh. Magagaling lang sa salita.

"Pwede na bang ibalik sa laro?" singit ni Steffi

"Who do you think that is?" bungad agad ni Jen nung makaupo na ako sa tabi nya.

I rested my head at the back of my hand na nakapatong sa sandalan ng couch, I can be easily bored. With tired eyes I looked at her. "I don't know. I don't care. Anyways. Binalik niyo na ba yung kotseng ninakaw niyo?" Kanina ko pa rin kasi iniisip ang tungkol sa maangas na sports car nay un eh. Sh.t sa itsura pa lang willing na akong isangla ang kaluluwa ko para lang makabili ako nun. Ang cool talaga kasi ng porma.

"Uhm. Yeaahh? Pinabalik ko na sa driver. Who do you think we are?" confident si Jen sa pagkakasabi niya. Oh well. What do I know?

"Clearly, pranksters who think everything's made for fun" sagot ko bago pa ako humikab.

"Well you taught us to be like that" sabi ni Steffi habang nakafocus sa nilalaro niya sa laptop ko.

Biglang gumuhit ang isang ngiti sa labi ni jen na para bang sinasabi niyang ‘Yeah there’s your answer.’ Pagkatapos nun ay bigla na lang siyang tumayo. "Steffi doesn't lie. Now, sino gusto magpakalasing!"


Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon