TBC Chapter 39: Tumbler
Time Check 4:30am.
Nakatayo na ako sa harapan ng bahay namin habang hinihintay si Rhaven. Lamig na lamig na ako sa totoo lang at sa bawat hininga ko ay parang may maliliit na usok na lumalabas sa bibig ko. Madilim pa ang paligid at yung mga lamp post na lang ang nagsisilbing ilaw namin dito. I've worn a thin sweater and leggings as well as running shoes.
Hindi na rin nagtagal ay nakarating na siya at nakaangkas sa kanyang itim na motor.
Itinaas niya ang salamin ng kanyang helmet at sinamaan ako ng tingin. Ano na naman bang nagawa ko rito at ganito makatitig.
"Why did you wait here? It's freezing." tanong nito sa akin. Hindi ko na ito pinababa pa at agad na umangkas sa espasyong natitira mula sa likod niya.
I felt the heat. Yeah, ang init ng katawan niya ay nararamdaman ko mula rito sa kinauupuan ko.
"Did you bring extra clothes?" he asked at tumango na lamang ako nun. Nakalagay lahat dito sa bag na nakita ko lang sa may sulok ng kwarto ko.
"Oh bakit hindi mo pa pinapaandar?" tanong ko sa kanya nung hindi pa niya pinapaandar yung motor niya matapos ang ilang minuto. Yes, we sat there for quite a while at hindi nagkikibuan bago ko maisip na tanungin yun.
"Yung kamay mo." bulong niya.
"Yung kamay ko? Anong meron sa kamay ko?" itinaas ko yung kamay ko at sinuri. Bakit? Nakapaglinis naman ako ng kuko a. Grabe naman yung mata niya.
"Oh!" laking gulat ko na lang nung bigla niya iyong hilain at ibalot sa katawan niya.
"Give me the other one." saad niya at inilahad yung kamay. Wala sa sarili kong inabot naman sa kanya yung isa ko pang kamay. Mabilis niya itong ibinalot sa katawan niya at pinagsalubong. "This feels nice." he uttered. "Now here we go!" Tuwang tuwa niyang turan at biglang pinaharurot ang kanyang motor.
"Shitscake!" I screamed and tighten my arms around him.
"Shitscake?" he asked with a funny face in his face when he got his helmet off. Nakababa na ako nun at ngayo'y nakaharap na sa kanya.
"I was just shocked. That's all." I said trying to hide my pale face. Hanggang ngayon kasi ay para akong naubusan ng dugo sa bilis niyang magpatakbo.
"If you say so." he shrugged and got off his bike.
"Now, let's go." he said and started to run.
"Wait for me." I tossed my bag into the ground and ran after him.
This is what he was talking about when he told me that I'd pay for the slap I gave him.
Naisip ko naman na para rin naman to sa sarili ko kaya pumayag ako.
I've been informed that we were the reigning champion just before I flew to California. Who would have thought right? Hindi ko din inaasahan kung panong ang isang katulad ko ang tinanghal na MVP noon. At saka what ever did I do in California at pumunta punta pa ako dun?
Asa likuran na ako ni Rhaven at pinipilit kong sabayan siya sa pagtakbo sa oval. He's wearing a white v-neck cotton shirt and a low waisted black jogging pants paired with a red and black Jordan nang biglang humangin ng malakas. Dahil doon ay naamoy ko ng hindi sinasadya ang perfume niya. That perfume that smells something fresh. Aqua fresh.
"Can't you run any faster?" he queried as he looked at me, brows knotted.
"Nagwawarm up pa lang ako no." sabi ko naman habang nakabusangot at saka ko binilisan agad ang pagtakbo.
Di nagtagal ay nagkasabay na rin kami sa wakas sa pagtakbo.
"Can I ask you something?" I asked out of the blue.
Tumingin siya sa akin at nangibit balikat. "Sure." Aniya.
"May alam ka ba tungkol sa nakaraan ko?" seryoso kong sagot.
"I'm not sure what you're implying." sagot niya at halata ko naman sa mukha niya na nagsasabi siya ng totoo.
"About California, magkakilala na ba tayo nung pumunta ako doon?" I queried.
Nagulat na lang ako nung bigla siyang napatigil sa pagtakbo kaya hindi sinasadyang napatigil rin ako.
His face went hard at hindi siya makatingin sa akin na para bang may inaalala siya.
"Rhaven?" alala kong tanong. "May problema ba?" dagdag ko pa.
"Huh? Nothing. We met each other here. I don't have any knowledge of what happened to you in California." Sabi nito at saka na lang nagdecide na tumakbong muli.
"Rhaven, wait!" sigaw ko dahil sobrang bilis niya nang tumakbo. Ano ba kasi ang meron? Parang may tinatago siya?
~~~~~~~
"She doesn't have to know about that."
"She doesn't need to remember."
~~~~~~~
"Ang bilis bilis mo namang tumakbo!" hingal na hingal ako habang nakahawak sa tuhod ko.
Nilingon niya ako at pinunasan ang kanyang pawis gamit yung towel na dala niya.
"You have to build stamina if you want to win the game." Aniya at kumuha ng tumbler sa bag niyang nakasabit sa kanyang motor.
Uminom siya mula rito at napakagat na lang ako sa ibabang labi. Napalunok ako ng laway ng wala sa oras at naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan.
"Pwede ba akong makiinom?" tanong ko habang turo turo yung tumbler niya.
"Bakit?" tanong niya. "Wala ka bang dalang tubig?"
"Wala e. Nakalimutan ko." Napatayo ako ng deretso habang titig na titig sa tumbler. Namamawis yung lalagyan dahil na siguro sa sobmbrang lamig ng laman nito.
"Pahingi na. Wala naman akong sakit." sabi ko sabay hakbang palapit dito.
"No way." sabi nito sabay gamit sa braso niya bilang panangga. "I'll just buy you something in the nearest convenient store."
"Uhaw na uhaw na talaga ako. Please!" I don't care how I look. Maybe I do look disgusting with all the sweat as well as the hair that sticks to all direction. Naiintindihan ko naman siya e. Intindi kong nandidiri siya sa itsura ko at siguro pati na rin sa laway ko.
Kaya lang.....
"Give me that!" nakabwelo ako at agad na inagaw ang tumbler sa pagkakahawak niya.
Uminom ako dito at saka siya binelatan.
"I won." pinakitaan ko siya ng ngiting tagumpay.
"Indirect Kiss."
"Huh?" tanong ko dahil di ko naintindihan yung sinabi niya.
"My first kiss.... is gone.."
"Huh?" nakakunot noo kong tanong. "Kiss?"
"N-Nothing." ani nito at agad tumingin sa ibang direksyon pero sumusulyap sulyap pa rin siya sa kinaroroonan ko. Weird.
"Bat ang pula ng tenga mo?"
"Bat ba ang dami mong tanong?" aniya sabay takip ng tenga niya at talikod sa akin. Teka, may something ba itong inumin niya at nagkakaganyan siya?
Hala, baka maging abnormal din ako gaya ng inaakto niya ngayon. Huwag naman sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/21126510-288-k416952.jpg)
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
AcciónCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...