TBC Chapter 40: Gonna Play

603 18 2
                                    

TBC Chapter 40: Gonna play

"Gonna pick you up this afternoon." sabi ni Rhaven matapos niya akong ihatid sa school.

Isang linggo na rin kaming lumalabas tuwing madaling araw para mag-exercise at magbanat ng buto kakatakbo sa oval. Nung pinakaunang exercise namin, sobrang sakit ng katawan ko. Siguro ay dahil ilang linggo din akong nakahiga sa kama ng hospital noong naaksidente ako. Pero as time passes by ay nararamdaman kong gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

We do curl ups. Actually ako lang yung naggaganun kasi kailangang tutukan daw yung stamina ko. Wow lang alagang alaga ang katawan, kumusta naman ang tyan? Sobrang tinututukan niya ang mga kinakain ko. Kaya gaya ng sinabi niya kanina na susunduin niya ako mamaya, well susunduin niya ako para pakainin. Guess what what he lets me eat for dinner, tender meat and veggies and a couple of slice of some fruits specifically apple. Minsan iniisip kong baka sports coach siya e.

"Well you two are getting close than we imagined?" malisyosang sabi ni Jen habang nakataas pa yung kilay niyang nakatingin sa akin. Magkakatabi kami ng upuan at sa aming apat siya ang pinakaunang pumasok. Naupo na ako sa upuan ko at kinailangang tiisin ang pang-aasar niya.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" pailag kong tanong. Alangan naman na aminin ko ang isang bagay na hindi ko man lang alam kung anong totoong pinupunto niya?

"Don't play safe Leigh. Kilala kita. You fight head on. Kailan man hindi mo pinag-iisipan ang mga ginagawa mo. Banat kung banat." she grinned. Hindi ko alam kung matutuwa ako or ma-ooffend sa sinabi niya.

Well I think not today, not until I get my memories back.

"Asan na ba yung dalawa?" I asked nang biglang may lalaking pumasok.

"Wala si ma'am guys. We're free for the next two periods!" hiyaw nito at yung mga kaklase naming maaagang pumasok ay naghiyawan.

And then our room became a total chaos.

Yung ilang lalaki ay agad na nagsilabasan. Yung dalawang babae naman sa tabi ay sobrang lakas na nagkkwentuhan sa isang sulok. But then tumahimik nung nahuli nila akong nakatingin sa direksyon nila.

"Masanay ka na Leigh, ganyan ka kasikat sa school na to." turan ni Jen.

"Sikat? It looks like they're scared of me or something."

"Don't be ridiculous. Now, let's go somewhere else."

"Where exactly?"

"Mall?"

"Paano sila Danielle?"

Itinaas niya yung cellphone niya.

"Text?"

So hayun nga lumabas na kami ng school. Medyo nabobore na rin kasi ako e. It doesn't feel like I'm enjoying my studies here and that I would rather go somewhere to unwind.

"Let's eat first?" Mabilis kaming nakarating sa mall kasi nga ay malapit lang ito sa school namin. Actually ay walking distance lang siya. How cool is that?

"Already texted them that we're here." sabi ni Jen habang naglalakad kami sa isang food chain.

"What do you plan to do after eating tanong ko sa kanya."

Bigla naman itong ngumisi ng nakakatakot at itinaas ang nakakuyom niyang kamao. "Play punchies?"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya at mukhang obvious naman iyon sa mukha ko.

"Well teach you the mechanics, pag nakarating na yung dalawa."

Nag-umpisa na kaming kumain nung makarating na yung dalawa. Nag-order na kasi kami para sa kanila.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon