TBC Chapter 22: Derivatives
Third Person POV
Bago tuluyang dumilim, naisipang bumisita muna ni Rhaven kay Leigh. Naabutan niyang nakauwang ang pinto kaya naisipan niyang silipin muna kung may tao sa loob. Bubuksan na sana niya ang pinto nang makita ang asa loob pero napatigil din siya agad sa narinig na sinabi nito.
"I never thought you'd do it again. You almost got yourself killed this time." hawak hawak ni Rhaven ang doorknob habang patuloy na nakikinig sa sinasabi nito."Nakahanap ka na naman ng excuse para makasama siya." narinig ni Rhaven ang paghinga nito ng malalim na sinundan ng pag-ismid.
'What is he talking about? What excuse and to whom is he referring to?' naguguluhan na tanong ni Rhaven sa kanyang sarili.
"Wala ka pa ring pinagbago, buo pa rin ang loob mo.... Kaya nga gustong gusto kita.. I'm sorry these had to happen to you."
Pagkatapos niyang marinig yun buo ang pasya niyang pumasok na sa loob at suntukin ito. Pero nang buksan niya ang pinto, nakita niyang hinahalikan ni Cloud si Leigh habang ito ay mahimbing na natutulog. Wala sa sariling napaatras na lang si Rhaven nang mag-umpisang tumunog ang cellphone niya. Halos mapasuntok siya sa hangin pero mas pinili niyang iwaglit ang nakita mula sa isipan bago tumakbo paalis.
"What?" sigaw nito ng makalayo sa kwarto ni Leigh."Sabihin ko lang na kompleto na tayo. Pero wala pa rin si Cloud."
"I f.ckin know where he is." matalim ang mga titig nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa cellphone. "Don't start without me."
Humarurot paalis si Rhaven at kahit anong gawin niyang limot sa nangyari kanina kay Leigh at Cloud ay pilit itong bumabalik sa kanyang isipan.
"About time boss." pambungad ni Blake, isa sa miyembro ng grupo nila. Kompleto na silang lahat at kasalukuyang nakatayo sa harap ng isang warehouse sa labas ng bayan ng ikatlong distrito.Sinalubong ni Roue si Rhaven. "Pano mo gustong gawin?" ngumiti ito ng nakakaloko at napatingala naman si Rhaven sa kabuuang laki ng warehouse. Nababalot pa rin siya ng itim na aura pero nagawa pa rin niyang ngumisi.
"Let's do it for old time's sake."
***"Ang ganda ng regalo ng Emperor sa atin! Sa wakas sa atin na ang teritoryo ng Night Phantom!" buong galak na sigaw ng isang lalaking may kulay orange na buhok. Nakaupo ito sa isang pedestal na nakahiwalay sa ibabang bahagi ng unang palapag ng warehouse. Tumawa ito na hudyat para tumawa rin ang mga kasama niya.
Kasalukuyang nagtipon ang Daybreak at pinag-uusapan nila ang pwedeng gawin sa naagaw na teritoryo sa ikalawang distrito."Tss. Ayos din.. Balita ko 50-50 na ngayon ang Night Phantom. Wala pala yun eh!" nagthumbs down ang lalaking nakasandal sa may pintuan. Siya rin ang nakausap nila Danielle nung gabing maaksidente si Leigh.
"Talaga!?" napahampas ang lalaking may kulay orange na buhok sa magkabilang hawakan ng kanyang upuan at nanlaki ang mga mata nito kasabay ng malapayasong ngiti. "Mabuti yan! Matuluyan na sana siya! Hahaha!" tumawa ulit siya at nag-umpisang kalampagin ng mga kasama niya ang mga hawak hawak nilang tubo hanggang sa tumayo sila at tinataas taas nila ang mga hawak sa hangin tanda ng pagkapanalo. "Dahil sa Emperor kaya tayo andito. Dahil sa kanya kaya malapit nang mamatay ang Night Phantom! Yaah!" tuluyan na siyang tumayo hawak ang bote ng alak sa kamay saka iyon tinungga. Nagsikuha na rin ng sarili nilang bote ang bawat isa at nagpakasasa sa alak.
Ilang sandali pa ay biglang umalingawngaw ang mga magkakasunod na katok sa latang pintuan.
Napatigil sila sa kanilang kasiyahan at napatingin ang may kulay orange na buhok sa lalaking nakasandal sa mismong pinto. Tinanguan niya ito.
BINABASA MO ANG
Tale of a Badass Couple
ActionCompleted with a cliff-hanger. Act II is entitled: Tale of the Four Pillars. You can find it on my profile. Let's meet Ashleigh Takei. She's tough, strong and brave. She's not your average high school girl that sticks to school protocols. She c...