TBC Chapter 13: Dinner with the parents

1.3K 39 2
                                    

TBC Chapter 13: Dinner with the parents

Napatingala ako sa laki ng bahay pabalik sa kanya. Seryoso? Bahay niya to?

"Baka naman bahay ng magulang mo?" pang-asar kong tanong sa kanya.

"Ahh! Is there any difference?" Oo may pagkakaiba kasi kung bahay mo ibig sabihin ikaw ang nagpundar pero pag sa magulang mo ibig sabihin nakikitira ka lang.

Naglakad na siya papunta sa may main door. Akala ko bubuksan na niya pero tumayo lang siya dun at nilingon ako. "You comin or you gonna stand there the whole freakin night?" hindi ko talaga mabasa ang ugali nitong lalaking to eh. Minsan ayos lang. Kaya ko pa naman sakyan yung pangaasar niya tapos bigla na lang siyang parang minemenopause natalo pa niya ako pag meron ako. To think na ako talaga yung babae sa aming dalawa hindi nga lang halata minsan pero parang siya yung kelangan mo na lang intindihin lagi. Palibhasa bading ata talaga to eh. If I know kaya naiinis to kasi inggit siya sa damit ko. I can almost imagine him throwing tantrums only because he doesn't get to wear pretty clothes then I'd say, 'Aww, you gonna cry now?' then he'd look at me with those sparkling eyes then cry even harder.

"What the f.ck are you snickering about? You look like some retarded cutesy wannabe."

Bigla akong nagitla sa sigaw niyang yun. Tumatawa na pala ako sa sarili ko at ano daw ang sabi niya retarded cutesy wannabe? Where the hell did he get those words?? At anong ibig sabihin nun?

"Are you speaking some kinda alien language? Sorry, I don't quite comprendo. Do.. you... come ... in ... peace?" tapos itinaas ko yung kamay ko at gumawa ng gesture na number four with my fingers at pingahiwalay yun sa gitna. His features easily came into a grrr.. into a what the? Then I know it's my time to burst out laughing.

"You're helpless." pailing iling niyang sinabi sa akin bago buksan yung pintuan. "If you don't want to come in. Suit yourself." tapos pumasok na nga siya sa loob at pinagsarhan ako ng pinto. Sukbit sukbit ko pa rin yung bag ko habang napalibot yung tingin ko sa paligid. Ang lawak ng property nila. May fountain pa.

Nyeeeeeng-eng-enggg~~~. Napatapik naman ako sa leeg ko dahil sa kagat ng lamok. Tsk. Ang daming lamok dito. Kakarating ko lang pinagpipyestahan na agad ako. Siguro yung lalaking yun yung nag-utos na kagatin ako ng mga to. Tss. Napailing na lang ako habang naglalakad patungo sa pintuan. Nagsisimula na rin akong mag-isip katulad niya. Masama na to.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto, umalingawngaw ang tunog ng isang klasikong piyesa na siyang gumagawa ng very calming atmosphere sa loob ng bahay. Pag titignan mong mabuti, mukha lang itong simpleng bahay na may simpleng mga muwebles pero hindi. Maaamoy mong amoy mamahalin tong mga to at hindi basta basta ang presyo. Mataas ang kisame ng sala at puro cream at gold and kulay. Ayokong mag exaggerate pero kumukinang ito lalong lalo na yung nakasabit na chandelier sa kalagitnaan ng malawak na sala nila.

"Give me that" Naramdaman kong may biglang humablot ng bag ko mula sa pagkasabit nito sa balikat ko at pagkatingin ko si Rhaven lang pala. May lumapit sa kanyang parang butler looking guy at ibinigay niya dun yung bag ko. I didn't bother asking where he'd take it coz wala namang importanteng nakalagay dun.

"Bakit mo ba ko dinala dito?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at naglakad na lang papunta sa kung saan. Magaling talaga tong lalaking to eh. Hindi sasagot pag hindi gusto.

"We asked him to bring you here." out of nowhere lumabas ang isang sopistikadang babae habang nakaabresyete sa isa ding mukhang kagalang galang na lalaki. Very soft ang feature ng mukha nung babae at hindi halata masyado ang fine lines niya sa gilid ng mga mata niya sa kanyang pagngiti. Yung lalaki naman ay may gray hairs nang lumilinya sa itaas ng tenga niya. Mukha silang mga taong hindi papatinag sa kahit sinong makaharap nila pero at the same time mukhang mababait din naman.

Tale of a Badass CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon