HDDL I - Ginevra Cleo

472K 3.5K 223
                                    

A/N:

Happy new year everyone... Lablab... <3

>>>Ginevra Cleo's picture on the right side... ^___^

Chapter 1

>>>Cleo's POV

"Ano, Cleo? Ano sabi sa 'yo ni Dean?"excited na tanong ni Jill sa kin paglabas ko ng office ni Dean Reyes.

"Ginevra Cleo, hoy, muntanga ka na dyan kung makangiti, wagas. Ano ba yun?"tanong naman ni Candice.

"Wait. Pwedeng tumili muna?"malawak ang ngiting sabi ko sa kanila. Kanina ko pa talaga gustong tumili. Dun pa lang sa office ni Dean.

"Go lang. Mahina lang ha?"sabi naman ni Sapphire.

Impit na tumili ako. At kahit hindi pa alam nina Jill at Candice, nakitili rin sila sa kin. Impit nga lang dahil nasa hallway kami ng school. Mga kaibigan ko sila since first year. Si Sapphire ang athlete sa min. Member sya ng badminton team. May pagkaboyish rin nyan, maaskad. Si Jill naman, ang pinakalukaret sa min. Magugulat ka na lang sa mga kalokohan nya minsan. Si Candice ang kikay. Maarte sya pero hindi malandi. Mukha lang talaga syang flirt at playgirl dahil malapit sya sa lalaki.

"Tapos na kayo?"tanong ni Sapphire pagkatapos naming tumiling tatlo. "So, ano na?"

"Magna cum laude ako,"malawak na ngiting sabi ko. Kanina binalita ni Dean Reyes un. Ang ineexpect ko lang talaga, cum laude. Pero sabi ni Dean kanina, umabot daw ang average ko sa Magna cum laude. Next month na kasi ung graduation namin. Nursing ung kinukuha naming apat.

Sabay-sabay ulit kaming tumili nina Jill at Candice pagkabalita ko sa kanila.

"Congrats," sabay na bati nilang tatlo.

"Matutuwa nito si Tatay,"sabi ko. Si Tatay ang dahilan kung bat ako nagsusumikap.

Sabay-sabay na nag-iba ung expression nung tatlo sa sinabi ko.

"What?"

Nagbuntung-hininga si Sapphire bago nagsalita. "Cleo, kelan ba natuwa ang tatay mo sa achievements mo?"

"Lagi,"pagsisinungaling ko.

"Girl, hindi sa pinapangunahan ka namin ha? Alam naman namin kung gano mo kamahal ang tatay mo. Pero, alam rin naman nating lahat kung pano ka nya tratuhin," may simpatyang sabi ni Candice.

"Alam naming alam mo na kahit gano pa karaming karangalan ung makuha mo, hindi sya matutuwa. Makita ka nga lang nun, nasama na agad ang timpla na akala mo nakain ng papaitan na puro apdo eh,"sabi naman ni Jill.

Napayuko lang ako. Pinigilan kong tumulo ung luha ko. Tama naman sila eh. Pero maya-maya iniangat ko rin ung ulo ko at malungkot na ngumiti.

"Hayaan nyo na kong mangarap. Mahal na mahal ko lang si tatay,"sabi ko sa kanila.

Nakakaunawang tumango sila bago ako niyakap. I'm very thankful I have them. Kahit na iba-iba ugali namin, nagkasundo pa rin kaming apat.

***

"Tay, nandito na po ako,"magalang na sabi ko kay Tatay at magmamano sana ako pero tinabig nya ung kamay ko at pinagpatuloy ung panood ng tv.

"Mabuti naman. Magsaing ka na dyan. Kanina pa ko nagugutom. Ang tagal-tagal mong dumating. Ano ba naman buhay na 'to. Pagod ka na nga sa pagtatrabaho, wala ka pang madadatnan na pagkain," pagpapasaring nya.

Ininda ko na lang ung sakit. "Sige po, tay. Magbibihis lang po ako at magluluto na para makakain na kayo,"

Mabilis akong nagpalit ng bestida at pumunta sa likod bahay. Nandito kasi ung lutuan namin. Wala kaming gas stove kaya kinailangan ko pang magpalingas ng apoy sa pugon.

Nagluto na lang ako ng tinolang manok pagkatapos kong magsaing.

"Hoy, hindi pa ba tapos yan? Kanina ka pa nagluluto ah? Gutom na gutom na ko,"sigaw ni tatay mula sa sala.

"Tapos na po, tay. Maghahain lang po ako," ganting sigaw ko.

"Wag mo kong sigawan. Hindi ka talaga marunong rumespeto,"

Hindi na lang ako sumagot. Kahit na sanay na ko sa mga patutsada ni Tatay, hindi pa rin nababawasan ung sakit ng bawat salita nya. Pero hindi ko magawang magdamdam sa kanya dahil mahal na mahal ko sya at sya na lang natitira kong pamilya.

Pagkatapos kong maghain, niyaya ko nang kumain si Tatay.

"Tay, pinatawag po ako ni Dean kanina,"masayang sabi ko habang kumakain kami.

"Bakit? Gumawa ka ng kalokohan?"

"Si tatay talaga. Hindi po, magna cum laude daw po ako,"masayang pagbalita ko sa kanya.

"Ano ngayon?"

"Aakyat po ako sa stage at sasabitan ng medal. Attend po kayo ha?"hopeful na tanong ko. Kahit na alam ko na ung sagot nya, umaasa pa rin ako.

"Yang medal ba na yan, gawa sa purong ginto?"sa halip sa tanong nya.

"Hindi po,"

"Hindi naman pala eh. Hindi naman ako yayaman sa pagsabit ng medal na yan. Mas nakakatuwa pang matulog kesa pumunta sa walang kwentang graduation na yan,"

"Pero, tay---"

Tumayo lang si tatay at sabing,"Linisin mong mabuti ang bahay at i-lock ang mga pinto at bintana. At wag na wag mo na kong kulitin sa medalya na yan,"

Pagkatapos, pumunta na sya sa kwarto nya.

Hindi ko napigilang tumulo ung luha ko.

Simula nagkaisip ako, tinuring na akong ibang tao ni Tatay. Dati, nung buhay pa si Lola lagi nyang sinabi na unawain ko na lang daw si Tatay. Si nanay daw kasi, namatay sa panganganak sa kin. Masyado daw masakit un para kay tatay kaya sa kin nya binubunton ung galit nya lalo pa at kamukha ko si nanay.

Hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay ni tatay. Puro salita lang. Nung bata pa ko, nagtatampo ako sa kanya pag ginagawa nya un. Pero isang beses na nagkasakit ako, naalimpungatan ako dahil may humahaplos sa ulo ko. Saglit lang un at tumalikod din sya kaya nagmulat agad ako ng mata. Nasorpresa pa ko na si tatay un. Dahil dun, nawala lahat ng hinanakit ko kay tatay dahil alam kong mahal nya rin ako. At hindi ako titigil na umasang ipapakita nya rin un.

***

"Cleo, kami ang nahihilo sa paroon at parito mo eh,"reklamo sa kin ni Candice. "Ano bang problema?"

"Si tatay kasi kanina, ilang beses nyang hinahagod ung dibdib nya. Paano pag may nangyari sa kanya? Pumasok pa naman sa trabaho un,"nag-aalalang sabi ko. Mekaniko sa talyer sa bayan si Tatay. Katrabaho nya ung tatay ni Candice.

"Ano ka ba? Chill ka lang. Baka kung ano masabi mo sa speech mo mamaya,"sabi ni Candice.

Graduation day namin mamaya. Nandito pa ko sa bahay nina Candice dahil inayusan pa kami. Nagprisinta kasi ung nanay ni Candice na dito ako manggaling papuntang school. nanay rin ni Candice ung aakyat ng stage kasama ko. Iprinisinta ni Candice kasi ang nanay nya at natuwa naman ito kaya pumayag agad.

Sasagot pa dapat ako nang tumunog ung cellphone ni Candice.

"Hello, tay. Ano po?!!! Opo, kasama ko po sya. Sasabihin ko po. Bye,"

Tumingin sya sa kin nang may pag-aalala.

"Bakit?"nag-alalang tanong ko.

"Isinugod sa ospital ang tatay mo. Heart attack daw at kailangang operahan agad," imporma nya sa kin.

Sunud-sunod na tumulo ung luha ko dahil sa sobrang pag-aalala kay tatay.

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon