HDDL 40 - Smile

134K 1.6K 154
                                    

Chapter 40

Tumawa nang malakas si Jill pagkatapos kong ikwento sa kanila ung lahat nang nangyari kagabi, pwera syempre sa "dinner" ni Exer. That's our first magical moment as an official couple and I intend to keep it just between of us.

"Makatawa ka naman dyan. Parang wala nang bukas,"I snorted.

Hinatid rin ako ni Exer kaninang umaga bago sya pumasok sa ospital. Mamayang gabi pa kasi ang shift ko kaya may oras pa kong magpahinga. Nandito naman sina Jill at Candice nang datnan ko. Wala si Sapphire na syang ipinagtataka ko. Alam ko, off nya ngayon eh.

"Eh ano magagawa ko kung nakakatawa?"nakangising sagot ni Jill. "Pero, seriously, 'te, super ang tanga nung pumps, dinapa ka?"

Tapos, sabay pang tumawa sina Jill at Candice at naghigh five pa sila kaya lalong nalukot ang mukha ko.

"Bahala nga kayo dyan,"sabi ko sabay talikod pero pinigilan ako ni Jill.

"Oi, 'te. Joke lang. Nakakatawa naman eh. Pero seryoso na. Masarap rin ba ang mga kapatid ni Exer?"malawak ang ngiting sabi ni Jill, or mas appropriate, malanding ngiti pero agad din syang napangiwi nang batukan sya ni Candice. "Grabe kayo ha? Lagi nyo na lang binabatukan ang maganda kong batok. Naiingit ata kayo sa kagandahan nyan eh,"

"Sa sobrang ganda nga, ang sarap mong tirisin kasama ng batok mo eh. Anong seryoso sa tanong mo? Manyak na tanong iyon. Kadiri ka. Dinaig mo pa ang beking hindi pa nagkakaroon ng syota,"katwiran ni Candice.

Nginisian lang sya ni Jill bago bumaling sa 'kin. "Eto seryso at malupit na tanong. Paano nalaman ng family ni Doc na pupunta kayo dun kung biglaan naman ang dating nyo?"

"Ewan. Pero sabi ni Exer, marami daw connection ang mama nya. Isa pa, Tita Yuriko is a wicked mother, in a good way. She always mind her sons' and daughter's love life,"sabi ko.

"So, kayo na talaga? Official na?"tanong ni Candice.

"Eh pano si Doc Drop-dead gorgeous hunkilicious Blake Harry?"tanong ni Jill.

"Official na talaga. As for Blake, I guess he's okay with it. Tsaka parang iba ang tingin at mga sinabi nya sa 'kin kagabi. May isang misteryosog babaeng nagpabago sa kanya at sa puso nya. Ayaw naman nyang sabihin,"pagkwekwento ko.

"A mysterious woman named Sapphire na ba ito?"nakangising sabi ni Candice.

"Speaking of Sapphire, asan ang inang reyna?"tanong ko. Wala kasing nanenermon pagdating ko.

"Yan ang isang malaking misteryo. Hindi sya umuwi magdamag hanggang ngayon. No call, no text, no public appearance. Ang inang reyna ay baka nasa engkantasya with a hunk doctor. Perhaps named Blake?"sabi ni Jill.

***

>>>Exer's POV

"Doc Pogi, bat ka po smile nang smile? Iniisip mo po girlflend mo?"inosenteng tanong sa 'kin ng batang pasyente ko. She's just four years old. Naaksidente sya nung isang buwan dahil sa pagkahulog hagdan. Nauntog ang ulo nya sa sahig kaya ako ang nag-obserba kung may damage sa utak nya. Follow-up check-up na lang nya ngayon. Nagkaroon lang sya ng mild concussion. Bibo sya kahit medyo bulol.

"Lorraine!"saway sa kanya ng lolang kasama nya at tumingin sa 'kin na humihingi nang paumanhin. Ngumiti lang ako sa kanya. Chinecheck ko kasi sya nang bigla na lang akong tanungin tungkol dun.

Tinapos ko muna sya icheck bago ako bumalik sa upuan ko. Pagkatapos, ngumiti ako nang malawak. "What makes you think I have a girlfriend? And little girl, I'm not thinking anything. I'm just smiling at you,"pagkaila ko kahit na ang totoo, si Cleo talaga ang dahilan kung bakit. Ever since she told me she loves me, smiling became too easy just like breathing.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon