HDDL 59 - Cousins

71.2K 1.1K 265
                                    

Chapter 59

>>>Cleo's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Tito Leandro. Nacucurious talaga ako sa gusto nyang sabihin sa 'kin. May kinalaman kaya sa kondisyon ni tatay ung gusto nyang sabihin? Baka naman may gusto syang kapalit sa ginawa nya para sa 'min ni Tatay?

I shook my head with that thought. Hindi naman ganung tao si Tito Leandro. Kaninang umaga pa ko nahihilo kaya lang, kailangan ko lang talagang pumunta dito. Ilang araw na din kasi akong nahihilo.

Bago pa magbago ang isip ko, pumasok na ko ng mansion nila. Sinundo ako ng driver nila kanina sa ospital. Napilitan pa nga ako magsinungaling kay Exer nung tinanong nya kung nasan ako eh. Sabi kasi ni Tito Leandro, dapat daw walang makaalam ng pag-uusap namin.

Sinalubong ako ng isang matandang babae. Sa tingin ko, sya ung mayordoma dito.

"Magandang umaga, hija,"nakangiting sabi nya sa 'kin. "Nasabi na sa 'kin ni Sir na pupunta ka. Inaantay ka nya sa library,"

"Magandang umaga din po,"magalang kong sabi. Hindi ko maappreciate ung ganda at laki nung mansion dahil nga sa iniisip ko kung ano sasabihin sa 'kin ni Tito Leandro.

Humantong kami sa library. Si Manang Caring ung nagbukas ng pinto. Namangha ako sa dami ng libro. Kung ako magkakaroon ng sariling bahay, library ang isa sa mga ipapagawa ko.

Hindi ko na napansin na umalis si Manang Caring dahil naagaw na ng mga libro ung pansin ko. Hindi siguro birong halaga ang nagastos sa mga 'to. Sobrang hilig ko kasi magbasa kaya nakakamangha talaga ung mga libro dito.

"You can have all the books you want, Cleo, after our talk,"sabi ni Tito Leandro na nakaupo sa swivel chair sa isang sulok nung library. Nawala sya sa isip ko dahil sa dami ng libro. "And please take a seat,"

Nahihiyang lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na katapat ng table nya.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit kita kailangang makausap at bakit hindi dapat malaman ng iba ang pag-uusap na 'to,"

Tumango lang ako.

May kinuha sya sa drawer nung table at inabot sa 'kin.

"Iyan ang last will and testament ng nanay mo at ng lolo mo,"sabi sa 'kin ni Tito Leandro. "I know I'm not the proper person to give you all the legalities of the will but I can briefly discuss it with you,"

Pinasadahan ko ung pagbabasa ng dokumento na nasa harap ko. Parang lumalaki ung ulo ko sa mga nakalagay dun.

"But before we go to that will, do you know your mother's family?"

Tumingin ako kay Tito Leandro at umiling. "Walang nabanggit si Tatay sa 'kin. Ang sabi lang nya, wala na daw pamilya si Nanay. Ulila na daw sya nung nagkakilala sila ni Tatay,"

Tumango-tango si Tito Leandro. "That's what I've thought. But, Cleo, your maternal grandfather is one of the richest and influential men in Asia. He was Don Ricardo Zapanta,"

Was?

"He died a month before your mother died. And he left all his wealth to your mom,"

"Bakit walang alam si Tatay dito?"

"Alam ni Francisco ang tungkol sa pamilyang pinanggalingan ni Elena. Alam nya din na dahil sa pagmamahalan nila, itinakwil ng lolo mo si Elena. Tumutol nang husto si Don Ricardo sa dalawa,"

"Pero bakit kay nanay pa din nya iniwan ung kayamanan nya? Wala bang ibang naghabol? Wala ba syang asawa o ibang anak?"nagtatakang sabi ko. Parang ang cliché kasi ng nangyari kina nanay.

"May kapatid si Elena. She's my wife, Alexa. Pero kapatid lang sya ni Elena sa ina. Pinagtaksilan kasi ng lola mo ang lolo mo noon. Kaya kay Elena nya iniwan ang lahat pero pinalabas nya na nalugi ang negosyo. Ang family lawyer at si Elena lang ang may alam nito,"

"Bakit ngayon nyo lang sinabi sa 'kin 'to?"

"Dahil nung nakaraang buwan ko lang din nalaman ang lahat ng 'to. your family lawyer contacted me regarding Elena's will,"sabi nya sa 'kin.

"Bakit kailangan po na isekreto 'to?"

"Your maternal grandmother is a cunning woman. Maaaring kapag nalaman nya ang tungkol dito, gagawa sya ng paraan para makuha sa 'yo ang lahat kahit na nakaratay na sya sa sakit. she may even use my wife and your cousin to get what she wants,"

"Cousin?"

"Athena is your cousin. Hindi mo ba napapansing magkahawig kayo?"

***

Feel ko talaga nanlalaki ung ulo ko sa lahat ng nalaman ko. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Mabuti na lang at ipinahatid din ako ni Tito Leandro sa apartment namin. Dahil kung hindi, hindi na siguro ako makakauwi nang maayos.

Parang lalo akong nahilo sa mga sinabi ni tito Leandro sa 'kin. Pero napadesisyunan ko na kausapin na lang si Tatay kung ano bang dapat kong gawin. Sabi naman ni Tito Leandro na pwede ko daw sabihin 'to kay tatay eh.

Kaya napagpasyahan kong maligo muna para makapunta agad kay Tatay.

Namimili ako nang susuotin nang mahagip ng tingin ko ung isang supot. Nanlaki ang mata ko at napaisip ako. Nagbilang ako ng araw at nang makumpirma ko ung hinala ko, mas lalo akong nahilo at bumaliktad ung sikmura ko. Tumakbo ako sa banyo at nagsuka.

Bakit ba nawala sa isip ko un?

***

>>>Exer's POV

"Ah. Eh. Nandito ako sa apartment ngayo. Tama. Magbibihis lang ako at babalik na ko uli sa ospital,"sabi ni Cleo sa 'kin nang tawagan ko sya. Parang balisa sya na ikinapagtaka ko.

Yayayain ko sana syang kumain sa labas. I know that she's been in a lot of stress these past few days and I want to pamper her even just for a while.

"Ah, love, magkita na lang tayo pagbalik ko sa ospital. I love you,"sabi nya at ibinaba na ung telepono na lalong ikinapagtaka ko. Hindi man lang nya ako inantay na makapagsalita which is  very unusual of her.

Papunta na ko sa parking lot nang mahagip ko ng tingin si Cleo na pasakay ng isang kotse.

Akala ko nasa apartment sya? At kaninong kotse un?

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon