HDDL 33 - Spin the Bottle

140K 1.5K 100
                                    

Chapter 33

"Walang kwenta naman 'tong videoke na 'to,"reklamo ni Jill.

"Makareklamo ka dyan eh sinolo mo na nga ung mic,"nakaingos na sabi ni Sapphire.

"Ano bang nirereklamo mo?"natatawang tanong ko. Kanina pa kasi kami nagvivideoke pero nakatig-tatlong kanta lang ata kaming apat pero si Jill, nakasampung kanta na.

"Hindi marunong magscore. Panong puro kayo 98 o kaya 99 at ako na pinakamaganda sa inyo, 95 lang? Paano pang naging maganda ako kung ganun lang din ang score ko?"naghihimutok na sabi nito sabay inom ng red wine na dala ni Jewel.

"Kantahan kasi 'to, bakla, hindi pagandahan,"pang-aasar ni Candice.

"You're a transexual?"parang gulat na gulat na tanong ni Jewel kay Jill pero naglalaro naman ung kapilyahan sa mata.

Tumayo si Jill at rumampa sa harap ni Jewel. "Babaeng-babae ito 'no, mula ulo hanggang paa, loob at labas, puso't kaluluwa, puto't dinuguan. Walang itulak-kabigin ang ganda,"

Binato sya ni Sapphire ng isang supot ng Lays. "Puro ka kalokohan,"sabi nito at binalingan si Jewel. "Mag-ingat ka dyan. Infectious na ang pagiging lukaret nyan,"

"Kaya, Jewel, tignan mo ang mga kaibigan kong tunay, mga lukaret,"ganting pang-aasar ni Jill.

"Ikaw lang ang lukaret sa 'tin 'no,"protesta ni Candice.

"May bahid na din kayo, akala nyo hindi ko napapansin?"

Tawa nang tawa si Jewel sa pagkukulitan namin. "Jewel, kung ikaw ay magiging kaibigan ko ring tunay, may bahid ka man ng kamandag ko, at least, madadagdagan pa ang angking kagandahan mo,"

"You're really funny,"tawa nang tawang sabi ni Jewel.

"Kabagan ka sa kakatawa dyan, Jewel,"saway ko kay Jewel. Hindi kasi mapigilan ung tawa nya. Pero natutuwa ako sa kanya dahil hindi pala sya maarte kahit na anak-mayaman. She's too honest with her actions. Hindi sya naiilang sabayan ung trip naming apat. Nung kumanta nga sya kanina, nagbow pa sya sa harap naming apat at kumaway na tila sikat na singer.

"Hep! Tama naman ang tawa. Isang seryosong laro naman,"pigil ni Candice sa 'min.

"Ano naman yan?"tanong ko.

Inilabas ni Candice ung isang empty na bote. "Spin the bottle,"

"ay korni. Lucky 9 na lang tayo,"reklamo ni Jill. Pinakaayaw ni Jill ang Spin the Bottle kahit noon pa kaya bihira kaming maglaro nyan. Kahit kasi ganyan yan kakulit, ayaw nyang magpakita ng kahinaan sa 'min. Pagkakaalam namin, may mga sekreto na sya lang ang nakakaalam. Mas gusto nya ring sarilinin ang problema.

"Mas gusto ko Spin the Bottle,"masayang singit ni Jewel. "I've never played that game before,"

"Saang planeta ka ba galing at hindi ka nakapaglaro nyan?"

"It's because I never had any girlfriends before except for my Ate Krystal,"katwiran ni Jewel. "My classmates are bunch of hypocrites and spoiled brats. Kayo ung una kong girlfriends. Kaya, spin the bottle na tayo,"

"Pero---"

"Jill,"saway ni Sapphire.

"Oo na. Go na. Ilabas na ang bottle na yan,"

Gumawa naman ako ng dalawang papel na may nakatuping papel na may nakasulat sa isa na 'Truth' at 'Dare' naman sa isa. Tapos tinupi ko at inilagay sa isang malinis na tasa.

"What is that for?"nagtatakang tanong ni Jewel sa ginawa ko.

"May nakalagay na truth at dare sa dalawang papel. Para maiwasan natin na puro dare lang ang piliin,"paliwanag ko. Actually, it was Candice's idea. Puro dare kasi si Jill dati.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon