Chapter 57
>>>Exer's POV
Napatingin ako kay Cleo nang marinig kong humikbi sya. Itinigil ko ung sasakyan at tinanggal ko ung seatbelt naming dalawa.
I enveloped her in my arms. Parang may sumuntok sa dibdib ko nung marinig ko syang umiiyak. It really pains me hearing and seeing her cry.
Hinayaan ko muna syang umiyak. Alam ko namang sasabihin nya agad kung ano nangyari. Kinalma lang nya ung sarili nya.
After a while, she hugged me tighter. "Inatake uli sa puso si Tatay,"
I kissed the top of her head. Iniangat nya ung ulo nya mula sa pagkakayakap sa 'kin. "Natatakot ako, Exer. Pano kung mawala sya sa 'kin? Pano kung---"
Inilipit ko ung daliri ko sa labi nya. "He's gonna be okay. We'll make sure of that. For now, he needs you to be strong for him. And he needs our prayers,"
Nang tuluyan syang kumalma, tumawag sya kina Candice para magpaalam. Then, we went straight to the hospital using the hospital's helipcoter, with my brothers' help.
***
>>>Cleo's POV
Laking pasasalamat ko na nasa tabi ko si Exer. Kung ako lang siguro mag-isa ngayon, hindi ko alam kung pano ako makakarating nang maayos dito sa ospital kung san nakaconfine si Tatay.
Dahil nga tuliro ako, si Exer na din ung nagtanong kung saang room si Tatay. Iginiya lang ako ni Exer papunta dun.
Kanina, nung tinawagan ko sina Candice. Grabeng pag-aalala din nila. Gusto pa ngang sumama ni Candice. Hindi ko na sya isinama bukod sa may pasok sya, kasama ko naman si Exer. Hindi ko nakausap si Sapphire dahil wala daw sa bahay. I didn't bother asking where she is because I'm too preoccupied with tatay's condition.
Nagulat din ako kay Exer na ginamit pa namin ung helicopter ng ospital para mas madali kaming makarating dito. He made the arrangements. I don't know how he managed to do that and again, I didn't bother asking. Gusto ko din namang makita agad si Tatay. Pero kung wala ako sa sitwasyon, matutuwa siguro ako nung nakasakay ako sa helicopter kanina. Masyado lang ako nag-aalala para kay tatay.
Huminto kami ni Exer sa ICU ng ospital. Agad kong nakita si Tita Perly. Nilapitan agad nya ako at niyakap kaya napabitaw ako sa kamay ni Exer.
"Cleo, buti nakarating ka kaagad. Ang tatay mo..."umiiyak na sabi ni Tita Perly.
Naiiyak na naman ako pero ayokong makita ni Tatay na umiiyak ako. Exer's right. Kailangan maging matatag ako para kay Tatay ngayon.
Ipinakilala ko si Exer kay Tita Perly.
Pagkatapos, lumapit ako sa nurse's station. Isang nurse naman ung agad lumapit sa 'kin.
"Ano po un?"tanong nung nurse sa 'kin.
"Gusto ko sanang makausap ung doctor ng tatay ko. O kahit ung residente,"sabi ko sa kanya. Gusto ko kasing malaman muna kung ano talaga ang kalagayan ni Tatay.
Bago pa makasagot ung nurse, may lumapit na na isang matandang doctor sa 'min. Sya din ung doctor ni tatay nung una syang atakihin sa puso.
"Cleo,"sabi nya sa 'kin at nakipagkamay. Kilala nya ko dahil nga ilang beses ko din syang nakita pagkatapos operahan ni tatay dati. Tumingin sya kay Exer na nasa tabi ko. "Dr. Fuentes,"sabi nya at inilahad ung kamay nya kay Exer. Nasorpresa ako na nakilala nya si Exer. "Your girlfriend?"
Tinanggap ni Exer ung pakikipagkamay at tumango. "Dr. Santos, how's Tatay Francisco's condition?"
Tinignan nya kaming dalawa. Iginiya nya kami sa medyo malayo sa station. Nagpaiwan din kasi si Tita Perly para puntahan si Tatay. "Hija, naalala mo ba ung sinabi ko 'yo dati pagkatapos nung huli magkita?"
Tumango lang ako. Dahil tandang-tanda ko pa. He said that the next attack can be fatal.
"Maswerte ang tatay mo at nakaligtas sya sa atake nya ngayon. Currently, the medications we are giving him barely supporting the pumping of his heart. His other organs is also starting to be affected espicially his lungs. We need to do the bypass surgery as soon as possible or we may be too late,"
Napaiyak ako sa sinabi nung doctor. Agad naman akong niyakap ni Exer.
"Do whatever you need to do, Doc,"sabi ni Exer.
"Pero, masyadong maselan ang kaso ngayon ni Francisco. We need to transfer him to bigger hospital. I also need to refer him to a much experienced cardiologist,"sabi nya sa 'kin.
"I'll handle that,"sabi ni Exer.
Pagkatapos naming makipag-usap kay Dr. Santos, hinalikan ako ni Exer sa noo nang mariin. "Don't worry, love. Sa ngayon, puntahan mo muna si Tatay Franciso. I'll make the necessary arrangements regarding his transfer in our hospital. I'll call Uncle Leandro regarding his case,"
Niyakap ko nang mahigpit si Exer. "Thank you, love. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka ngayon. I love you so much,"
"I love you, too,"he said and then claimed my lips. It's just a brief it but enough to calm me. He's always my anchor and my hero.
***
Maingat na inilapat ko ung glass door ng kwarto ni tatay.
Nakita kong gising sya at nakatingin sa 'kin. Biglang gusto kong umiyak dahil sa nakita kong kondisyon nya. May nakakabit na mga aparato sa kanya. Para ring christmas tree ung IV nya dahil apat ung nakasabit. Hindi ko na pinagkaabalahan pang tignan kung anu-ano un. Ang putla din tatay at may nakakabit pa sa kanya na oxygen.
Nilapitan ko sya at marahang niyakap. Doon na yumugyog ung balikat ko. Sabi ko hindi ako iiyak, hindi ko pala kaya. Natatakot ako mawala si Tatay sa 'kin. Lalo na ngayon na lalong naging maayos ung samahan namin dahil nga nalaman namin na sya talaga ung tunay kong tatay.
Hindi ko alam kung gano ako katagal umiyak. Naramdaman ko na lang na hinaplos ni tatay ung buhok ko. "Patawarin mo ako anak, at nandito ka uli sa sitwasyong ito,"
Umiiyak na umiling ako. Umalis din ako sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa kanya. "Tay, Hindi mo kailangang magsorry dahil wala kang kasalanan,"
Nakita kong huminga sya nang malalim. Halatang nahihirapan syang huminga. "Cleng, masaya ako na ikaw ang naging anak ko. Pero anak, alam kong mahihirapan ka sa sitwasyon,"
Umiling ako habang patuloy na umiiyak dahil alam ko ang gustong sabihin ni tatay. "Hindi tayo magpapatalo sa puso mo. Gusto ko pang makasama ka nang matagal. Gusto ko pang magluto para sa 'yo. Gusto ko ihatid mo pa ko sa altar kapag kinasal ako. Gusto ko pa makita na tatawagin ka ng 'lolo' ng mga anak ko. Gusto kong makipagtalo pa sa 'yo kapag kinusunsinti mo ung mga anak ko. Gusto ko..."hindi ko na natuloy ung mga sasabihin ko pa dahil humikbi na ko nang humikbi.
Nakita kong may isang butil ng luha na kumawala kay tatay bago ko narinig ung cardiac monitor na nag-alarm. The next thing I know, the nurses and doctors are reviving my father.
***
>>>Athena's POV
"I heard what happened to the bitch's father. I think this is the right time to do it. I already finalized the whole plan,"sabi ko kay Alec nung tawagan ko sya sa phone.
Nakangiting binaba ko ung phone. Serves her right. Mawawala sa kanya ang lahat lalo na si Exer ko.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^A/N:
Ung hindi makabasa ng updates, hindi ko din po alam kung bakit blank sa inyo. Try nyo pong burahin sa library nyo then iadd nyo ulit. O kaya irefresh nyo ung library.
Anyways, bukas ko na lang sasagutin ung mga messages. ^___^
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.