HDDL 27 - "That's Great"

154K 1.5K 63
                                    

Chapter 27

Inaantok pa ako nang pumasok kinabukasan. Umaga kasi ung shift ko. Idagdag pa na napuyat ako kagabi. Napaisip kasi ako sa sinabi ni Candice tungkol sa sitwasyon namin ni Exer. But all my thoughts end up with one thing and that's risking.

Pagpasok ko sa area namin, agad na bumungad ung tarpaulin na nakasabit sa station namin.  Hindi ko lang talaga napansin ung malaking tarp dahil nga antok na antok pa ko. Tsaka hindi pa ako nakakapag-almusal kaya lutang pa ko.

"Ginevra Cleo, can I court you?"nagtatakang basa ko sa nakasulat.

What? Court me? Sino may pakana nito?

Nasagot ang tanong ko nang lumabas mula sa kung saan ang may pakana ng lahat. Muntik pa ko mapanganga sa nabungaran ko.

"So, Ginny, can I court you?"Harry said shyly. He looks like a teenage boy asking his crush to be his date on prom. He's holding a bouquet of red roses. Beautiful but not my type. I prefer white and pink roses.

Nasa may pantry pala ung mga kasamahan ko kaya hindi ko kaagad sila nakita at nakangiti nang maluwang sa amin. Halatang kinikilig sila sa aming dalawa. Maging si Tita Caroline, nakangiti sa 'ming dalawa.

Hindi ko alam kung ano i-re-react ko. Nagulat kasi ako. I never expected this from Harry.

"So, can I?"muling tanong ni Harry.

Bago pa ko makasagot, muling bumukas ung pinto kaya napatingin kaming lahat.

***

>>>Exer's POV

I'm worried about Cleo. She's not answering my calls since last night. Did she change her mind about our set-up? Or did I scare her off because of what we did? And worse, something bad happened to her?

All those taughts are occupying my mind so, I decided to go to their apartment. Pero ang kaibigan nyang si Sapphire na lang ang naabutan ko. Ang sama ng tingin nya sa 'kin nang hanapin ko si Cleo. I can still remember what she'd said.

'Doc, nagpapasalamat ako sa ginawa mong pag-asikaso kay Cleo. But, it won't change the fact that you're still a man and I don't trust you, all of you,'mariin nyang sabi. Dumagdag pa kasi ung paghahanap ng maaga ko kay Cleo. Nagdududa sya kung ano ba ang kailangan ko nang ganoon kaaga.

Kaya ito, sa ospital na ako dumiretso para malaman ko kung ano ba nangyari kay Cleo. Pumunta ako sa station nila.

I don't know what to feel when I saw what's happening. Kitang-kita ko ung tarpaulin at ung nakasulat dun. It brought bitter taste on my mouth and I have this urge to pull that tarp and burn it to pieces.

I've all their attention when I entered the station. Then I met Cleo's face. Her face is mirrored with different emotions, guilty over something, confusion and something I can't decipher. Bigla kasi iyong nawala.

"Exer, mabuti naman nandito ka. I'm about to ask Ginny a permission to court her. What can you say?"nakangiting sabi ni Blake sa akin. Alam kong seryoso sya kay Cleo. And Cleo's mine but I don't know how to tell it straight to his face. This is the first time I've seen Blake being serious with a girl.

"That's g-great,"I said absentmindedly.

Wait? Did I say "that's great"? Damn!

"You heard him, Ginny? So, can I court you?"malawak ang ngiting tanong nya kay Cleo na nakatingin sa 'kin. Umilap ang mata nya na nakatutok sa 'kin. Naging malamig ung tingin nya bago bumaling ang kay Blake.

"S-sure,"kimi nyang sabi kay Blake.

Bakit sya pumayag? I'm starting to get pissed off. Pinigilan kong magtiim bagang at magkuyom ng mga kamay.

"Yes! Thanks, Ginny,"sabi ni Blake at hinawakan pa ang kamay ni Cleo.

Gustong-gusto ko syang hablutin palayo. Pero bago ko pa gawin, tumalikod na ako at muling lumabas ng station na mabigat ang pakiramdam.

Bahagya ko na lang din narinig ung kantyaw ng isang nurse. "Maka-yes ka naman, doc. Akala mo sinagot ka na,"

***

>>>Jewel's POV

"Go away, pet. I'm busy and stop being so nosy,"naiinid na sabi sa 'kin ni Kenshin. Sumugod ako sa opisina nya nang tawagan ako ng magaling kong kapatid na nanliligaw na sya kay Cleo. Halatang masayang-masaya sya. Sinabi pa nito na nandun si Ken at sumang-ayon daw. Kaya ito, balak kong batukan nang napakalakas etong tangang lalaking 'to.

"Bakit ba kasi ang tanga mo?"naiirita ko ring sabi. Alam ko namang nagkakaayos na sila ni Cleo ngayon eh. Nakita ko kaya sila nung party na sabay umalis. Tinawagan pa ko ni Sapphire pagkauwi nila nina Jill. Wala daw kasi si Cleo. Malakd ang kutob kong magkasama sila ni Ken buong magdamag. Hindi rin kasi umuwi sa bahay nila si Ken. That made me think that they already have something special.

"Will you just please get out of my office, Francesca Jewel Alleje?"sigaw nya sa 'kin. Alam kong napipikon na sya dahil tinawag na nya ako sa buong pangalan ko. Malakas ang loob nyang sumigaw dahil soundproof ang opisina nya. Hindi rin ako takot sa kanya. Ken is a real gentleman. At hindi nya rin ako kayang tiisin.

"No. Not until I've put sense to your clouded mind,"matigas kong sabi. "You could have said "no". My god, Ken. She's your girl and you let other man to try to win her heart? You must be out of your mind,"

"She's not yet my girl and this is the first time I've seen Blake doing this,"katwiran nya.

"But you love each other!"galit na galit na sabi ko. He have a twisted mind. Katwiran bang tama un? Ang tanga-tanga talaga nya.

Naging malamig ung tingin nga sa 'kin. Pagkatapos, tinuon nya ung tingin nya sa mga ginagawa na, as if telling me that I should leave him alone.

Nilapitan ko sya at pinitik sa noo. "Fix this, Ken. I know she's hurting right now. Ikaw ba naman ang halos ipamigay sa iba. If you're thinking about my bother, don't worry about him. I think he doesn't love Cleo in the true sense of the world,"

With that, I walked out of his office. I think I need Mom's help about this one. Things are getting out of my hands.

***

>>>Cleo's POV

Narinig kong lumabas sya dito sa station. Bahala sya sa buhay nya.

"Maka-yes ka naman, doc. Akala mo sinagot ka na,"buska ni Raven.

"Syempre nagpapractice na. Mas masaya syempre kapag sinagot na nya ako,"he said while smiling widely. "Right, Ginny?"

Ngumiti lang ako ng tipid. Pero sa loob ko, gusto kong umiyak nang umiyak. How can he say that this courting stage is great?

Para akong lutang buong umaga. Iniisip ko kung bakit basta na lang nya ako ipaubaya sa kaibigan nya. I thought we are sharing something special?

"Cleo, kanina pa umaagos yang pinaprime mong IV fluid,"puna sa 'kin ni Tita Caroline.

"Sorry po, Tita,"natatarantang sabi ko at agad sinara ung roller nung tubings.

"Ikabit mo na yan sa pasyente. Then, I need to talk to you,"seryoso nyang sabi.

Bigla naman akong kinabahan sa pag-uusapan namin. Ano kaya un at seryoso sya?

A/N:

Cliffhanger talaga ako kaya pasensya... ^___^V

Pero, plano talagang si Blake ang manliligaw... Matagal nang scene yan sa utak kong magulo... XD

P.S. Nagcacandy crush kayo? Level nyo na? Di ako makaalis sa level ko ngayon... :3

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon