Chapter 58
>>>Cleo's POV
Kanina pa ko nakatingin sa pinto ng operating room. It's been four hours since the operation started. Kinakabahan at natatakot pa din ako para kay tatay. Tatay managed to escaped death yesterday. Naging stable si Tatay pagkatapos syang irevive kahapon. Akala ko, tuluyan na kong magiging ulila. Kaya lubos kong ipinagpapasalamat sa Diyos ang himalang binigay nya.
Nakakaba pala talaga mag-antay sa labas ng operating room. You have no idea what's happening inside. I'm just thankful that Tito Leandro willingly accept to take tatay's case. Pero kahit na may tiwala ako kay Tito Leandro, natatakot pa din ako para sa kalagayan ni tatay. Siguro hindi na un mawawala hangga't hindi ko sya nakikitang maayos.
Medyo kumalma ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. I looked at Exer and managed to give him a small smile. Hinapit nya ako palapit sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Napapikit ako sa ginawa nya at iniyakap ung braso ko sa bewang nya.
"Thank you,"bulong ko sa kanya. Hindi nya ko iniwan simula kahapon. Sya ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan. Pagkatapos maging stable ni tatay ng ilang oras kahapon, inilipad namin sya dito sa ospital nina Exer gamit ung private chopper nila. Sya na din ang kumausap kay Tito Leandro para ipaalam ang nangyari. Pati ang operation ngayon, sya din ang nag-asikaso.
"You don't have to thank me, love,"sabi nya sa 'kin. "At ilang beses ko nang narinig ang 'thank you' na yan. You just have to kiss me, you know,"
Napangiti ako sabay kurot sa tagiliran nya na nagpaigtad sa kanya. May kiliti kasi sya sa tagiliran na lately ko lang din nalaman. Tumawa sya at niyakap ako ng mahigpit.
"That's it, love. Smile. I haven't seen you smile since yesterday and I know that Tatay would want to see it when he opens his eyes,"bulong nya sa 'kin.
"Thank you,"sabi ko ulit sa kanya. Sya lang ang kayang magpangiti sa 'kin kahit na natatakot ako ngayon.
"You're really asking for it,"sabi nya sa 'kin. And then, he brushed his lips on mine. It's just a chaste kiss but enough to make my heart melt. "I love you, love. I would do anything just to see your smile,"
Ngumiti ulit ako sa kanya. Sakto namang bumukas ung pinto ng operating room at lumabas si Tito Leandro.
Magkahawak ang kamay na sinalubong namin sya ni Exer.
"How's the operation, Uncle?"
Tumingin muna sa 'kin si Tito Leandro at ngumiti. "Naging maayos ang operasyon. Your father is one hell of a fighter, hija. He's in the recovery room. However, we still have to transfer him in the ICU just to monitor his condition closely,"
Napausal ako ng pasasalamat sa Diyos.
"Maraming salamat po,"umiiyak na sabi ko. Parang nawala din bigla ung kaba ko sa narinig ko.
"Iwan ko muna kayong dalawa. May pupuntahan pa kong pasyente. And by the way, Cleo, I need to discuss something with you some other time,"seryosong sabi ni Tito Leandro sa 'kin.
Hindi ko na masyado pang inisip ung sinabi nya dahil masyado akong natuwa para sa kondisyon ni Tatay.
***
Dahil hindi pa namin pwedeng puntahan si Tatay sa recovery room, niyaya ko si Exer na pumunta muna sa chapel. Iniwan ko din sina Candice at Jewel sa waiting area ng operating room if ever na mag kailanganin si Tatay.
Tahimik ang lumuhod at tahimik na umusal ng dasal sa Panginoon. Nagpasalamat ako sa pangalawang pagkakataon na makakasama ko si Tatay. I know that this is His miracle. Ipinagpasalamat ko din sa Kanya ang lahat ng biyaya na binigay nya sa 'kin, ang mga kaibigan ko at syempre si Exer.
He gave us problems because He wants us to be closer to Him.
***
Pagkatapos naming magdasal, pumunta kami sa office ni Exer. Nagpadala daw kasi ng pagkain si Tita Yuriko. Si Thunder ang nagdala. Pero umalis din sya agad pagkatapos nga kong kumustahin about kay Tatay. Sinabi nya din na pupunta si tita Yuriko mamaya.
"Baon na ko sa utang sa buong pamilya mo,"sabi ko kay Exer pagkatapos naming kumain. Nagpapababa lang kami ng kinain para pumunta na kay Tatay. Halos dalawang oras na din kasi kaming wala dun. Usually, 2-3 hours nagtatagal ang patient sa recovery room.
"What? Wala ka namang utang ah?"
"Alam ko kung gano kamahal ang operasyon ni tatay. at mahal pa ang ICU. Tapos mga doctor's fee pa. Kahit siguro magtrabaho ako buong buhay ko dito, hindi ko un mababayaran,"sabi ko sa kanya. Nagsink in lang sa 'kin un habang kumakain kami.
"No one asking you to pay for it. My family owns this hospital and you'll be a part of it. Kaya wag mong isipin na may babayaran ka. Isa pa, Tito Leandro willingly operate Tatay Francisco,"nakakunot ang noong sabi ni Exer sa 'kin.
"Pero, love, hindi pa din birong halaga un. Hindi kakayanin ng kunsensya ko na hindi un bayaran,"sabi ko sa kanya. Nakakahiya na porket boyfriend ko ung may-ari, free na ang lahat. Ayokong samantalahin ung relasyon naming dalawa.
"I don't care about that damn money. As much as I'm concern, you don't owe me anything,"
Hinawakan ko ung kamay nya. "Basta. Babayaran ko un,"
Pinitik nya ung noo ko. "No. What if you marry me and then we call it quits?"
***
"Cleng...anak, sabi ni Tatay pagkatapos nyang magmula ng mata. Nasa ICU na sya ngayon. May mga nakakabit pa ding mga aparato sa kanya pero hindi tulad kahapon, mas maayos na ung itsura nya. Pero halatang nahihirapan pa din syang magsalita at mukhang inaantok pa din sya. Effect ng anesthesia nya dahil sa katatapos lang na operasyon.
Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan ung ulo nya. "Magpahinga ka muna, Tay. Mahal na mahal po kita. Mag-uusap tayo kapag maayos ka na,"
Nakita kong ngumiti sya bago sya muling pumikit ulit. Tama nga si tito Leandro, he's really a fighter. Alam nyang hindi ko sya susukuan.
Pagkatapos kong siguraduhing komportable si tatay, lumabas ako ng room nya. Sakto namang, tumunog ung phone ko. Nagtaka pa ko at number lang.
"Hello,"
"Cleo, meet me at my house. We have to talk privately,"sabi nung nasa kabilang linya. Nabosesan ko kaagad sya. "And don't tell anyone regarding this,"
Ano pag-uusapan namin ni Tito Leandro at kailangang itago pa?
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.