Chapter 51
>>>Jewel's POV
"Pagbubuhulin ko talaga ung magkaibigang yun eh,"naiinis na sabi ko kina Candice at Jill patungkol kay Ken at kay Kuya Blake. "Nakakainis! Nakakainis!"
Kaming tatlo lang ang nandito sa condo unit ko.
"Ano ba ikinaiinis mo? Everybody happy naman ah?"sabi ni Candice.
"Pero, girl, pagpinagbuhol mo sila, pwede mo ba akong isama? Parang doctor kwak-kwak lang,"nagniningning ang matang sabi ni Jill.
"Oo, sila ung doctor. Ikaw ung kwak-kwak. Tutal mukha kang pato,"natatawang pang-aasar ni Candice.
"Leche ka. Ikiniganda mo yan? Hindi mo ba alam, nanalo ako ng---"
"Gay pageant sa barangay? Oo naman,"tumatawa pa din sabi ni Candice.
Natawa na din ako sa usapan nila. Sa magkakaibigan talaga, may laging nabubully. Sinimangutan na lang ni Jill si candice.
"So, ano ikinakainis mo?"tanong ni Jill.
"Kasi naman, etong magaling kong kapatid. Bigla na lang hinatak si Sapphire bago pa makapagspeech. Duh! May surprise din kaya ako para sa kanila. Isa pa, wala sa usapan ung ginawa nya during fashion show. Sukat ba namang sya ung nagtanggal ng cover up ni Sapphire. Napakalandi talaga nun. At etong si Ken, pagkapos manghalik, hinatak lang din si Cleo. Hindi na nga sinunod ung plano, hindi pa tinapos ung show. Tanan agad ginawa,"naiinis na namang sabi ko. Bakit ba nagkaroon ng kapatid at kaibigang tulad nila?
"Ano ka ba, Jewel? Syempre kung ganun ung hahatak sa 'yo? Papalag ka pa ba? Tsaka tanan un! Tanan! Sino ba ang aayaw?"nakangising sabi pa ni Jill.
Napafacepalm na lang kami ni Candice.
"Basta. Lagot sila sa 'kin kapag nakita ko silang dalawa,"hindi pa din papatalong sabi ko.
Ayoko pa naman nasisira mga plano ko. Sayang kasi sa brain cells.
***
>>>Cleo's POV
"San ba tayo pupunta?"tanong ko kay Exer. Pagkatapos kasi nung halikan namin, basta na lang nya ako hinatak at sumakay kami sa kotse nya. Ni hindi ako nakapagpalit ng damit. Basta na lang nya ako sinuotan ng jacket pagkasakay namin sa kotse. "Tsaka, baka magalit si tatay,"
Ni hindi din kami nakapag-usap ni tatay. Ang sarap isipin na sya ang tunay kong tatay. Kahit hindi ko pa alam kung pano nangyari pero basta ang importante, sya ang ama ko. I think, from the depth of my heart, I'm always yearning to be his true daughter.
Pero ang pinakaipinagpapasalamat ko, Exer and I can love each other.
"Don't worry about tatay Francisco. He's fine with this. But you can call him later after we arrive in our destination, love,"nakangiting sabi ni Exer na lumingon sa 'kin. Nagdadrive pa din kasi sya. "How I miss calling you 'love'. I love you and I'll always do,"
Hinigpitan ko ang pagkakapit sa kamay nya. Naluluha na naman ako. "Mahal na mahal din kita. Sorry, hindi ako nag-isip nang matino. Sorry, hindi ko man lang inisip ung magiging desisyon. Sorry---"napatigil ako nang bigla nyang inapakan ung preno.
Tuluyan na syang humarap sa 'kin at tinitigan ako nang mataman. How I miss watching his gray eyes that never fails to make my insides go crazy. Inilapit nya ung daliri nya sa labi ko. "Shhh. You don't say sorry for something you thought what is right to do. But next time, ask me first. Hindi lang ikaw ang nasa relasyong ito. We have to decide together. What we have is something rare and special. And you should know that saying 'I love you' is not enough to express this love I have for you,"
Lalo akong naiyak sa sinabi nya. How can I be so lucky to have him?
Natawa sya nang mahina at napapalatak. "Lalo ka namang umiyak,"
"Masaya lang ako. God really bless me to let me have one of His greatest creation and that is you. Mahal na mahal kita, Dr. Exer Kenshin Fuentes,"
"And I love you, Nurse Ginevra Cleo Bautista"
***
"Bakit kailangang nakapiring pa ko?"tanong ko kay Exer. Inaalalayan nya ako habang nakapiring ako. Bago pa kami makarating dito, sinuotan nya ako ng piring kaya hindi ko nakita kung san kami pumunta. But I have a vague idea that we are in a beach. Naramdaman ko kasi ung buhangin nang maingat na tinanggal ni Exer ung suot kong pumps.
"It will ruin the surprise, love. I'm just making sure that you'll enjoy this completely,"bulong nya sa 'kin. Para tuloy akong nangaligkig, hindi sa lamig kundi sa init nararamdam ko mula sa hininga nya. And that heat traveled throughout my body.
Maya-maya tumigil din kami. Dahan-dahan nyang tinanggal ung piring ko.
"Surprise, love. Happy first monthsary,"sabi nya at kinintalan ng halik ung ilong ko.
Monthsary namin? Shemay! Oo nga pala. Dahil sa sobrang preoccupied ako sa mga nangyari, nawala sa isip ko na isang buwan na pala kami.
"S-sorry. Hindi ko naalala na---"
"I know and I don't care. This surprise is just telling you I'm lucky that you've already given me a month to call you mine,"
Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan ko sya. I kissed him fervently. I poured all the love in the kiss. Hindi ko alam kung gano katagal ung namagitang halik sa 'min. Basta alam ko, parehas kaming hinihingal nang maghiwalay kami.
"Whoah! Dapat pala lagi kitang sinosurprise,"sabi nya sa 'kin.
Nahiya naman ako agad sa ginawa ko. First time ko kasing nag-initiate ng ganun kainit na halik. Inilibot ko na lang ung paningin ko sa paligid. Doon ko nakita kung gano kaganda ung lugar. May isang mahabang trail mula sa dalampasigan papunta dito sa kinakatayuan namin. May mga lanterns na nakakalat sa mga gilid. At dito sa may kinakatayuan namin, may nakaset up na dinner table with matching kandila pa. May nakaprepare na din na pagkain. We're literally having a candlelit dinner in the ocean. Mas romantic ung ambience dahil ung lantern at ung candle lang ung nagbibigay ng liwanag.
"Don't worry, love. I didn't cook it. My mom did,"sabi ni Exer nung nakita nyang nakatingin ako sa pagkain.
"Sira. Kahit ikaw ang nagluto, kakainin ko pa din yan. Sobrang ganda netong lugar na 'to. Thank you, love. Asan pala tayo?"
"Look around, love,"sabi nya sa 'kin.
Sinunod ko sya at napatanga ako nang marealize ko kung nasan kami.
Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. A place where destiny and magic collided.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^Sorry. Napublish kanina. Mali lang ako ng click. Lol. Pero eto na. Inaantok na ko kaya pasensya bitin. Bawi ako sa susunod. Lalagyan ko ng *red alert* kung matutuwa ako sa comments. *evil laugh*
P.S. Ung picture sa media ung surprise dinner.
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.