HDDL 65 - Deserve

75.5K 1.6K 601
                                    

Chapter 65

>>>Exer's POV

Pagkaalis ko sa party, I went straight to my condo. I want to drown myself with alcohol to forget that damn video. May stocks ako ng alak sa condo kaya hindi ko na kailangan pang bumili sa labas.

Nakailang baso na ko ng alak na iniinom ko nang bumalik ung sakit pagkaalala ko kay Cleo. I can't bear thinking of her being touched by other men. I was her first and she's supposed to be with me alone. She should be mine but I guess that's not what she's thinking.

Gusto kong bawiin ung sinabi ko sa kanya na gusto kong pagsisisihan na minahal ko sya lalo na nung bumalatay ung sakit sa mukha nya. But I can't do that. I'm too hurt to get back my words. Siguro ganun talaga kapag nasasaktan ka. Gusto mo ding maramdaman ng taong iyon ang sakit. You want to save your ego and pride. But nevertheless, I'm not regretting loving her. Yes, I'm hurting because of what she did but I know that I still love her and I don't know if this damn heart of mine will stop loving her.

Inilabas ko sa bulsa ko ung kahita ng engagement ring. Tumawa ako nang pagak bago binato na lang kung saan. Wala na ding kwenta ung singsing na un. It's just reminding me how foolish I am for intending to marry her. Siguro nga ako may kulang, nasa kin ang mali kaya nya ginawa un. Hindi nya nakita na kaya ko namang ibigay sa kanya ang lahat. The moment I realized I love her, she already own me and everything I have. May lalong umantak ung sakit sa dibdib ko sa isipang un.

Then, I heard my doorbell. Hindi ko sana papansinin pero ilang parang ayaw ako patahimikin.

"What?!!"I snapped after I opened the door.

"S-sorry, Exer. I d-didn't mean to--"

"Sorry, brat for snapping. Busy ako. Anong kailangan mo?"tanong ko kay Athena.

Lumapit sya sa 'kin at niyakap ako. "I'm sorry, Exer that you're hurting. Makakalimutan mo din ang babaeng iyon. She doesn't deserve you,"

Napabuntong-hininga ako bago nilayo sya sa 'kin. "Athena, I'm thankful of this but I want to be alone,"

Umiling sya. "No. Gusto kitang samahan. Baka kung anong mangyari sa 'yo,"

"I will not do anything reckless. I promise,"

"Kahit na. Sasamahan kita. Kahit na hindi ka magsalita. Basta sasamahan kita,"sabi nya bago ako itinulak para makapasok sya.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok. Bakit ba ang gulo ng mga babae?

***

>>>Cleo's POV

Nagulat pa ko nang may humawak sa balikat ko. Hindi ko alam kung gano na ko katagal nandito sa lobby at umiiyak. Hindi ko na din alam kung gano katagal nung umalis si Exer.

"Anak,"nag-aalalang sabi sa 'kin ni Mama Yuriko. Lumingon ako sa kanya na hilam ng luha ung mata ko.

"Mama, pinagsisisihan daw nya na minahal nya ko,"garalgal ang boses na sabi ko. Sobrang sakit ung binitawan nyang salita. Bakit nya sinabi un nang hindi man lang hinihingi ung paliwanag ko sa nangyari. Hindi ako ung babae sa pangalawang video. Exer is my first and only lover.

"Shhh. Makakasama sa baby mo na yan,"masuyong sabi nya sa 'kin. Inalalayan nya kong tumayo at iginiya nya ko sa isang sofa.

Niyakap nya ko at hinayaang umiyak sa dibdib nya. I'm thankful that she's here. Hindi ko alam kung pano aalis ung sakit na nasa dibdib. Sana isang bangungot lang ang lahat ng nangyari.

"Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari, anak. Pero kung hindi ka pa handang magkwento, irerespeto ko un,"sabi nya at patuloy pa din nyang hinahaplos ung likod ko.

Huminga muna ako nang malalim at pilit na kinokontrol ung pag-iyak ko. Sana sa bawat luhang nilalabas, mababawasan ang sakit. Pero parang mas nadadagdagan pa.

Sa putol-putol na kwento, nasabi ko kay Mama Yuriko kung pano kami nagkakilala ni Exer hanggang sa mga sinabi ni Exer kanina.

"Pero, Ma. Hindi ko talaga alam kung sino ung babae du---"

"Shhh. Alam kong hindi ikaw un. What you did before was brave and it signifies how you love unconditionally. Nagawa mong isakripisyon ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo sa tatay mo. And maybe, it's really your destiny to be there and to meet my stupid son. Nakita ko kung gano mo kamahal ang anak ko at alam kong hindi mo magawa kung ano man ang nasa video na un. My son is really a jerk but I know that he's just hurting. May mga tao na hindi basta-basta nakikinig sa paliwanag ng mga taong mahal nila dahil sobra silang nasasaktan. That bastard son of mine really loves you, Cleo and besides, you have a life in your womb. That's the evidence of that love,"masuyo ang ngiting sabi sa 'kin ni Mama.

"Pano kung hindi sya makikinig sa 'kin?"nag-aalangang sabi ko.

"And that's his problem. Kahit na anak ko sya, kung hindi nya papakinggan ung side mo, ako mismo ang magtatago sa 'yo mula sa kanya. He doesn't deserve you kung papanindigan nya ang tigas ng ulo nya. But give him space for now, Cleo. Kausapin mo na lang sya bukas. At isa pa, kailangan mo nang magpahinga,"sabi nya sa 'kin.

"Pano po ung mga tao na nakakita ng video?"

"It really doesn't make sense. Siguradong hindi din nila ung maiintindihan. Kahit ako, hindi ko din iyon naintindihan. Nakita ko lang na umalis kayo ng anak ko kaya alam kong may kinalaman kayo dun. And Whoever did that stunt will pay. Magdasal na sya kung nasan man sya. I'll make sure to make her or his life miserable,"

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Sorry maikli. Sabog kasi si ako. Bawi ako next time. Konting kapit na lang, matatapos na sya. :/
Anyways, Matutulog na ko. ^__^ #walangtulog #HDDL

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon