HDDL 19 - Nature

168K 1.8K 117
                                    

A/N:

Sorry natagalan sa ud... Busy much eh... Inaantay ko ring mabuhay ang ud... Wala daw kasing buhay... XD Pano bang bumuhay ng ud? ^___^

Chapter 19

>>>Blake's POV

"Bakit kasi kailangang ako pa ang hinatak mong magshopping, pangit? Tsaka bakit ka pa magshoshopping?" patuloy na reklamo ko kay Jewel. Balak ko sanang puntahan si Ginny pero ang magaling kong kapatid, sinama ako sa pagshoshopping nya. It's not as if she ran out of clothes. She's a designer afterall. Hindi ko alam kung ano naisipan nya magshoshopping pa.

"Kuya, shopping is good for my business. Nakikita ko ung designs ng iba. Dahil dun, nakakagawa ako ng mga mas magagandang designs. At bakit ikaw ang sinama ko? Wala lang. I wanna spend a whole day with my bakulaw big brother,"nakangisi nyang sabi habang nakaangkla ung kamay nya sa braso ko.

"I have something important to do than spending a day with my pangit little sister,"pang-aasar ko sa kanya. Dahil mas bata sya sa kin, mas madalas ko syang asarin.

"Hindi mo na ko love ah. Mas inuuna mo na ung iba,"pagtatampo nya. But I know her too well. My sister is one hell of an actress. Not to mention, a manipulator.

Ginulo ko ung buhok nya gamit ang libre kong kamay. "She's not just another person. She's so special,"sabi ko patungkol kay Ginny.

"I don't care. Basta bonding time natin 'to,"nakalabi nyang sabi pero naglalaro ang kapilyahan sa mata.

"Fine. Para namang makakawala ako sa pangugulit ng isang pangit dyan,"sumusukong sabi ko. Kapag kasi tinanggihan mo sya, lalo lang nangungulit hanggang sa ikaw na ang magsawa.

Paikot-ikot lang kami sa mall. Labas-masok sa mga boutiques. Mabuti na lang konti lang ang binili nya kaya hindi ko kailangang magdala nang napakarami.

"Napagod ako sa kakaikot natin. Next time, si Exer naman ang kulitin mo,"sabi ko sa kanya. Mas matyaga naman kasi si Exer kesa sa kin pagdating kay Jewel.

"Mas masarap kang kulitin eh,"nakabelat pang sabi nya. Palabas na kami sa restaurant na nasa loob ng mall. Sa wakas, makakauwi na kami.

"But Exer can tolerate your whims. Masyado akong abala---"naputol ung sasabihin ko nang mapansin kong wala na pala akong kausap. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko sya makita. Saan nagsususuot ung pangit na yun at biglang nawala?

Sinubukan kong tawagan pero operator lang ang sumasagot. Naiinis na binulsa ko ung cellphone ko at nagpasyang maglakad lakad. Maya-maya, naramdaman kong nagvibrate ung cellphone. Nang tignan ko, nagtext ang magaling kong kapatid.

Meet her at the garden of the mall at may nakita lang daw syang interesanteng bagay. Naiinis na pumunta ako sa labas.

Nagulat pa ko nang may nakita akong nakuyukong babae. Pero base sa pagyugyog ng balikat nya, masasabi kong umiiyak sya. I really can't stand to see a woman crying. Dahil na rin siguro puro babae ang mga kapatid ko kaya ganun.

Nilapitan ko sya at inabot ung panyo ko. "Here,"

"I don't need it. Meron ako,"mataray nyang sabi. I recognized that voice. Pinilit kong ibigay ung panyo para matiyak kong sya nga un.

Nag-angat sya ng tingin. "Pwede ba---"

My heart went to her. Her face is so sad especially her eyes. Halatang nasasaktan ito. Ngayon ko lang syang nakitang nagpakita ng kahinaan. Lagi syang maaskad kung kumilos at magsalita na animo walang kinatatakutan. But deep inside that tough façade, lie a wounded person. I wonder what makes her cry,

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon