HDDL 14 - Love Square

202K 2K 81
                                    

Chapter 14

>>>Cleo's POV

"Bakit ang init ng dugo sa tulad kong gwapo ung kaibigan mong dragonesa?"nakasimangot na reklamo sa kin ni Harry. Nandito pa rin sya nakikigulo sa station namin. Si Sapphire nasa loob ng room ng patient kaya malakas ang loob nyang magsalita.

Natawa ako sa kanya. Hindi ata sya sanay na sinusungitan ng mga babae. Kunsabagay, mukha syang babaero base na rin sa pakikisama nya sa mga nurses dun sa station.

Nag-angat ako ng tingin mula sa chart. "Ganu talaga un. Inis un sa mga lalaki lalo na sa mga babaero,"nakangiting sabi ko.

"Hah! Hindi naman ako babaero. Kasalanan ko bang lapitin ako ng babae? They chase me not the other way around,"

"Doc, wala namang babaerong umamin na babaero sila ah?"singit ni Ma'am Caroline, ang mommy ni Harry and at the same time, head nurse namin. Mabait sya at magiliw sa lahat. Doc ang pet name nya sa anak.

"Mom, I'm your favorite son remember? You should symphatize with me,"reklamo ni Harry sa ina pero nakangiti naman ang mga mata nito.

"You're my only son, Doc,"nakangiting sabi ni Ma'am Caroline sa anak na ginulo pa ang buhok nito.

"I'm still you're favorite,"nakangising sabi ni Blake.

Umiiling lang akong pinagpatuloy ung ginagawa ko. Who would have thought that one of the top caliber neurosurgeon has his own childishness?

Nakakatawang panoorin ung kakulitan nito.

"Doc, wala ka bang pasyente at nakikitambay ka dito sa kaharian namin?"sita ni Ma'am Caroline.

"Mom, wala pa kong nakaschedule na operation ngayong araw. Bukas pa. And besides, I love this station. Maraming magagandang nurses,"nakangiting sabi ni Harry. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng nurses station. "Katulad na lang nya,"sabi ni Harry at tinuro si Sapphire.

"Wag kang manuro, Doc. Baka manuno ka at masiyahan pa ko. And I don't like the compliment,"nakabusangot na sabi ni Sapphire at kinuha ang chart na nasa gilid ni Harry.

"Mom, sabi sa inyo, pwera lang sa kanya,"bawi ni Harry.

Biglang napahiyaw si Harry sa sakit.

"Damn! Gusto mo bang mabali ung kamay ko?"reklamo ni Harry kay Sapphire.

Parang balewala lang na tinignan ni Sapphire ung nasaktang daliri ni Harry sabay sabing,"Sorry, Doc. Hindi ko napansin ung kamay nyo nang ibaba ko ung chart,"

Tawa lang nang tawa si Ma'am Caroline sa sinapit ng anak. Pati ako natawa. Ngayon ko lang nakita si Sapphire na ganito kainis, nagiging pisikal na kasi sya eh.

"Doc, tinigilan mo na yang si Ma'am Sapphire. Sa kin ka na lang,"singit ni Raven.

"Next lifetime, Ma'am. I already found my partner,"sagot ni Harry at sumulyap sa kin. Biglang nag-init ung pisngi ko sa ginawi nya. Para kasing may gusto syang ipahiwatig.

Nailang ako sa paraan ng pagtingin nya kaya binaling ko sa iba ung paningin ko.

Bakit ba ganun sya makatingin?

Muling bumukas ung pinto ng nurse's station pero hindi ko na inabala pang tumingin.

"Blake, what are you doing here? Kelan ka pa naging pediatrician?"sita ng kakarating lang kay Blake.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Biglang bumilis ung tibok ng puso ko. Halos araw-araw ko syang nakikita pero ganun pa rin ang epekto nya sa kin. Hindi ko alam kung para san ung pagbilis ng tibok ng puso ko o ang panginginig ng kamay ko.

"Nothing. I'm just enjoying the company of the nurses here,"

"Exer, Hijo, nanggugulo lang yan ng mga nurses ko dito,"sumbong ni Ma'am Caroline.

"Lagi namang nanggugulo yan, Tita,"sabi ni Exer sa ginang pagkatapos binalingan nito si Harry,"May naghahanap sa 'yo sa office ko. Dalawang linggo mo na daw hindi sinasagot ang tawag nya. I can't remember the name if it's Riezel or Liezel,"

"Babaero,"bulong ni Sapphire.

"Hindi ako babaero,"sabi agad ni Harry na inirapan lang ni Sapphire at pumunta sa pantry dala ung chart na binagsak nya kanina sa kamay ni Harry.

"I don't know her name either. Hayaan mo sya. Magsasawa rin un,"

"Paalisin mo sa office ko un,"sabi ni Exer at bumalin sya sa kin. "Cleo, come with me,"

"Bakit first name basis kayo? Magkakilala kayo?"singit ni Harry. "At bakit kailangang si Ginny?"

Bago pa ko makasagot, naunahan na ko ni Exer,"Yes. We've met months ago. And why are you calling her Ginny?"

"Because she's Ginevra Cleo and Harry Potter's Ginny's real name is Ginevra,"sagot ni Harry. I can feel the tension between the two of them.

Tumayo na ko bago pa magkatanungan ng kung anu-ano ung dalawa. "Doc, samahan ko na po kayo,"

Naunang lumabas ng station si Exer. Tinanguan ko muna si Harry na parang nagtataka pa bago ko sinundan si Exer.

***

>>>Exer's POV

"Blake is a womanizer. I know it because he's my best friend. Stay away from him if you don't want to get hurt,"sabi ko kay Cleo nang maramdaman kong sumunod sya sa kin.

Nakita ko kung pano tingnan ni Blake si Cleo kanina. I know he has a thing for her and I can't help but feel something bad about it. Perhaps, Cleo's already my friend and I don't want my bestfriend to hurt my friend. Un siguro ang lohikal na paliwanag dun.

"Magkaibigan lang kami ni Harry,"sagot nya.

Ipinagkibit balikat ko lang ung sinabi nya. Ngayon magkaibigan sila. Paano sa mga susunod na araw? Alam nya ang karakas ng kaibigan kung gano ito katinik sa babae.

Pagkatapos kong magrounds, bumalik din kami sa station nang hindi nagkikibuan. Sinulat ko lang ung instructions ko sa chart bago ako nagpaalam na umalis pero bago ako makaalis, narinig ko pa ung pagyaya ni Blake kay Cleo.

"Sunday is your off, right?"tanong ni Blake

"Yes. Bakit?"

"Are you up for our ice cream date?"

"Sure,"pagpayag ni Cleo.

May date agad sila? Ang bilis naman ata? Kelan lang ba sila nagkakilala? Dahil sa narinig ko, hindi ko namalayan na napalakas pala ung pagkakasara ko nang pinto ng station kaya napatingin silang lahat sa gawi ko.

"I'm sorry,"simpeng sabi ko bago tumalikod nang tuluyan. Their date is the only thing that's occupying my mind right now and it makes me lose my temper.

***

>>>Blake's POV

"Sunday is your off, right?"tanong ko agad kay Ginny pagbalik nya sa station. Kanina, nagpaalam na ko kay Mommy at pumayag na rin sya. Naeexcite din syang ipatikim ang ipinagmamalaki nyang ice cream sa ibang tao.

"Yes. Bakit?"

"Are you up for our ice cream date?"

Nag-isip sya saglit bago ngumiti.

"Sure,"pagpayag ni Cleo. Hindi ko akalain na ganun sya kabilis na pumayag. Kunsabagay, baka dahil nakilala nya si Mommy.

Nagulat pa ko dahil sa pagsara ng pinto ng station. Transparent un kaya nakita ko si Exer na salubong ang kilay. Nagsorry ito bago tumalikod.

Anong problema nun? Baka busy lang dahil sa daming ginagawa at marami itong pasyente sa ngayon.

Mabuti na lang ako, hindi masyadong busy ngayon araw pero sa mga susunod na araw, sunud-sunod ang scheduled operation ko. Kaya dapat kong maayos ang lahat bago mag-Sunday. I'm looking forward with our date. Kahit pa sabihing hindi sya ung normal na date. Para akong teenager na makikipagdate sa unang pagkakataon. I can't help but feel happy and excited about it.

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^____^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon