Chapter 66
>>>Cleo's POV
I'm looking at myself in the mirror. All I can see is a broken woman. Hindi nakaayos ang buhok nya, mugto ang mata mula sa matagal na pag-iyak, namumula ang ilong at may bahid na natuyong luha ang mga pisngi. But her eyes were the worst. It lacked life. It looked like happiness was drained out of them.
Nagising ako dahil parang bumabaliktad ung sikmura ko. I'm starting to experience morning sickness. Dali-dali akong pumunta sa banyo para sumuka. Nang matapos ako, doon ako napatingin sa salamin. I look how I feel inside, empty. I tried to smile but all I can still see is the sadness in my eyes.
I brushed my teeth and gargle several times to remove the unpleasant taste out of my mouth. Pagkatapos, tumapat ako sa shower. Inisip ko ang lahat ng nangyari kagabi kaya muli na namang umantak ung sakit sa dibdib ko. I still can't believe the turn of events. We were happy but the next thing I knew, he's saying that he don't know if he should regretting loving me.
Pinigilan kong umiiyak dahil magdamag ko nang ginawa un. At isa pa, may isang mahalaga sa kin na umaasa sa 'kin, my baby. Hinawakan ko ung tyan ko.
"Hey, baby love, sorry, iyak nang iyak si Mommy ha? Pero kapit ka lang nang mabuti dyan. Mommy needs you. We won't give up on your dad. I love you, baby love,"sabi ko habang hinahaplos ung tyan ko.
Nakapagdesisyon na ko kagabi na kakausapin ko si Exer ngayon. I can't bear letting him think of regretting to love him. What we have is a too wonderful for that.
Pagkatapos kong magbabad sa shower, lumabas na ko para makapagbihis agad. Pupuntahan ko pa si Exer sa condo nya. Si Mommy Yuriko ang nagsabi na nandun daw si Exer. Hindi ko alam kung saan o kanino nya nalaman.
Katatapos ko lang magbihis nang may kumatok sa kwarto. Lumapit ako sa pintuan para buksan. Ni-lock ko kasi un bago matulog. Nandito ako pinatulog ni Mommy Yuriko sa bahay nila, specifically, sa kwarto ni Exer. Dito kasi nya ako dinala kagabi. Mas magiging panatag daw kasi sya kung nandito ako. Hinayaan ko na lang sya.
Nabungaran ko si Syrelle sa labas. "Can I come in?"
I stepped backward to let her in. Lumapit ako sa kama at umupo. Sumunod naman sya at tumabi sa 'kin.
"Ate Cleo, alam kong may problema kayo ni kuya. I won't ask what it is but please, don't give up on him. Nakita ko kung gano naging masaya si kuya simula nung nakilala nya. Puro trabaho at pagtulong sa iba ang ginagawa nya but when he met you, he learned how to balance his personal life and work. I often caught him smile lalo na pag mag-isa sya. I know that he's thinking about you. He's crazy in love with you. Kaya please ate, kung ano man nangyayari sa inyo, wag na wag kang bibitaw sa kanya. I already love you as my sister and I won't accept any woman for my brother except you,"mahabang sabi nya sa 'kin.
Napaluha naman ako sa sinabi nya. "Sy, wala naman akong balak bitawan ang kuya mo. He's stubborn but I also fell in love with him, crazily, madly and irrevocably. And I learned to love his family dearly,"
"Thank you, ate,"sabi nya at niyakap ako. "Sya nga pala, kami ni kuya Thunder and maghahatid sa 'yo sa condo ni kuya,"dagdag nya.
After a few chitchat, nagpaalam na sya na magbibihis. When she was about to close the door, nilingon nya ulit ako. "Ate, sya nga pala, I can't wait to see my niece and nephew,"she said and winked at me bago sya tuluyang umalis.
Pano nya nalaman iyon?
***
"Kuya Thunder, baka gusto mong bilisan pa ang pagmamaneho? Nahihiya naman ako sa 'yo,"sarkastikong sabi ni Syrelle sa kuya nya. Medyo mabilis kasi ung pagmamaneho ni Thunder. It doesn't mind me dahil alam kong car racer si Thunder. Isa pa, mangilan-ngilan lang naman ang mga sasakyan at halatang kahit mabilis, maingat naman sya.
Nasa passenger seat si Syrelle habang nasa likod naman ako.
"As you wish, princess," sabi ni Thunder at lalo pang binilisan ang pagmamaneho.
"Kuya!!! Sasakalin talaga kita. Isusumbong kita kay Papa at kay kuya Cloud,"sigaw ni Syrelle at nakita ko pa syang humawak sa may upuan. Tumawa naman nang malakas si Thunder at medyo binagalan ung pagmamaneho.
"Sumbungera ka pa din, liit. Kaya ka hindi magustuhan ni Hunter eh,"pang-aasar ni Thunder kay Syrelle.
Nakakatuwa ung pag-aasaran nilang dalawa. I hope my children will have a bond like them.
"Pakialam ko sa taong grasang iyon?"
"He's a mechanic, brat. And you know how rich he is. Gusto lang talaga nyang magkalikot ng sasakyan. Tsaka mas lamang lang ako ng isang paligo sa kagwapuhan nun,"nakangising sabi ni Thunder at lumingon pa kay Syrelle na umuusok ang ilong.
"Parehas lang kayong makapal ang mukha. At para sa 'kin, taong grasa pa din sya,"naiinis na sabi ni Syrelle. Pagkatapos, bumaling sya sa 'kin. "Ate, malapit na tayo, ready ka na ba?"
Ready na nga ba ako?
Tipid akong ngumiti kay Syrelle. "I'm trying."
Lumingon si Thunder mula sa rearview mirror. "My brother is an ass, Cleo. If you change your mind about him, I can help you move o--- aw! Ano ba, liit???"sabi ni thunder dahil hinampas sya ni Syrelle sa braso.
"Ang ano mo kasi eh. Sasakalin na talaga kita,"
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. But I'm thankful that they somehow distracted me from thinking too much. Kinakabahan kasi talaga akong kausapin si Exer ngayon. Paano kung talagang pinagsisihan nyang minahal nya ko? What would happen to me and our unborn child?
Naputol lang ang pag-iisip ko nang huminto ang sasakyan. Nandito na pala kami sa tapat ng condominium building ni Exer.
Lumingon ako kina Syrelle. "We'll wait for you here, ate,"
"Cleo, Exer can be hard-headed. Kapag hindi sya natauhan sa pag-uusap nya, sabihin mo sa 'kin nang mabubugbog ko. Good luck,"sabi ni Thunder sa 'kin. Pagkatapos kong magpasalamat sa kanila, lumabas na ko ng sasakyan.
'I can do this,' sabi ko sa sarili ko.
***
Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ung pinto ng condo ni Exer. He gave me an access before kaya nakakapasok ako agad.
I was greeted by a strong scent of liquor. Parang gustong bumaliktad uli ng sikmura ko pero pinilit kong wag masuka. Madaming nakakalat na bote ng alak sa sala. May ilan pa na basag. Mukhang nasa kwarto si Exer kaya agad akong pumunta dun. Hindi ko kasi kaya ung amoy ng sala nya.
Hindi nakabukas ang kwarto kaya pumasok na ko agad. Nakita ko syang nakadapa sa kama. He's still wearing the same clothes that he wore last night. Lumapit ako sa kama at pinagmasdan sya. Kahit na tulog sya, halatang may iniinda sya. He doesn't look peaceful even at sleep. Mukhang parehas kaming miserable buong magdamag. Pinigilan kong humikbi habang nakatitig sa kanya. I have a strong urge to kiss him, to kiss away all the pain that last night brought us. Akmang hahaplusin ko ung pisngi nya nang bigla syang magising. He looked at me directly in my eyes. I can see the sadness in his eyes, exactly what I can see mine.
"You're here,"bulong nya. Pagkatapos, hinawakan nya ko sa pisngi at pinunasan ung luha ko. "Tell me, Cleo, ano bang kulang sa 'kin?"malungkot na sabi nya 'kin. I saw him tear up and it broke my heart a million times.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^Sorry natagalan. Sobrang busy po ako. May patient pa kami na nagchechemo. He's only 4 years old and diagnosed with leukemia. Naiiyak ako minsan kapag kausap ko sya or ung parents nya. Mature kasi mag-isip ung bata. Please pray for him. :/ Thank you, loves.
Anyways, wag na kayo magalit kay Exer. ^___^
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.