HDDL 45 - Her Cry

67.4K 963 31
                                    

Chapter 45

>>> Cleo's POV

Kanina pa ko nag-aantay dito sa restaurant. I just realized yesterday that I need to tell Exer about the truth as soon as possible. It won't do any good if he will be oblivious of the fact that we might be cousins. I don't want to think about it but it keeps creeping on mind, slowly killing me on the inside.

Withholding the truth from him won't make it less bearable. I want him to know why I need to stay away from him and why Tatay didn't want him for me.

Maaga akong dumating dito sa restaurant kesa sa sinabi kong oras dahil gusto kong kumuha nang maraming lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat. Isa pa, ayoko na mauna sya dito dahil baka pagdating ko at nakita ko sya, hindi ko mapigilang yakapin sya. At least kapag nakaupo ako, may mesa at upuan na pipigil sa pagtayo ko. I miss him terribly. I know it's not right but I can't help it. I love him too much and even if I know I need to stop, my whole body can't. Pinili ko din etong pwesto na 'to na medyo private dahil walang nakapaligid na mesa. Medyo tago din sya dahil may nga nakaharang na mga halaman. It will give us the privacy we will need later.

"Oorder na po ba kayo, Ma'am?"magalang na sabi sa 'kin nung waiter. Nakailang tanong na sya sa 'kin simula nang dumating ako.

"Hindi pa. May inaantay pa ko,"tipid kong sabi. Ilang beses na ding ganyan ang sagot ko. Bakit ba may mga taong kailangang paulit-ulit na tanungin ng kaparehas na tanong? Eh ganun din naman ang isasagot. Kapag ba inulit, mag-iiba na ang sagot?

Magalang na yumukod ung waiter at umalis. Napatingin ako sa may bintana. Dun ko lang napansin ang itsura ko. I looked like a mess. Nangangalumata ako dahil sa puyat at medyo namamaga ung mata ko. Simula kasi ung nalaman ko un, wala na kong ginawa kundi ang umiyak. Yung buhok ko, pwede nang mangitlog ang manok sa gulo. Basta ko na lang din kasi tinalian nang walang suklay suklay. Ang oily din ng mukha ko dahil hindi man lang ako nagpolbo. Kung nandito siguro si Jill sisigawan nya ko ng "Bakla ka! Ang oily ng fez mo. You know what? Oiliness is next to povertiness"

Tumigil lang ang pag-aanalisa ko sa itsura ko nang makita kong huminto ang sasakyan ni Exer sa tapat ng restaurant. Muli na namang nangilid ang luha sa mata ko nang makita ko syang bumaba ng restaurant pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak. I miss him terribly even though I know that it is wrong.

Sinabi ko na kanina sa maître d' kung sino inaantay ko. Nakitang agad na inasistehan nya si Exer. Kung hindi lang madami akong iniisip, sinimangutan ko na sya. Wagas kasing makangiti kay Exer. Halatang nagpapacute. Inaantay kong makalapit sila sa 'kin.

"Thank you,"tipid na sabi ni Exer dun sa babae na parang wala lang sa kanya ung pagpapacute nito. Tinalikuran na ni Exer ung babae. at dun naman sya humarap sa 'kin.

Parang lalong tumigil ang mundo ko nang magtama ang mata namin. I can see the worry and sadness in his eyes. Halatang hindi din sya nakatulog nang maayos. He has one-day stubbles. Pero kahit ganun, masyado pa ding syang gwapo. He's really an eye candy and he never failed to make my heart skip a beat.

Naglakad sya sa 'kin at hinila ako. Pagkatapos, bigla nya kong niyakap nang mahigpit. "I miss you, love,"he said and the next thing I know, he was kissing me passionately. He coaxed my mouth to open up for him. But when his tongue touched mine, I froze. Doon ako natauhan na hindi pala namin dapat ginagawa 'to. Mas ako may kasalanan dahil ako ang may alam at ako ang tumugon.

Natigil ung paghalik nya nang maramdam nyang hindi na ko tumtugon. Inilayo nya ako sa kanya at tumingin nang mataman sa mata ko. Darn that beautiful gray eyes of his. "What happened, love?"

Para akong upos ng kandila na umupo. I gestured him to sit across the table. Hindi ko kakayaning makatabi sya sa estado ng emosyon ko ngayon. Nawalan din pala ng saysay ung preparation ko kanina pati ung pag-upo ko agad dito, wala ring kwenta.

Huminga muna ako nang malalim at direktang tumingin sa kanya. "Kailangan na nating tapusin kung ano man ang meron tayo," sabi ko nang wala nang paligoy-ligoy pa.

Shock and hurt were instantly all over his handsome face. Pinilit kong pigilan ang kamay ko na haplusin ang mukha nya at tanggalin ang lahat ng sakit sa mata nya pero hindi pwede.

Nagulat ako nang hampasin nya ung table. Right there and then, nagsimulang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Bakit sobrang sakit?

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Next UD would be Exer's POV. Sorry maikli. Hindi nagana nang maayos utak ko. XD

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon