Chapter 50
>>>Cleo's POV
"Okay ka lang ba, Cleo?"tanong sa 'kin ni Sapphire. Nasa backstage kami. Nagsimula na ung fashion show kanina pa. Isang beses lang naman kami rarampa ni Sapphire, sa bandang dulo pa kami. Kami kasi ang may suot ng pinakamahal sa lahat ng collection ni Jewel. Nasa may audience si Jewel kasama si Tatay. Nagulat pa ko kanina na dumating si Tatay. Kasabay nun, naconscious din ako sa suot ko.
"Oo. Kinakabahan lang talaga ako,"sagot ko sa kanya.
I'm wearing a skimpy swimsuit. Kulay aqua blue sya na ang tabi, nagsisimula sa gitna ng dibdib at nakapaikot sa leeg. Ung pangbaba naman, string lang ung tali nya sa magkabilang gilid ng hips. May manipis akong suot na cover up na white. Kahit na may patong ung swimsuit ko, naiilang pa din ako. Hindi naman kasi ako sanay na magsuot ng ganito, lalo pa at sa harap ng maraming tao.
I haven't seen Exer ever since the show started. But I knew he and Harry already walked in the catwalk. Hindi kasi tulad sa 'min ni Sapphire, dalawang beses sila maglalakad, opening at ung sa parteng dulo ng show. Hindi ko kasi pinapanood ung mismong show. May division din ung backstage, nakahiwalay ung babae at lalaki kaya hindi ko sya nakita.
"Sapphire, dear! You're up,"sabi nung baklang floor director.
I admire Sapphire's confidence. Nakataas ung noo nya at hindi man lang sya mukhang kinakabahan. Ung suot nya, red na two-pice. Tapos ung pinakacover up nya, nakasama na sa mismong pantaas nya. Nakapaikot un na mahabang tela na kaparehas ng design ng swimsuit nya. Pagkatapos, may hati sa gitna ng dibdib kaya parang expose ung buong unahan nya. Bale likod lang ung may takip.
Umakyat na si Sapphire sa stage. Maya-maya pa, narinig ko ung hiyawan ng audience. Nagtaka ako kung bakit kaya dapat titignan ko pero nagmamadaling Sapphire ung nabungaran ko.
"That brute! Makakatikim talaga sya sa 'kin. Akala nya kung sino sya,"nagpupuyos sa inis na sabi nya. Nakakuyom pa ung kamay nya. Halatang inis na inis sya kung sino man ung pinapatungkulan nun.
"Bakit?"nagtatakang tanong ko. "Sino un?"
Bago pa sya sumagot, umentra na uli ung floor manager. "Cleo, ikaw na susunod, dear,"
"Later,"sabi lang ni Sapphire at tinalikuran na ko.
Huminga ako nang malalim at umakyat na sa kanang bahagi ng stage. I'm having a cold feet. I just hope that I won't trip throughout the walk.
Nagsimula ung panibagong tugtog. All of me ni John Legend. Pero acoustic version at iba ung pakiramdam ko habang naglalakad. Parang tagos kasi sa puso na parang ako mismo ung kinakantahan.
Napansin ko din na ung nilalakaran ko, puro rose petals. Kanina pa ba 'to? Or talagang may design lang na ganito?
Mabagal akong naglakad papunta dun sa dulo ng stage. Baka kasi matapilok ako sa taas ng takong ng pumps na suot ko. Sayang maganda pa naman.
Nung nasa dulo na ko, napansin ko na lahat nung kaibigan ko nandun. Pati si Sapphire na kanina lang ay galit na galit, nakangiti sya sa 'kin. At syempre katabi nila si Tatay. Nagulat pa ako at nandun din sina Tita Yuriko, Tito Alexander at Tito Leandro. Bakit sila magkasama ni Tatay? Sinabi na ba ni Tatay ang totoo sa kanya?
Nagulat ako nang isa-isa silang lumapit sa 'kin at nag-abot ng tig-isa-isang tangkay ng puting rose. Si Sapphire, isang dress ang basta na lang nyang isinuot sa 'kin pagkatapos nyang ibigay ung hawak nyang rose.
Lahat sila nakangiti sa 'kin. Ano bang meron? Ganito ba talaga sa mga fashion show? Hindi ba dapat ang designer ang may bulaklak?
Naunang nagbigay si Harry ng bulaklak. "Harry and Ginny will always be fictional lovers,"sabi nya at tumalikod na. Bakit ang weird nung sinabi nya?
Pagkatapos nina Candice, Jill, Sapphire at Syrelle, sumunod sila Tito Alexander at Tita Yuriko. Niyakap ako ni Tita Yuriko at sabing "I'm so happy for you, hija. And welcome to the family,"
Family? So, alam na talaga nilang si Tito Leandro ang ama ko? Kasi tinatanggap na nila akong kapamilya. etong fashion show ba na 'to ung way ng pagwelcome nila sa 'kin bilang kapamilya? Bigla namang sumikip ung dibdib ko. Nangilid ung luha ko pagkatalikod nina Tita Yuriko. Hindi ako nakagot dahil parang may bikig sa lalamunan ko. Pigil na pigil ko ung pag-iyak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Sumunod si Jewel na nagbigay ng rose. "Smile, Cleo,"
Pero hindi ko nagawang ngumiti man lang. Nagsisimula na kasing pumatak ung luha ko. Bakit ba ang sakit sakit tanggapin ng lahat?
Mas nagulat ako nang sabay na lumapit sina Tatay at si Tito Leandro sa 'kin or dapat ko ba syang tawaging Daddy? May inabot sila na tig-isang tangkay ng puting rosas. Nagtatakang tinignan ko sila.
"Cleo, I would have been happy and proud if you are my daughter. But you're not mine but anytime soon, you'll be my niece,"nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa ulo.
What? Ano daw?
Tumalikod agad si Tito Leandro kaya hindi ko na sya nagawa pang tanungin. Isa pa, inagaw na ni Tatay ung atensyon ko. Nagtatanong na napatingin ako sa kanya.
Lumuluhang niyakap nya ako. Pagkaraan ng ilang saglit, tinitigan nya ako. "Ako ang tunay mong ama, anak. Natutuwa ako na ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Elena,"
"Tunay ko pong ama?"naguguluhang sabi ko. Hindi ba't si Tito Leandro ung tunay kong tatay?
"Hindi ko muna ilalahad kung pano nangyari pero ang importante, ako ang tunay mong ama at anak kita. At may isang tao na nag-aantay sa 'yo. Maswerte kayo sa isa't isa. Ibinibigay ko ang basbas ko sa inyo,"sabi ni Tatay at hinalikan din ako sa ulo bago tumalikod.
Bago pa ko makabawi sa shock, doon naman lumabas si Exer sa isang gilid ng stage. May hawak syang gitara habang kumakanta. Sya pala ung kumakanta kaya ramdam na ramdam ko kanina ung emosyon.
~~~
'Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose, I'm winning
'Cause I give you all of me
You give me all, all of you, oh
I give you all, all of me, yeah,
And you give me all, all of you, oh
~~~
Happy tears trickled down my cheeks. I can't believe that we're not blood related. It means that we can love each other freely. Sinubok lang pala kami ng tadhana.
Inilapag nya ung gitara at lumapit sa 'kin.
Agad agad ko syang sinalubong at niyakap. Ikinulong naman nya ung mukha ko sa dalawa nyang kamay at malalim akong hinalikan.
I was too stunned to move. Kahit siguro makakagalaw ako ay hindi ko pagtatangkang pigilan ito. I just closed her eyes and welcomed his kiss. The kiss was gentle and unbelievably sweet. My heart fluttered inside my chest.
"Exer!!!"sabay na sabay na sigaw ng tao sa paligid namin.
Nakirinig ko pa si Jewel. "Ken! I told to stick to the plan. At wala sa plano na manghahalik ka na agad-agad! Kainis ka talaga!"
I shut them out and concentrated on our kiss. How I love him especially his kisses.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^
Comments po... Dahil naubos ung brain cells ko dun. Abangan ang next chapter dahil... *hihihihi* pero comment muna kayo para tuluyan kong ubusin brain cells ko. tnx. ^___^ Pakinggan nyo din ung video para mas ramdam nyo din... ^___^
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
Ficção Geral*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.