A/N:
lagi na lang nawawala ung dulo ng ud's ko... Ilang beses na naputol... sa story na 2, twice, chapter 4 and this chapter... :3
Chapter 8
"Cleo, samahan na lang kaya kita mamalengke,"alok sa kin ni Sapphire. Kaming dalawa lang kasi ang nasa bahay ngayon. May interview sina Jill at Candice dun sa inaapplyan naming hospital. Kami kasi ni Sapphire next week pa ang interview pero nakapag-exam na kaming lahat. Fortunately, nakapasa naman kami.
Nagkataong ubos na ung stock namin ng pagkain at toiletries kaya kelangan nang mamelengke. Wala na rin kasi kaming iluluto mamayang tanghalian.
"Wag na. Hindi ka na nga makatayo nang maayos dyan sa dysmenorrhea mo eh. Kaya ko na 'to,"pagtanggi ko. Kasi naman, may dalaw si Sapphire. Eh pag meron pa naman yan, nagiging ganap na babae, matindi kung magkadysmenorrhea.
"Nainuman ko na naman ng gamot eh. Eepekto na yun mamaya-maya lang. Ang dami mong bibilhin, baka mahirapan ka,"pagpipilit nya.
"Hindi na talaga. Magpahinga ka na lang dyan. Magwarm compress ka. Malapit lang naman ung palengke. Keri ko na 'to,"
Kailangan ko lang naman maglakad sa kanto tapos sasakay ng jeep.
"Oo na. Text mo ko kung kelangan mo ng tulong ha?"
"Opo. Sige, una na ko,"paalam ko sa kanya.
"Okay. Ingat,"
Pagkalabas ko ng bahay, tumingin muna ako sa paligid tulad ng lagi kong ginagawa. Namimiss ko rin kasi ung probinsya. Sariwang hangin, simple ang buhay pero masaya dahil kasama ko si tatay. Pero ganun talaga, kailangan kong magtrabaho dito, abutin ang pangarap ko.
Habang naglalakad, naisip ko ulit 'sya'. Siguro hindi na sya mawawala sa isip ko kahit kelan. Pero, kumusta na kaya sya? Imposible na siguro kaming magkita. Unang-una, ang tanging natandaan ko lang ung first name nya. Nakalimutan ko ung surname nya. Pangalawa, wala rin akong binigay na kahit anong information sa kin kaya pano kami magkikita kung sakali?
Pinilit ko na lang iwaksi sya sa isip ko dahil mas marami pa kong bagay na kailangang gawin at kailangan bigyan muna ng atensyon. He's just part of my past.
***
>>>Exer's POV
"Bakit kailangan ako ang maghanap ng kambal na saging? Hindi naman ang ama nung bata ah? Bakit hindi sya mangrequest dun sa asawa nya o kaya kay Jewel, "reklamo sa kin ni Blake. Katatapos lang nito kausapin ung kapatid nito.
"Alam mo namang ikaw ang pinaglilihihan ni Krystal. Bumili ka na bago pa makunan un tsaka hindi naman bibili si Jewel nun, natatawang sabi ko. Buntis kasi ung ate ni Blake na si Krystal. Nagkataong si Blake ang gusto nitong kulitin pag may gustong kaining kakaiba. Jewel is their youngest sibling.
"Nasisira ang image ko sa ginagawa ni ate eh,"
"May masisira pa ba?"pamimilosopo ko.
"Of course, my hot and charismatic image,"nakangisi nyang sabi.
"And your gigantic ego. Umalis ka na nga, magrorounds pa ko sa mga pasyente ko,"pagtataboy ko sa kanya.
"Oo na. Ihalik mo na lang ako sa mga magaganda nating nurses ha?"nakataas pa ung isang kilay na sabi nya habang nakangisi.
"Tsss... Umalis ka na nga,"
Natatawang lumabas ito ng private office ko.
Kahit kelan talaga, babaero un.
***
>>>Cleo's POV
Pagkatapos kong mamili, pumunta muna ako dun sa bilihan ng ice cream. Ice cream is my weakness. Makakain lang ako ng ice cream, masaya na ko.
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.