HDDL 38 - His Kitten and Girlfriend

133K 1.7K 148
                                    

A/N:

Check out Blake and Sapphire's story entitled "Surrender to Love" on my profile.

Or you can just click the external link... ^___^

Chapter 38

Pagkatigil ng kotse sa harap ng ospital, tinanggal agad ni Exer ung seatbelt nya. Hindi agad ako nakakilos dahil bumalik ung hiya na naramdaman ko kanina. Nakakahiya kayang pumunta sa emergency room dahil lang sa konting katangahan na may kasamang kalampahan. Lalo na at kilala kami nung mga nurses at doctors dun.

When he about to remove my seatbelt, I hugged him. Halatang nagulat sya pero gumanti rin naman ng yakap. "Why, love? Naglalambing ang mahal ko?"

Napangiti ako sa sinabi nya. "Doc, ayoko pong pumunta sa E.R.,"

Inilayo agad nya ako sa kanya at kinurot sa pisngi. Alam kong hindi na sya nag-aalala katulad nung kanina. I'm perfectly fine except for some bruises. It's a bit painful but I can manage.

"But---"

I pressed my lips on him lightly. Pagkatapos, tinitigan ko sya sa mata. I resist the urge to kiss him again and cry with happiness. His gray eyes reflect what we are feeling for each other, love.

"Ayos lang ako. I'm a nurse, remember? Alam ko kung may mali sa katawan ko. At itong nasa noo ko, nagasgas lang 'to at hindi nabagok. My bruises are aching as well as my ankle. But I'm perfectly fine and besides, I'm with the best and hottest doctor, right? And that same doctor is the man I love the most, pwera syempre kay Tatay,"sabi ko sa kanya.

Masuyong hinaplos nya ung kinurot nya kaninang pisngi. "Naglalambing nga ang ale at nambola pa. But, still, we need to tend to your injuries, okay?"sabi nya. "Hep! Bawal kumontra,"

"Pero---"

Sya naman ang humalik sa 'kin para patigilin ako sa pagsasalita. "Hindi na tayo papasok sa hospital. Gagamutin na lang natin ung mga sugat mo sa ibang lugar. Okay na ba iyon?"

Malawak ang ngiting tumango ako. "Yes, Doc. Mahal na mahal po kita,"

Natatawang niyakap nya ako. "I love you more,"

***

"San tayo pupunta? Akala ko sa condo?"nagtatakang tanong ko nang hindi sa daan papunta sa condo nya kami pupunta. Hindi kasi pwede sa bahay dahil hindi kumpleto ung first aid kit namin sa bahay. Isa pa, nandun si Sapphire. Wala ring dalang gamit si Exer dahil nasa opisina daw nya. Pero alam nya daw kung saan meron.

Pinisil nya ung kamay ko. Kanina pa nya hawak un pagkaalis pa lang namin sa hospital. Nilingon nya ako dahil saktong red na ung stop light.

"Somewhere, love,"he said mysteriously. "And sorry, you can't have a taste of me tonight. Some other time, I promise,"pilyo nyang dagdag.

Hinampas ko sya gamit ung libre kong kamay. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang dumi ng isip mo,"namumula kong sabi. Kahit na ipagpalagay na mahal ko sya at gusto kong gawin iyon, hinding-hindi ako hihiling sa kanya nun. Dalagang Pilipina kaya ako.

Tumawa sya nang malakas sa ginawa ko. Kung hindi ba naman nakakaloko. "Ang bigat pala ng kamay mo? Don't worry, I want you as much as you want me, kitten,"pilyo pa rin nyang sabi. Naglalaro ung kaaliwan sa mata at ngit nya. Ako naman, siguradong pulang-pula na mula ulo hanggang paa.

"Exer!!!"

"I'm just telling the truth, kitten. I love you and I won't deny that I want you but I respect you. Do you trust me?"seryoso nyang sabi.

"Oo,"agad kong sabi. I trust him with my life. And he's right . I want him. That's a fact and nothing can't change that.

"Good,"nasisiyahang sabi nya.

Nang maggreen ung stop light, pinatakbo na nya ung sasakyan. Pero may naalala akong itanong sa kanya.

"Bakit 'kitten' ang tawag mo sa 'kin? Mukha ba kong pusa?"nakasimangot na tanong ko.

***

>>>Exer's POV

"Bakit 'kitten' ang tawag mo sa 'kin? Mukha ba kong pusa?"tanong ni Cleo sa 'kin.

Sinulyapan ko sya kaya nakita kong nakasimangot sya. "I thought I already said that it's a secret?"nakangiti kong tanong sa kanya.

"But I still want to know,"paggigiit nya. She pouting that made me muster all my self-control and resist grabbing her and kiss her endlessly. I can't believe we feel the same way. Perhaps, I've made a good deed in my previous life for Him to give me the most wonderful lady. I know I will always love this woman beside me beyond forever.

"Hmmm,"sabi ko lang dahil malapit na kami sa bahay.

Bumusina ako kaya agad na nagbukas ung gate. Ipinasok ko muna ung sasakyan at iginarahe. Bago ako bumaba, sinagot ko na ung tanong nya. "You're a moaner, love. And every time I make love to you, you purr like a kitten. And by the way, welcome to our humble home,"

***

>>>Cleo's POV

"You're a moaner, love. And every time I make love to you, you purr like a kitten. And by the way, welcome to our humble home,"sabi ni Exer at lumabas na ng kotse.

Ano daw? Moaner? Humble home?

Hindi ko alam kung ano uunahing iisipin. Ung tungkol ba sa kitten or ung sa sinabi nyang nandito kami sa bahay nila?

Bago pa ko makapagdesisyon kung ano dapat isipin, bumukas na ung pinto sa gilid ko at kinarga na ako ni Exer. Hindi kasi ako makalakad at wala rin akong sapin sa paa.

Lumakad sya sa front door nang natatarantang sumigaw ako. "Saglit!"

"Why?"

"Hindi mo ako pwedeng dalhin sa loob. Not in this state. Baka hindi ako magustuhan ng family mo. Isa pa, hindi man lang maayos ang lagay ko. Ni hindi ako makalakad nang maayos, wala akong sapatos. Buhat-buhat mo pa ako. Tsaka, hindi man lang tayo nagdala nang kahit ano. Tapos tapos, hindi mo pa sinabi sa 'kin na dito pala tayo pupunta. Hindi man lang ako nakapaghanda. Paano kapag pinalayas nila ako dyan? Tapos sasabihin nila na ayaw nila sa 'kin. Anong gagawin ko,"sunud-sunod na sabi ko. I know I'm blabbering but I don't care. Panic is building up inside me. "Hindi mo man lang ba naisip na baka---"

"Stop, love. You're talking nonsense. Hindi ganyan ang pamilya ako. They're weird sometimes but they're very good people especially my mother. They'll love you even if you can't walk properly or you don't have a shoes. At kahit hindi ka pa nila magustuhan, mahal na mahal pa rin kita, okay?"pag-aassure nya sa 'kin. "And I'm not sure if they still awake. It's already 10 in the evening in case you don't know,"

"Kahit na. Dapat maganda pa rin ang first impression nila sa girlfriend ng panganay nila,"giit ko.

"I love that. Girlfriend,"masuyong sabi nya.

"Hindi ba?"nag-alangang sabi ko.

"You are my girlfriend till the day you will say 'I do',"malambing na sabi nya. "So, papasok na tayo?"

My heart swelled with happiness and love for this man. He love me and he intended to marry and that's all that matters. kaya tumango na lang ako at isinubsob ung mukha ko sa dibdib nya.

Pagpasok namin, nagulat ako nang biglang may sumigaw.

"Mabuhay! Mabuhay ang bagong kasal!"sigaw ng isang ginang na nasa late 40's. She looks sophisticated and charming at the same time. Katabi nya ung isang lalaking may hawig kay Exer. May isang maliit na babaeng nakangiti din at may kambal din. Ung isa, malawak ang ngiti. Ung isa naman, matipid lang.

Eto ba ang pamilya ni Exer? At bakit gising pa sila at tinawag kaming bagong kasal?

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon