HDDL 34 - Beyond Physical

135K 1.5K 92
                                    

A/N:

Dedicated kay joelette... Lagi kasi syang nagcocomment at vote... Chalamat... ^___^

Chapter 34

"Mahal mo ba si Ken dahil mahal mo sya o mahal mo sya dahil sya ang nakauna sa 'yo?"

Exer's very handsome face crossed my mind. I remember all those moments we have together. I can still feel the very first time I've seen his penetrating pair of eyes, his beautiful gray eyes.

Ngumit ako sa kanila bago sumagot. "I love him because I love him. My heart beats wildly for him the moment our eyes met for the first time. Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga oras na 'yun pero right there and then, minahal ko na sya. Being my first counts but my love for him is beyond that physical contact. I can give you many reasons why I love him but those are just a part of what I'm feeling. Mahal na mahal ko sya dahil iyon ang sinasabi at nararamdaman ng puso ko,"I said dreamily while thinking Exer.

Nagulat ako nang pumalakpak si Jill. "Bonggacious ang speech mo, 'te. Waging-wagi. Feel na feel ko ang love mo. Feel ko tuloy, ako ang love mo,"malawak ang ngiting sabi ni Jill pero natigil sya sa pagpalakpak. "Ang sakit naman, Ire. Makabatok ka eh,"

"Fine. I'll do it, Cleo. Tutulungan kita dahil mahal kita at gusto kong maging masaya ka. Magiging model ako para sa 'yo. Pero sana, wag mong masyadong ibigay nang buong-buo ang sarili mo, magtira ka para sa 'yo para sa oras na masaktan ka, may natira pa rin sa 'yo kahit papaano,"seryosong sabi ni Sapphire.

Tumingin ako kay Candice na nakangiti sa lang sa 'kin. Pagkatapos, binalingan ko si Jewel. Naluluha sya.

"O, bakit ka naluluha?"nagtatakang tanong ko.

Nakangiting umiling sya. "I'm just too happy for the both of you. Nakikita ko kung gano kaspecial ang meron sa inyong dalawa. Just like what you've said, love is beyond physical. Importante ang mga firsts natin but it will fade in comparison because of that four-letter word and with the right person. Masaya akong ikaw mahal ni Exer dahil alam kung mamahalin mo rin sya,"

"Thank you,"sabi ko sa kanya.

"Naku. Wagi talaga ang mga speeches ngayong gabi. Hayaan nyo, ipapadala ko yan sa MMK,"singit ni Jill.

Binatukan sya ulit ni Sapphire. "Ire naman, nakadalawa ka na. Akala mo, masarap?"

"Lukaret ka kasi. Panira ka ng moment,"katwiran ni Sapphire.

"Wow! Alam ko nang gamitin ang moment. Nag-weweChat ka rin?"

Akmang babatukan ulit ni Sapphire si Jill nang tumayo ito at kumuha ng unan. Hinampas nya si Sapphire sa ulo. "Paganti,"tuma-tawang sabi nito.

Dahil nagkagulo na, nagpillow fight na kaming lima habang tumatawa at nagsasanggaan.

I'm glad I'm with them right now. I realized what I have to do and what I really feel.

***

"Kanina ka pa nakasimangot. Problem?"tanong ni Exer sa 'kin.

Nasa boutique kami ni Jewel. Pagkatapos kasi ng shift ko, dumiretso na kami dito ni Exer. Kailangan daw kasing magdress rehearsal para sa fashion show next week.

Kanina pa kasi ako naiinis sa mga babae dito. Tingin kasi nang tingin kay Exer. Meron pang malakas ang loob na hawakan sya. Ang sarap dukutin ng mata nila. At naiinis din ako sa lalaking 'to. Ngiti rin kasi ng ngiti.

"Wala. Hindi lang ako kumportable sa susuotin ko,"kaila ko.

Ung isusuot ko kasi sa fashion show, two-piece pero may patong naman na see-through na tela. Nakakailang. Masyadong sexy kasi ung cut.

"Try it first, love. Come on. I'll help you,"yaya nya sa 'kin at kinuha ung damit ko at hinatak ako sa fitting room. Hindi nya pinansin ung pagsinghap ng mga staff sa sinabi nya.

"Wag na. Kaya ko. Isukat mo na lang din ung iyo,"natatarantang sabi ko. I can't bear being with him inside the fitting room. Masyado syang gwapo para hindi pagnasaan.

I went to the fitting room immediately. Then, I shook my head to clear my mind. Nagiging mahalay na minsan ung utak ko pag malapit si Exer, lalo na nung narealize ko kung gano ko sya kamahal. Parang lalong bumibilis ung tibok ng puso ko pag nandyan sya.

Nang masuot ko ung damit, tumingin ako sa salamin. Napangiwi ako sa nakita ko. Kaya ko kayang irampa 'tong damit na 'to? O damit pa bang maitatawag 'to?

"Cleo, okay ka lang ba dyan? Open the door,"utos ni Exer sa 'kin at kinatok ung pinto ng cubicle ko.

Bahagya kong binuksan ung pinto at ulo ko lang ang sinilip ko. "Wait. Magpapalit lang ako,"

Pasara na ko ng pinto nang harangin nya. Pagkatapos, pumasok sya at sinara ung pinto. Without a warning, he grabbed my neck and kissed me hungrily. Kissing him back fervently is like a reflex to me. I really love this guy so much.

"I've been dying to kiss you since yesterday,"hinihingal na bulong nya sa 'kin habang yakap nga ko nang mahigpit. Parehas pa kaming naghahabol ng hininga.

"Abuso ka, mister. Nanliligaw ka pa lang kaya,"tudyo ko sa kanya. But truth be told, I always miss his kisses and how it can drive me crazy and makes my knees turn into jelly just like now. At nakakaliyo rin ang epekto sa 'kin, in a good way.

He smirked and looked at me. "I don't care. I always miss you, love, especially your sweet lips. You're so beautiful,"

"Mas maganda pa sa mga babae sa labas?"

Natawa sya nang mahina. "I'm right. You're jealous. But you don't have to. You're the most beautiful woman for me and you're the only woman my eyes can see. By the way, I love seeing you wear like this but I don't think I love the idea of seeing you wearing only this in front of other men,"

Pinitik ko sya sa noo habang namumula ako. "Puro ka kalokohan. Hindi ako nagseselos. Lumabas ka na nga. Magbibihis na ko,"

"Paisa pa,"pilyong sabi nya at hinalikan ulit ako.

Sabi ko nga isa pa. Nakakawala talaga ng huwisyo ang halik ng lalaking 'to.

***

"Flowers for a beautiful woman,"nakangiting sabi ni Harry sa 'kin nang iabot nya sa 'kin ung bouquet. Ihahatid kasi nya ako papasok.

"Thank you,"alangin ang ngiting sabi ko nang tanggapin ung bouquet of red roses na hawak nya. Sana lang hindi nya mapansin.

"I can't accept your 'thank you', Ginny. Perhaps, you can accept my invitation in exchange of the flowers?"hindi pa rin nawawala ang ngiting sabi nya.

"Invitation?"sabi ko kunwari hindi ko alam kung para saan ung invitation nya.

"A date. On Saturday. Is it a yes or a yes?"

"Sure,"

"Great. It's a date then. I'll fetch you at 7pm, okay?"mas malawak ang ngiting sabi nya.

This is it. Eto na iyong sinabi ni Jewel. Kailangan ko na talagang sabihin kay Harry ang desisyon ko sa date na 'to. Masyado na kasing nakakakunsensya. He deserves someone better, someone like Sapphire.

A/N:

Okay lang ba kayo? Hindi kayo binaha? Stay safe, okay? ^___^

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon