HDDL 18 - Eyes' Emotions

180K 1.8K 67
                                    

A/N:

For ivzlim... Tnx for the comments in each chapter... Even sa ANOP... ^___^

Chapter 18

"Cleng, anak, hindi mo naman kailangang magpakapagod sa pagpunta dito eh. Dapat nagpapahinga ka sa off mo,"sabi sa kin ni Tatay nang dalawin ko sya. Nag-aayos ako ng mga dala-dala ko nang sabihan ako ni Tatay ng ganyan

Isang araw bago ang off, pumupunta ako dito nang diretso pagkatapos ng duty. Pero naalis din kinahapunan. Every other week ko lang naman ito ginagawa.

Itinigil ko muna ang ginagawa ko at pinameywangan si Tatay habag nakangiti.

"Tay, hindi nyo man lang ba ako namiss? Ganyan kayo ha? Siguro may itinatago kayo sa kin kaya kayo ganyan 'no?"tudyo ko sa kanya. May sinasbi kasi sa kin kanina ung isa naming kapitbahay na nagiging malapit daw si Tatay tsaka ung first love nito na byuda na na si Tita Perla. Taga-kabilang baryo lang nakatira si Tita Perla. Nakilala ko sya dahil minsan napunta sya dito sa bahay para mangamusta. Mabait sya at magiliw sa kin. At kahit may edad na, makikita pa rin ung kagandahan nya nung kabataan.

"Ikaw na bata ka, tigilan mo ako ng mga ganyang panunudyo at ikaw ay tatamaan sa akin makita mo. Kahit matanda ka na, papadapain pa rin kita at papaluin,"namumulang sabi ni Tatay. Halatang tinamaan ko sya sa pang-aasar ko. Halata ding naggagalit-galitan lang para hindi ko sya asarin.

Inakbayan ko sya at sa natatawang sabi,"Tay, hindi ka na mabiro. Nagtatanong lang naman ako ah?"painosente ko pang sabi. Pinipilit ko pang supilin ung ngiti ko. "Pero 'Tay, kung kailangan nyo ng back-up sa panliligaw, tutulungan kita ha?" Sabi ko at lumayo bago pa ako makatikim sa kanya. Masaya palang makipagbiruan kay Tatay. Sana noon pa namin ito nagawa eh.

"Makikita mo talagang bata ka at tsisinelasin kita. Halika dito,"pagalit na sabi nito at hinubad ung tsinelas nya at akmang ipapalo sa kin pero nakalayo ako agad.

Tawa kami nang tawa nang hindi ako maabutan ni Tatay. "Tama na, Tay, baka mapano kayo nyan,"

"Namiss kita, anak. Pero sa susunod, wag mo nang isakripisyo ang pamamahinga mo para lang makapunta dito. Ayos nang isang beses sa isang bwan ka pumunta,"

"Ayos lang po, Tay. Ginusto ko po ito. Tsaka hindi ba, sabi natin, pupunan natin ung mga panahong nawala sa 'tin?"

Inakbayan ako ni Tatay. "Anak, salamat dahil sa kabila ng lahat, natanggap mo ako. Mahal na mahal kita,"sabi nya at napansin ko pang pasimpleng nagpahid ng luha.

"Tay, mahal na mahal din po kita. Pero tama na ang drama ha? Dapat happy-happy lang tayo. Tsaka 'Tay, kayo na ba ni Tita Perla? Satin-satin lang naman. Kunsakali, hindi naman ako tututol,"nakangiti kong sabi.

"Ikaw na bata ka. Magkaibigan lang kami ni Perly,"

"Magkaibigan pero Perly ang tawag. Ano tawag sa 'yo, Tay?"tudyo ko.

"Francis,"

Natawa ako. "Teenagers ang dating nyo ah. Yan ba ang magkaibigan?"

"Bakit ba ang buhay-pag-ibig ko ang inuusisa mo? Ikaw ba ay meron na ring iniwang kasintahan sa Maynila?"pagda-divert nya sa usapan. Ayaw nya lang atang maasar eh. Parang guilty kasi talaga eh.

"Naku, Tay. Hindi uso sa kin yan. Walang gustong magkamali sa kin,"natatawang sabi ko pero may isang tao, isang napakagwapong tao ang pilit umuukilkil sa isip ko.

"Anak, hindi mo man sabihin, may nakikita akong kakaibang ningning sa mata mo katulad ng sa isang mangingibig. Isa sa mga araw na ito, alam kong malalaman mo din ang gustong ipahiwatig ng iyong puso,"seryosong sabi nya at tinatapik-tapik pa ung balikat. "At ano man ang magiging kinahinatnan nito, nandito lang ang tatay at handang sumuporta sa 'yo,"

"Mata nyo ata nakikita nyo eh at bakit ang lalim ata ng mga sinasabi nyo? Epekto ba yan ni Tita Perla?"sabi ko para pagtakpan ung sarili kong damdamin. Kahit kasi sya ung naiisip ko, hindi ko pa rin alam ang nangyayari sa damdamin ko, magulo pa masyado. Baka ganito lang nararamdaman ko dahil sya ung nandun nung kailangan ko ng isang mapagkakatiwalaang tao o baka dahil sya ang nakauna sa kin.

"Maari mong laging biruin o itanggi ito sa iyong sarili pero sa huli't huli, malalaman mo ang ibig kong sabihin dahil ang puso mo mismo ang syang magsasabi sa 'yo niyon,"makahulugang sabi ni Tatay.

Dahil sa sinabi nya nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Dapat ko bang bigyan ng kahulugan ang nararamdaman ko kung nasa malapit lang sya? Kung paanong lumalakas ang tibok ng puso ko o kung paanong hindi ko nagugustuhan pag may kasama syang ibang babae?

***

>>>Sapphire's POV

Palabas na ko ng mall galing sa pamimili ng damit nang mamataan ko ang isang babae at isang lalaki na nakangiting nakatingin sa isa't isa. Magkahawak kamay sila habang naglalakad papasok nang mall at halatang mahal na mahal nila ang isa't isa base sa tinginan nila. Magkasama pa rin pala ang dalawang manlolokong yun. Para akong tinulos sa kinakatayuan ko. I can't believe that I can still feel the pain, the pain of betrayal and bruised pride. Akala ko nawala na ang lahat nang mawala ang pagmamahal ko sa kanya, hindi pala. Dahil hanggang ngayon masakit pa rin pala na ang taong lubos mong pinagkatiwalaan, niloloko at pinagtatawanan ka lang pala.

Pinilit kong maglalakad-lakad sa labas ng mall. Mabuti na lang at may garden sa labas ung mall na hindi ganun karami ang tao. Umupo ako sa isang bench dahil para akong nanghihina.

The guy was my first love and the girl was my enemy. That bitch planned the whole scenerio, making me fall for that brute and in the end, hurt me, not just my heart but my entire system. Masyadong masakit isipin ang bawat detalye kay pinilit kong wag isipin.

"Here,"sabi ng isang tinig at may inabot na panyo sa kin. Hinawakan ko ang pisngi ko. Dun ko lang nalaman na basa na pala ng luha un. Hindi ko napansin dahil sa sakit na nararamdam ko.

"I don't need it. Meron ako,"pataray kong sabi. The last thing I want now is a nuissance. Pero hindi pa rin nya inaalis ung panyo nyang nakalahad.

Nag-angat ako nang tingin. "Pwede ba---"

Naputol ung sasabihi ko dahil kilala ko ang nag-abot ng panyo. Marami na kong nakitang gwapo at alam kong sya ang pinakagwapo sa mga ito at sya lang din ang kayang makapang-inis sa kin nang matindi.

"I won't bother you, Ire. I just want to give you this hanky. You need it,"seryosong sabi nya. Wala ang mapaglarong ngiti at mata nya habang nakatingin sa kin. Wala ring pang-aasar at pagkapilyong karaniwang nakasalamin sa mga mata nito. At lalong walang awa, na lubos kong ipinagpasalamat. Ayaw kong kaawaan ako ng iba.

Pagkakuha ko ng panyo nya, tumalikod agad sya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, natawag ko na sya. "Blake, pwede bang magtanong?"

Unti-unting humarap sya sa kin at halatang nagtataka. Gayun pa man, lumapit naman sya sa kin at tumabi.

Ilang sandali muna ang pinalipas ko bago ako nakapagtanong. "Bakit likas sa inyong mga lalaki ang pagiging manloloko at babaero?"

Nagulat sya sa tanong ko. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit sya ang tinanong ko. O baka dahil isa rin syang babaero?

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon