A/N:
For chicha_27... Here's your dedic sissy... Tnx for reading my stories... ^___^
Chapter 12
"Girl, sunduin na lang kaya kita dyan?"alok ni Candice sa kin. 2pm-10pm ung shift ko. Nagkataong hindi ko sila kashift kaya mag-isa lang akong uuwi.
Katatapos lang ng shift namin kaya pauwi na ko nang tawagan ako ni Candice.
"Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa,"tanggi ko sa alok nya. Abala pa sa kanya un kung magpapasundo ako. Tsaka hindi naman sya bata para sunduin pa.
"Baka kasi maligaw ka eh,"sabi nito nang pabiro pero halatang nag-aalala ito.
"Candice, ilang beses na ba akong nakauwi mag-isa mula dito sa ospital? Pero kahit kelan hindi naman ako naligaw,"sabi ko sa kanya. Naka-1 week na rin naman simula nang magsimula kami ng trabaho eh.
"Kahit na. Gabi na kaya,"
"Hindi yan. Kaya ko na talaga,"pag-aassure ko sa kanya.
"Oo na nga. Pero antayin kita sa may labasan ha?"
"Okay. Sige. Thank you,"
"Ingat ka,"
"Opo,"nakangiti kong sabi. Grabe 'tong mga kaibigan ko kung mag-alala. Para na kasing kapatid ung turingan naming apat kaya ganyan. Lalo na si Sapphire, astigin pero grabe kung mag-alala.
Aalis na sana ako sa ospital nang may magsalita sa tabi ko.
"You're talking with your boyfriend?"
***
>>>Exer's POV
I'm about to go home when I saw her smiling while talking to someone over the phone. I like how she smiles. Parang nawala ang pagod na nararamdaman ko. But the thought of someone's making her smile brought a bitter taste on my mouth.
When she's about to leave, I approached her.
"You're talking with your boyfriend?"
Bakit parang naninita ang dating sa kin ng sinabi ko?
Nagulat ata sya sa biglang pagsulpot ko kaya napalingon sya sa kin.
"Doc!"bulalas nya habang hawak pa ung dibdib nya.
"Sorry for startling you,"labas sa ilong na sabi ko. "So, is he your boyfriend?"tanong ko na tinuro pa ung cell phone nya.
"Nope. Hindi naman uso sa kin ang boyfriend. Si Candice ung kausap ko,"sagot nya. I know Candice. Ang alam ko isa sa kaibigan nya un. Pero hindi ko pa namemeet. Si Sapphire pa lang nakikita ko. Nasa pedia ward rin kasi ito.
Bakit biglang nawala ung inisyal na inis ko nang malaman kong wala syang boyfriend? Ipiniling ko ang ulo ko para maalis ang tila agiw sa utak ko.
"Okay. Pauwi ka na ba?"pag-iiba ko sa usapan. Tumango lang sya.
"Come on, I'll take you home,"sabi ko sa kanya.
"Ay wag na. Magcocommute na lang ako,"tanggi nya na umiling pa.
"No. I insist,"pagpilit ko. Parang gusto ko pa kasi syang makasama at makausap.
"Hindi na---"
"Ihahatid kita o termination?"pagbabanta ko kunwari.
"Hayyy. Oo na nga. I never thought you're a blackmailer,"nakangiti nyang sabi.
"If necessary,"
Pinag-antay ko na lang sya sa tapat ng hospital at kinuha ung kotse ko. Gusto sana nyang sumama pero tumanggi ako.
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
Tiểu Thuyết Chung*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.